Kabanata 6

22.3K 401 108
                                    

Sobrang tagal ng byahe namin, hindi ko na namalayan sobrang tagal ko palang nakatulog. Minsan tumitigil din si Venezio dahil nanganglay daw syang mag drive.

Tinigil nya ang sasakyan sa mga bukid. Inalis ko ang belt ko at bumaba ng sasakyan.

Napanganga ako kung gaano kaliit ang daan at kapag nagkamali ako literal na babagsak ako.

Tiningnan ko ng masama si Venezio.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na ganito pala kaputik ang daan? tyaka asan ang bahay dito? bakit wala akong makita." Tangin palayan lang ang nakikita ko at iba't ibang puno.

Gusto gusto ko ang view dito, Parang ang fresh lahat.

"Hindi kayang pumasok ng sasakyan dahil sa liit ng daan, lalakarin na lang natin papasok," sabi nya. Pumunta sya sa likod ng sasakyan at kinuha ang maleta ko.

"Seriously, Venezio? lalakarin ko ang maliit na daan. Nakikita mo ba ang suot ko."

Hindi ako marunong maglakad sa maliit na daan at ang damit ko.

"Fashion pa," bulong nya pero hindi nakalampas sa pandinig ko.

Hindi talaga ganito ang iniexpect kong pupuntahan namin. 'yong parang garden lang, nasa taas ka habang nakatanaw sa bundok.

"Venezio, hindi ko kayang maglakad jan ng na 'ka heels." Para na akong maiiyak kung madumihan lang ang suot ko.

"Hindi rin ako si Hulk, Young lady. Isang maleta mo na ang dala ko. Pwede naman maliit lang ang dadalhin mo."

"Nagrereklamo ka?!" tinaasan ko sya ng kilay.

"Of course," sabi nya.

Tumigil ako. Wala akong mapapala kung makikipagtalo na naman ako sa kanya.

Tyaka nandito kami sa probinsya.

Naunang maglakad si Venezio dala ang maleta ko. May bitbit pa rin syang isang bag doon nakalagay ang mga gamit nya. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta.

Ang sabi nya lang sa 'kin may bahay daw ang pinsan nya dito at doon mo na kami titira pansamantala.

Sumunod ako sa kanya. Ingat na ingat ako sa paglalakad dahil baka madapa pa ako.

"Venezio, naman!" Ang bilis nya maglakad.

Hindi ko talaga kayang tumakbo para mabulin sya dahil naiiwan ang heels ko.

Liningon nya ako. Tumigil sya sa paglalakad at hinintay ako.

"Malapit na tayo," sabi nya.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nya pero nang maglalakad na ulit ako biglang nadulas ang paa ko kaya bumagsak ako sa putik.

"Oh my god, Venezio!." Naiiyak na ako dahil nagkaroon ng putik ang damit ko at ang paa kong hindi ko na magalaw.

"Damn!" binitawan ni Venezio ang maleta ko at agad lumapit sa 'kin.

Binuhat nya ako at inalis sa putik.

"Sino ba kasing nagsabi sayong mag heels ka dito?" pagalit nya pang sabi sa 'kin.

Buhat buhat nya lamang ako at dinala sa damuhang kung saan wala ng putik.

Binaba nya ako at sinuri ang paa ko, hinubad nya ang heels ko.

Pulang pula ang ang ankle ko.

"Masakit ba?," alala nyang tanong.

Tumango ako at kinagat ang ibabang labi ko.

"I can't walk, Venezio. Ang sakit ng paa ko."

Huminga sya ng malalim at binuhat ulit ako.

"Babalikan na lang natin ang maleta mo."

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon