Kabanata 47

15.2K 386 154
                                    

Dali-dali akong pumasok sa kuwarto ni Dad. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko.

"B-Blare," tawag niya sa akin nang makita ako. Tuluyan nang tumula ang luha ko. Ramdam ko ang saya sa puso ko, ilang araw akong naghintay magising lamang siya.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya habang sinusuri ang kabuuan niya. Nakaupo siya ngayon sa kama at nakasandal ang sarili sa headboard ng hospital bed.Kita ko ang pagtulo ng luha mula sa mata niya.

"I-I’m sorry…," mahina lang ang boses nito pero sapat ‘yon para marinig ko ang sinabi niya. Lumayo ng kaunti si Mom mula kay Dad nang tuluyang na akong makalapit sa kaniy.

"D-Dad…," agad ko siyang niyakap habang hindi ko mapigilan ang pag-iyak. "I'm sorry for e-everything." Naging suwail na anak din akosa kaniya dahil sa sobrang tigas ng ulo ko. Naramdaman ko naman ang marahan niyang paghaplos sa likod ko na mas sa lalong nagpaiyak sa akin. "Ako dapat ang humingi ng tawad sa’yo," binitawan niya ako. Lumayo ako ng kaunti dahil baka nabibigatan rin siya sa akin.

"Sorry, anak, kung hindi ako naging mabuting ama sa'yo. Patawad kung mas pinili kong magpadala sa mga tumatakbo ng utak ko."

Niyakap ko siya ulit. May karapatan akong magalit pero hindi ko ‘yon paabutin habang buhay. Kung wala siya, wala rin ako dito sa mundo.

Naghihiwa ako ng prutas para kay Dad. Ang sabi naman ng doctor ay puwede na rin siyang kumain, kailangan din kasi niyang magpalakas pa.

Linapag ni Mom ang lugaw sa tabi ko at tinulungan na umupo nang maayos si Dad.

"Kumusta ang apo ko?" Napaangat ang tingin ko dahil sa tanong niya.

"She's fine." Tinitigan ko siya

"Gusto kong makita ang apo ko, anak. I’m so sorry kung nilayo ko siya sa'yo, Blare." Ngumiti na lang ako.

Tumawag ako kay Venezio na papuntahin dito si Stella. Sigurado naman ako na hindi na uulitin ni Dad ang ginawa niya noon sa anak ko.

"Kailan niyo balak magpakasal?" Iaabot ko na sana ang nahiwang apple sa kaniya pero napatigil ako dahil sa tanong niya.


"What do you mean, Dad?" Kunot nuo ko siyang tiningnan. Malalim siyang bumuntong hininga at seryoso akong tiningnan.

"May anak na kayo. Baka gusto niyong maging dalawa pa ang anak niyo bago kayo magpakasal?" He smirked at me. Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya.

Wala pa kaming napagusapan ni Venezio, hindi rin naman kami engaged. 

To be honest. hindi ko nga alam kung anong relasyon namin ngayon ni Venezio.

"‘Wag na muna natin pag-usapan ‘yan, Dad." Hindi na ako makatingin ng dretso sa kaniya. "Wala naman kaming relasyon ni Venezio." Bulong ko.

"Mahal na mahal niyo pa rin naman ang isa’t isa, hindi ba? Sapat na siguro 'yun para magpakasal na kayo."

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon