Walang pumapasok sa utak ko sa sobrang sakit ng ulo ko.
Nakabantay lang sa 'kin si Venezio. Tumawag na rin sya ng Doctor para ipa check up ako pero binigyan lamang ako ng gamot.
Ang lamig lamig pa ng pakiramdam ko. Napakurap kurap ako ng biglang maghubad ng T-shirt si Venezio sa harap ko.
"A-anong gagaw-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng tumabi sya sa 'kin habang yakap ako. Naka sando lang ako kaya ramdam ko ang init ng katawan nya.
Mas lalo nyang siniksik ang sarili. Hindi ako makagalaw sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Baka lumipat sa 'yo ang saki-" nilagay nya ang hinlalaki ng kamay nya sa labi ko para pigilan ako sa pagsasalita.
"Matulog ka na lang. Napaka daldal mo." Itutulak ko na sana sya ng higpitan nya ang pagyakap sa 'kin. Tapat ng mukha ko ang dibdib nya
Rinig na rinig ko ang tibok ng puso nya.
Pumikit ako nagsimula na rin matulog habang nakayakap sya sa 'kin.
Ang sarap ng tulog ko kahit matigas na bagay ang kayakap ko, mas lalo kong siniksik ang sarili ko.
Dahan dahan akong nagmulat ng mata ng maalala kong katabi ko nga pala si Venezio. Agad akong bumangon.
Tiningnan ko sya na mahimbing na natutulog. Kinapa ko ang nuo ko. Wala na rin akong lagnat.
Napabuntong hininga ako.
Nang makita ko syang unti unting nagmulat ng mata agad akong umiwas ng tingin. Bumangon sya at sinandal ang sarili sa headboard.
Muntik na akong mapatalon ng kapain nya ang leeg ko.
"Wala ka ng lagnat."
Sinundan ko sya ng tingin ng umalis sya sa kama at sinuot ang puting t-shirt na damit nya.
"May pagkain akong linuto sa kitchen, kumain kana lang kung nagugutom ka," ani nya.
Maglalakad sana sya paalis ng habulin ko sya at pumunta sa harap nya.
Tinaasan nya ako ng kilay.
"Asan ka pupunta?" tanong ko.
"Uuwi na ng manila," sagot nya.
Tumango ako. Gusto ko sanang sumabay pero ayaw kong makita kami ni Chantel na magkasama kahit wala naman something sa 'min dalawa.
"Wala ka na bang sasabihin?" he said.
Umiling ako. Umalis ako sa dinadaanan nya, pinanood ko syang lumabas ng kwarto ko. Linigpit ko na rin ang mga gamit ko dahil kailangan ko na rin umuwi.
Mabuti na rin naman ang pakiramdam ko. Nakatulong talaga ang ginawa sa 'kin ni Venezio.
Need lang pala ng kayakap para gumaling.
Pagkatapos kong ligpitin ang gamit ko, kumain mo na ako. Kakatayin ko talaga ang lalaking 'yong dahil iniwan nya ako dito sa tagaytay.
Wag lang talaga sya magpapakita sa 'kin. Walang kwentang boss.
Lumabas na rin ako dala ang maleta ko, sasarado na sana ng elevator ng may kamay na pumigil, pagtingin ko si venezio lang pala. May malaki syang bag na hawak.
Baka mga gamit nya
Gumilid ako. Walang nagsasalita sa 'min dalawa. Ang tahimik lang hanggan sa bumukas na rin ang elevator, nauna syang lumabas bago ako. Malaki talaga ang maleta na dala ko.
Nagcummute pa ako papunta dito. Tripple talaga bayad ko dito dahil ang dami kong gastos.
Naghintay ako sa labas ng hotel para maghintay ng taxi, pero ilan oras na akong nakatayo wala pa rin dumadaan na taxi.
BINABASA MO ANG
The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)
RomanceObsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. After the tragic loss of his entire family at the hands of Mr. Villarreal, Venezio embarks on a mission to exact retribution. However, as he...