Kabanata 49

17.1K 352 80
                                    

“Anong plano mo?" Wendel asked me. Kinasa ko naman ang baril na hawak ko bago siya nilingon.

"I will make them pay for killing my parents." Seryosong sagot ko at pinutok ang baril na saktong tumama sa isang bote.

Umupo si Wendel sa lamesa kung saan nakahilera ang iba’t ibang mga klaseng baril na ginagamit naman tuwing nagttraining.

"How?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"You know me, I already have a plan kung paano ko sila pahirapan." I smirked.

Nang makita ko si Mr. Villarreal ay agad na kumulo ang dugo ko. Gustong gusto ko na siyang patayin.
Wala siyang karapatan mabuhay pagkatapos nang ginawa niya sa pamilya ko.

"Mr. Graves." Matigas ang kaniyang boses na tawag sa apelyido ko bago nilahad ang palad sa harap ko. Pero hindi ako nagsayang ng oras para hawakan ‘yon. Masyadong makasalanan ang kamay niya, ayokong mahawaan niya ako na kadumihan niya.Binawi niya rin naman agad ‘yon nang mahalatang wala akong planong hawakan ang kamay niya.

"I heard na magaling ka raw? It's that true?" Seryoso ko siyang tiningnan. Kung hindi ko lang kinokontrol ang sarili ko ngayon, ay hindi na siya makakatagal ng ganito sa harap ko.

"Kung ano man ang narinig niyo, 'yun ang totoo, Mr. Villarreal." I sternly said. Isang ngisi naman ang sinagot niya sa akin at mukhang natuwa pa sa sagot ko.

"Alam mo, Mr. Graves, pamilyar sa'kin ang apilyedo mo. Pero mukhang imposible naman na kakilala kita." Makahulugan siyang ngumit sa akin. Mahigpit kong kinuyom ang kamao ko. This fucking bastard.
Hindi niya dapat kinalumutan ang pamilyang walang awa niyang pinatay. At sisiguraduhin kong habang buhay niyang maaalala ang apelyidong Graves.

Ilang araw pagkatapos ng pagkikita namin ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kaniya para maging servant ng anak niya. Pumayag naman ako kaagad dahil mas lalong mapapadali ang plano ko. Mukhang tadhana na mismo ang nagtutulak sa akin para pahirapan siya.

Pagpasok ko pa lang sa bahay ay iba na ang naamoy ko. Mukhang pabango ‘yon ng isang babae dahil sa matamis na amoy no’n.

Napatingin ako sa hagdanan na mapansin ang pagbaba ng isang babae. Mukhang ‘yon ang anak ni Mr. Villarreal dahil sa sobrang taray ng tingin.Lumapit siya sa akin at tiningnan ako nang mabuti.

"Dad, bakit ang tanda?" Kumunot ang nuo niya at muli akong tiningnan mula ulo hanggang paa.

27 lang ako.

What the fuck?! Should I kill her too?

"Wala na bang mas maayos sa kaniya, Dad?" Hindi ako sumagot sa insultong sinabi ng babae sa akin. Her opinions are not one of my concerns right now.

"What do you mean Blare?"

"Nasa fifty percent lang siya." Kakaiba talaga ‘tong mga Villarreal na ‘to.

Kung makapaginsulto ng tao ay harap harapan, wala man lang hiya sa katawan.

Mukhang sa batang Villarreal ako mahihirapan.

Inis siyang lumabas dahil sa biglang pagsagot ko sa kaniya. Sinenyasan naman ako ni Mr. Villarreal na sundan ang anak niya.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon