Chapter 8: home?

72 0 0
                                    

"Ang daya mo! Hindi mo na ginagalaw baso mo, oh!" Pagrereklamo ni Rein nung nakitang di ko pa nauubos yung soju sa baso ko.


"Sorry na, nauuna yung saya ko." Natawa na lang ako. Andito kami ngayon sa bahay ni Rein dahil dito namin napag-usapan na tumambay na lang at uminom dahil wala namang tao sa kanila.


"Oo nga, hayaan mo siya magkwento!" Umakbay sa akin si Luis habang may hawak-hawak na baso. Lumingon ako sa kanya at tinaas-baba niya ang kilay niya. "Ang pangit mo." Tinulak ko ang mukha niya at natawa na lang siya.


"Ayos na ba kayo ng mommy mo?" Umiling si Rein at kinuha ang bote ng soju para maglagay sa baso niya. "Hindi pa." Tumango na lang ako.


"Kahit naman magkaayos kami, wala pa rin namang magbabago." Tumawa siya ng mahina. "She still sees me as a failure at laging cinocompare sa iba." Dagdag niya.


Rein is rich, pretty, kind, smart at ano pa ba. Parang halos lahat ata nasa kanya na pero once you get close to her, mapapansin mo yung insecurities niya. She blames her mom for that. She hates her mom so much for having a high expectation for her. Para sa mom niya, she's a mistake and a failure that's why lagi siyang cinocompare kasi mas maraming mas better na bata sa kanya. Hindi niya rin alam ang dahilan kung bakit ganyan sa kanya ang mom niya.


"Inom." Inabutan siya ni Luis ng dalawang bote kaya natawa kami. "Gago, papatayin mo ba ako." Hinampas ko si Luis dahil sa ginawa niya.


"Oh, diba tumawa din kayo." Napailing na lang kaming dalawa ni Rein.


"By the way, nakakausap mo pa ba si Zac?" Biglang tanong ni Rein kay Luis. "Oo, bakit?" Tanong niya.


"Wala lang, feeling ko crush ko na siya." Kinikilig niyang sabi kaya nag-yiee kaming dalawa ni Luis. "Tapos tinutulak mo pa sa akin?" Natatawa kong sabi.


"Hoy, may sparks kaya kayo! Tsaka he's so attractive, di niyo ba pansin?" Umirap siya. Yeah, he's attractive.


"Nag vavalorant kami no'n minsan. Gusto niyo bang sumali?" Pag-aalok ni Luis. 


"Bahala ka diyan! Ayaw kita kalaro!" Natawa na lang ako. One time kasi pinilit kami ni Luis mag computer shop dahil gusto niya daw kami turuan mag valorant. Nung naglalaro na kami galit na galit siya kasi bakit daw wala kaming mapatay kahit isa kaya inaasar na lang namin siya lalo noon.


"Galit na galit ba naman." Natatawa kong sabi. "Tanga kasi bumaril ni Rein." Kahit ako din naman pero hindi niya ako inaaway. "Ay, ako pa talaga! Hindi mo nga kami mabuhat!" Ganti niya.


"Sorry ha!" Nag-start nanaman silang magbangayan kaya napailing na lang ako.


"Ikaw? Anong balak mo pag nag pasukan na?" Pag-chachange topic ni Rein.


"Bubukod ako." Nagulat silang dalawa sa sinabi ko. "Papayagan ka ba?" Umiling ako. For sure hindi. Pero wala silang choice at ipipilit ko 'to para makapagfocus ako sa pag-aaral.


"Oo, tama gago. Para hindi ka makuhaan ng pera." Naiinis na sabi ni Luis kaya ngumiti na lang ako. "Saan mo balak tumira?" Tanong niya ulit.

Tanging LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon