Kabanata 17

29.9K 502 116
                                    

"Blare!" Tawag ni Davina sa 'kin ng makita nya ako.

Tumakbo na sya sabay yakap sa 'kin ng mahigpit. Ilan taon na rin kami hindi nagkikita.

"Nasasakal na ako, Davina." Agad naman syang bumitaw ng yakap.

"Namiss talaga kita, Blare. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na darating ka pala ngayon?" Inaya nya akong umupo sa sofa.

Linibot ko ang tingin ko dahil hinahanap ko si Tita ang kapatid ni Mama.

"Na sa Davao si Mama, ako nalang ang natitira dito. Sayang lang at hindi mo sila naabutan," pagpapaliwanag nya ng mapansin may hinahanap ako.

Ngumiti ako, sayang talaga.

"Suprise sana kaso naudlot." Pareho kaming natawa.

Sinuri nya ang buong mukha ko. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa titig nya.

"Umiinom ka pa rin ba?" tanong nya.

Ngumiti ako.

"Of course, mamatay ako kapag hindi ako uminom."

Hindi kami nagsalita ng may lumapit na maid at nilapag ang pagkain sa harap namin.

Hinintay namin sya umalis bago pinagpatuloy ang sasabihin.

"May pupuntahan akong party mamayang gabi, ready ka ba?"

Alam ni Davina kung gaano ako kalasingerang babae, sigurado naman syang hindi ako tatanggi kapag inuman.

"Basta maghintay ka sa gate," bilin ko.

Tumango sya.

Buti nalang nagdala ako ng extrang damit dahil naligo kaming dalawa sa pool, kahit dalawa lang kami nag eenjoy pa rin ako.

Nagpahatid lang ako kay Venezio papunta dito. Nagmadali din syang umalis dahil marami daw syang aasikasuhin.

Nagsalin ng wine si Davina sa baso ko.

"Apat na tao ang sunod sunod namatay kahapon, Blare." Binigay nya sa 'kin ang basong may wine.

"Wala akong pake alam, kahit sampo pa ang mamatay sa isang araw." Iinomin ko na sana ang wine may idugtong sya.

"Hindi sya normal, Blare. Ang pinagtataka ko iisang tao lang daw ang may pakana ng lahat pero wala silang mahanap na ebidensya, kung sino talaga ang taong 'yong," she said with full of curiosity.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko.

What if... No, Blare! Sabi naman sa 'kin ni Dad may kakausapin lang si Venezio.

"Pero sa tingin ko hindi lang 'yon isang tao, sa panahon ngayon mabilis talaga magtago ang mga suspect."

Davina want to be a laywer kaya ganito palagi ang topic namin kapag magkasama kami.

"Tama ka, saan ka ba makakakita ng isang taong kayang pumatay ng ganun kabilis? tapos makapangyarin pa ang pinapatay." Uminom ako ng wine.

Umahon si Davina at umupo sa gilid.

Hindi sya nagsalita at mukhang nag iisip pa.

Umahon ako, kumuha ako ng towel at ginawang pampunas sa katawan ko.

"Maliban na lang, kung isa syang Assassin, Blare." Liningon nya ako sa likod.

Bumagsak ang hawak kong towel. Nanginig pa ako ng pulutin ulit.

"M-maraming Assassin dito sa pilipinas, pero sa tingin mo ba may kayang pumatay ng apat na tao pero magkalapit lang ang oras?"

Mukha naman syang nakumbinsi.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon