"Sino?" Tanong ko kay Lia na ka-call ko sa phone ngayon. Palabas palang ako ng room dahil kakatapos lang ng class ko sa isang major subject.
"Kaibigan mo ate." Napakunot ang noo ko. Sino naman ang pupunta sa bahay?
"Si Zac?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "Hindi! Si ate rein!!" Excited na sabi ni Lia na parang may magandang nagaganap sa bahay ngayon.
"Nandito rin sila mama at papa ngayon!" Natutuwa niyang sabi na parang sobrang good mood nila ngayong araw.
"Anong meron diyan?" Tanong ko pero hindi niya ata narinig. Rinig na rinig ko na nagtatawanan sila sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung anong meron pero kinukutuban ako na iba ang nangyayari. Hindi naman matutuwa ng ganyan sila tita at tito kung hindi maganda ang dahilan sa kanila.
"Papunta na ako diyan." Sabi ko. "Sige, ate! Ingat ka!" Nag-paalam sa akin si Lia bago pinatay ang tawag.
Masaya sila ngayon at wala naman akong balak sirain 'yon. Uuwi lang ako para tignan kung anong nangyayari at kung anong ginagawa ni Rein sa bahay.
Ang weird kasi anong gagawin niya sa bahay kung wala naman ako doon?
Pababa na ako ng hagdan pero agad ding napaakyat pataas dahil bigla kong nakasalubong si Luis na kasama si Zac.
Umakyat ako para kunyari ay hindi ko sila nakita. "Lara!" Napapikit ako nang mariin nung narinig kong tinawag ako ni Luis.
Wala akong choice kundi lumingon. "Uy! Pauwi na kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa kahit kay Luis lang ako natingin. Ramdam na ramdam ko ang tingin na binibigay sa akin ni Zac kahit pilit ko siyang iniiwasan.
"Lalaro kami." Ayos talaga 'tong dalawa. Napagsisiksikan pa nilang dalawa ang pag-iinternet cafe.
"Ikaw? Uuwi ka na?" Bigla akong tinanong ni Zac kaya hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. Tumango ako. Alam ko na hanggang ngayon ay nararamdaman niyang iniiwasan ko siya.
"Oh? Sabay ka na samin palabas." Sabi ni Luis. Agad akong bumaba ng hagdan at lumayo sa kanila. Uunahan ko na sila.
"Hindi na. May pupuntahan pa ako." Sabi ko habang naglalakad nang nakatalikod.
"Mauuna na ako, ingat kayo." Kalmado kong sabi bago naglakad paalis. Binibilisan ko medyo ang paglakad ko dahil ayokong makasabay sila sa paglalakad.
Lumipat ako ng ibang direksyon para magtago muna. Nung nakita ko sila na medyo malayo-layo na ay napahinga na ako ng malalim.
Napahampas ako ng mahina sa noo ko.
Para akong tanga sa ginagawa ko ngayon. Para akong nakikipaglaro ng tagu-taguan mag-isa.
Sinusubukan ko tawagan si Rein habang naglalakad palabas ng school. Hindi ko na naisipan na i-message na lng siya dahil alam kong hindi niya ako papansinin.
"Hindi nasagot." Napakamot na lang ako sa ulo ko at tinago ang phone sa bag.
Sumakay na ako ng bus. Nakatayo na lang ako dahil wala na maupuan. Punuan ngayon dahil hapon na at maraming nauwi.
Buti na lang din talaga na wala akong pasok sa walleaf ngayon.
Si Lia na lang ang minessage ko para malaman kung ano na ang ginagawa nila. Nagsend siya sa akin ng pictures ni William at Aliah na naglalaro ng mga bago nilang laruan. Bili ata 'yon ni Rein para sa kanila.
BINABASA MO ANG
Tanging Larawan
FanfictionZac Ethanace knows that she never dream of having a perfect life because we all know that life will never be perfect. However, Zac wants to be perfect for her. He wants to be the best man she could have ever asked for. ESC SERIES #1