Hindi ako makatulog dahil sa sinabi sa 'kin kagabi ni Venezio. Hindi na ako nagtanong muli kagabi dahil sa iba ng timpla ng aura nya.
Ayaw nya rin ako kausapin. Nagtataka rin ako kung bakit ganito umasta si Venezio.
Nagligpit na ako ng mga gamit ko pabalik ng manila. Tinulungan din akong ibaba ni Carlo ang mga gamit ko.
Hinihintay ko lang na bumalik si Venezio, simula kagabi hinatid nya lamang ako at umalis din sya agad. Hindi ko alam kung saan sya nagpunta.
Tumabi sa 'kin si Jiana.
"Ate, babalik ka pa rin ba dito?" malungkot nyang tanong.
Kahit sa maikling panahon lang marami pa rin kaming pinagsamahan ni Jiana, sa tabi ko sya natulog kagabi.
"Oo naman, Jiana, kung may pagkakataon." Ngumiti ako.
Niyakap nya ako kaya niyakapa ko sya pabalik.
Bumukas ang pintuan, agad akong tumayo ng makita si Venezio.
"Venezio!" Tawag ko sa kanya. Liningon nya ako pero hindi man lang sya nagsalita.
"Kuya, kanina ka pa hinihintay ni Blare, babalik na daw kayo," ani ni Carlo.
Walang salitang lumabas sa bibig ni Venezio. Kinuha nya ang maleta ko at dinala palabas ng bahay.
Nagtataka na talaga ako sa inaasta nya, mabuti pa rin naman kami kagabi nagbago lang ng lumabas sya sa bahay ni Wendel.
Natutuwa akong nalaman na nya kung sino ang pumatay sa magulang nya para mabigyan ng justice ang parents nya.
Wala naman silang kinukwento sa 'kin tungkol kay Venezio, bukod sa isa syang Assassin at namatay ang magulang nya iyon lang ang iba kong alam.
Liningon ko muli ang dalawa. Sayang lang at wala na si Lola kaya hindi na ako makakapag paalam sa kanya
"Take care, Carlo, and Jiana." Ngumiti ako.
Lumapit ulit sa 'kin si Jiana at niyakap ang tuhod ko.
"Ingat ka sa pag uwi, Ate." Tiningala nya ako.
Hinaplos ko ang tutok ng buhok nya.
"Maraming salamat sa pagtanggap sa 'kin dito, Jiana."
"Bumalik ka ulit dito, Blare," sabi ni Carlo.
"Oo naman," ani ko.
Pagkatapos kong magpaalam sa dalawa lumabas na rin ako. Naabutan kong naghihintay sa labas si Venezio.
"Umuwi na tayo," sabi ko.
Bumaba ang tingin ko sa kamay nyang nakakuyom.
Nang mapansin nya ang titig ko agad nya akong tinalikuran at pumasok ng sasakyan.
Sumunod na rin ako.
Binuhay nya ang makina. Tahimik lang kaming dalawa habang pauwi. Matatagalan pa ang byahe bago kami makarating.
"Venezio!" Tawag ko sa kanya.
Lumakas ang pagkakahawak nya sa manibela ng sasakyan. Bakit ang lakas lakas ng kutob ko?.
"Sino ang pumatay sa mga magulang mo?" tanong ko.
May karapatan din akong malaman. Malay mo makatulong din ako para sa justice na hinahangad nya.
Liningon nya ako.
He smirked.
"Wag muna alamin kung sino ang pumatay sa mga magulang ko, Young lady. Wala ka na roon," ani nya.
BINABASA MO ANG
The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)
RomanceObsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. After the tragic loss of his entire family at the hands of Mr. Villarreal, Venezio embarks on a mission to exact retribution. However, as he...