Kabanata 41

15.3K 415 220
                                    

Hindi mawala ang tingin ko sa anak ko. Paano niya nagawang itago sa akin ang lahat? Dalawang taon akong naghirap.

Halos mabaliw na rin ako nang mawala ang anak ko, pinaglalaruan nila akong lahat.

May puso ako, nanay pa rin ako. Ang hirap para sa isang katulad ko ang lahat nang nangyari. Hindi man lang ba nila naisip kung ano ang mararamdaman ko?

Umupo ako at hinawakan ang kamay ng anak ko. Paulit ulit kong hinahalikan ‘yon habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

Mahigit dalawang taon akong naghintay mahawakan ko lang ang anak ko. "I’m sorry, baby. I'm sorry kung wala ako sa tabi mo at hindi kita naalagaan." Hinaplos ko ang pisngi niya. Hindi ko man lang siya naabutan no’ng gumising siya.

She's still innocent para madamay sa lahat ng gulong ‘to.

·


"Stella is our daughter." Seryosong ani nya. Nanghina naman ako sa narinig. Muntik na akong bumagsak pero agad niya akong nasalo. Kahit nanghihina ay mabilis kong inalis ang kamay niya sa akin at tinulak siya palayo.

"P-Paano nangyari 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Nanginginig ako sa sobrang kaba ko. All this time, tama lahat ng hinala ko.


"Ayokong magalit ka sa'kin kapag nalaman mo ang totoo, kaya mas pinili kong itago na lang sa’yo." Unti unting namula ang mata niya, pinipilit na pigilan ang luha na nagpupumilit na kumawala sa mga mata niya.

"V-Venezio, anak ko ang tinago niyo sa'kin! Ipinagkait mo sa'kin ang anak ko!" Hindi ko na napigilang sigawan siya. Tangina naman! Hindi ba siya naawa sa akin noong mga panahon na halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa paghahanap ko sa anak ko? Sa anak namin?

Galit na galit ako ngayon. Halos mabaliw na ako kakaisip kung nasaan ang anak ko tapos malalaman kong nasa kaniya pala. Hahawakan niya sana ang kamay ko nang iniwas ko ’yun mula sa kaniya.

"Don't touch me! K-Kahit ano pang dahilan ‘yan, Venezio, hindi pa rin kita mapapatawad sa ginawa mo." Matigas na wika ko. Bahagya akong napatigil nang makita ang pagtulo ng luha niya.


"Hindi ko ginustong itago sa'yo ang anak natin, Blare. Dalawang taon akong nag tiis ‘wag ka lang lapitan." Yumuko siya at pinunasan ang luha gamit ang likog ng palad niya.

"W-What do you mean?" Nagsalubong ang kilay ko. Huminga siya nang malamin. Hinintay ko ang sasabihin niya pero hindi siya nagsalita.

"Ang duwag mo, napaka duwag mo, Venezio!" Paulitu lit kong hinampas ang dibdib niya, hindi naman siya natinag at hinayaan lang ako. Ang sakit-sakit. Paano niya natitiis na makita akong ganito ngayon? Nanay ako ng anak niya. Kailanman ay hindi ako nagkulang pagdating sa pagaalaga sa anak namin. Hindi lang isang parang hayop ang kinuha at tinago niya sa akin, dugo’t laman ko ‘yon! I deserve the truth!


"Oo, duwag ako." Seryosong ani niya na nagpatigil sa akin. "Duwag ako dahil pagdating sa'yo sinasakripisyo ko lahat." Tanging titig lang ang nagawa kong isagot, ano ba talaga ang nalalaman ni Venezio na hindi ko alam?

Gusto kong malaman lahat.


"Sinakripisyo?"

"Pinatay ng daddy mo ang mga magulang ko pero kinalumtan ko ‘yon dahil mahal kita. Tatlong taon akong kinulong ng daddy mo sa kulungan, pero tangina! Paglabas ko, ikaw pa rin ang una kong hinahanap." Sinabunutan niya ang sarili gamit ang sariling mga kamay. Para akong napipi sa sinabi niya.Tatlong taon siyang nakulong? Paanong hindi ko alam lahat ng ‘to?

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon