Chapter 6: last

89 0 0
                                    

"Swimming naaaa!!" Tumakbo si Luis at dali-daling hinubad ang kanyang suot-soot na t-shirt. Halos itapon niya na din ang sapatos niya dahil sa kung paano niya 'to tinanggal. Tanging shorts na lang ang natira sa kaniya.


Pagdating niya sa tapat ng dagat ay naglakad lang ito kaya natawa kami. "Parang gago, kala ko tatalon na sa dagat." Natatawang sabi ni Rein.


"Ang lamig!" Natawa ako kay Luis nung bigla niyang niyakap ang sarili niya at dahan-dahan na umalis sa dagat.


"Bye guys!" Tumakbo na rin si Rein at binasa si Luis at hinabol-habol ito para asarin.


"Ho-- Sandali! Malamig!!" Pilit na iniilagan ni Luis ang mga wisik ng tubig sa kanya ni Rein. "Hoy!" Biglang tumakbo si Rein dahil ginantihan siya ni Luis at ang mas malala ay mas maraming tubig ang pinang-gaganti nito.


Kinuha ko ang digicam ko para videohan ang katangahan nilang dalawa.


"You should join them." Tumingin ako sa kanya na natatawa din habang pinapanood sila. Umiling ako. "Malamig." Sabi ko bago inoff ang camera ko.


"Ikaw? Ayaw mo ba maligo?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.


"I'll take a picture na lang sa inyong tatlo." Sabi niya. Kinuha ko ang digicam ko ulit at binigay ito sa kanya. Tinignan niya pa ako at parang nagdadalawang-isip na kunin ito.


"Is it okay to use that?" Tumango ako. "Sure ka?" Tumango ulit ako. As long as si Zac ang gagamit it's fine kasi I know naman kung gaano siya ka careful.


"Okay, punta ka na doon." Tumawa siya at tinuro sila Rein na naka peace sign na. "Wag niyo kong babasain ah!" Tumango sila sa akin kaya lumapit na ako. Nag-paa na din ako dahil ayoko mabasa ang sapatos ko.


Agad-agad lang ni Zac pinindot yung shutter button kaya lahat kami ay nagulat sa flash. "Wait lang hindi pa kami ready!" Reklamo ni Rein kaya natawa kami.


"Magbilang ka!" Natatawa kong sabi kaya nag-okay sign siya. "1.. 2.. 3!" Pagkatapos pindutin ni Zac ang shutter button ay bigla akong binuhat ni Luis at si Rein naman ay binabasa ako.


"Hoy!! Wait la--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil hinampas ni Rein ang tubig at dumeretso ito sa mukha ko.


"Malamig! Waaaaaa!" Sigaw ko pero tinawanan lang nila akong lahat. Nakita kong napalayo ng onti si Zac dahil nababasa na siya kaya tumakbo ako papunta sa kanya at tumago sa likod niya.


"Hoy-- Wait!" Hinihila ko ang damit niya sa likod dahil hinahabol pa din ako nila Rein. Walang siyang choice kundi mabasa dahil napapalibutan namin siyang tatlo. "Wait lang." Nakataas na yung dalawa niyang kamay habang hawak-hawak ang digicam ko at ang relos niya.


Naglakad siya papunta sa mga gamit namin at inilagay muna sa loob ng bag niya ang hawak-hawak niya. Hindi ko mapigilang matawa habang tinitignan siya na naglalakad papalapit sa akin. Basang-basa kasi ang shirt niya dahil siguro 'yon sa kakahila ko sa kanya kanina.


"Tignan mo, basang-basa shirt m-- HOY!" Bigla niya akong binuhat ng mabilis sa likod niya at tumakbo papunta sa dagat. Sumunod sila Luis na tuwang-tuwa sa nangyayari. "Deserve! Maligo ka na!" Sabay kaming lumubog sa dagat at wala akong ibang magawa kundi matawa na lang din.


"Ang lamig! Ang sama niyo!" Sigaw ko pero tinawanan lang nila ako.


Napatingin kaming lahat kay Maiah na tumatakbo papunta sa direksyon namin at may hawak-hawak itong dalawang water gun. Si Jiro naglalakad lang sa likod niya na may hawak ding water gun at pinagmamasdan siya na tumakbo at matuwa. Nakita ko siyang tumawa at napailing kaya natawa na lang ako dahil ang cute nilang panoorin.


Tanging LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon