Nagpabuga ako ng hangin at umupo. Binuksan ko ang laptop ko para ayusin ang trabaho ko.
Nakakapagod din dahil wala na akong ginawa kundi ubusin ang oras ko sa trabaho, hindi ko na nagagawa ang mga gawain ko dati.
Tyaka mo lang talaga marealized lahat kapag matanda ka na, 29 na ako at nag umpisa na rin ako bumuklod sa family ko.
Ang hirap din pala pakainin ang sarili kapag mag-isa ka nalang at hindi na umaasa sa iba.
Hindi na ako nanghihingi ng allowance ko kay dad. Hindi na rin gaya dati na kinakausap ko pa sila. Umuuwi lang ako ng bahay kapag may birthday o dadalawin ko lang si Mom.
I closed my laptop at nagsimula na rin ako maligo, baka malate ako sa trabaho ko at susungitan pa ako ng boss ko.
Pagkatapos kong mag ayos, linagay ko na lahat ng kailangan ko sa slim bag.
Lumabas ako ng apartment at sinakyan ang kotse ko papuntang company.
Sumalubong sa 'kin ang iba kasamahan ko, kaunti lang ang kilala ko pero hindi ko naman masasabing friends na dahil bihira lang din kami mag-usap.
Umupo ako at kasabay ng paghikab ko. Kulang talaga ako ng tulog.
Mahina kong sinampal ang pisngi ko para mawala ang antok ko.
Napatingin ako ng may biglang naglagay ng kape sa table ko.
"Pampawala ng antok, Blare. Kaunti nalang babagsak ka na jan," natatawang sabi ni Bryle.
Tiningnan ko sya at nagcross arms sa harap ko.
"Hindi ka yata masungit sa 'kin ngayon, Bryle." Umirap ako at kinuha ang kape.
Sa company nya ako nagtratrabaho, sapat na rin ang malaking sahod na nakukuha ko sa kanya.
Mag-isa ko lang naman binubuhay ang sarili ko. Wala rin akong planong bumuo ng pamilya kung hindi rin-
"Tulala ka na naman, Blare!"
"Sorry!" agad kong sagot.
Huminga sya ng malalim at iniwan na rin ako kaya tinuloy ko na ang trabaho ko.
Ilan oras kong binabad ang sarili sa computer. Sinuot ko ang contact Lens dahil biglang lumabo ang paningin ko.
Tumayo ako naglakad papunta sa office ni Bryle.
Sa kanya ako palagi nakikikain, sinanay nya ako kaya wala syang magagawa.
Ngumiti ako ng makitang nakahanda na rin ang pagkain sa table nya.
"Mukhang kailangan ko ng bawasan ang sweldo mo. Ang dami ko ng gastos sa 'yo."
"Nagrereklamo ka?" sinamaan ko sya ng tingin.
"Of course not, obligasyon kong pakainin ang empleyado ko," sabat nya.
Umupo ako at nagsimula na rin kumain.
Pagkatapos namin kumain sinandal ko ang sarili ko sa sofa.
Busog ako kaya hindi ko kayang tumayo at maglakad.
"Anong sports mo?" tanong ko kay Bryle. Ang tagal namin nagsasama pero wala masyado akong alam sa mga hilig nya.
Tinaasan nya ako ng kilay.
"Equestirian, alam mo-"
"So, you like riding horses?" mukhang nagulat pa sya sinabi ko.
Bihira lang ang mga taong nakaka alam kung ano ba talaga ang equestirian.
"Yep, plano ko rin pumunta ng tagaytagay, ngayon weekend," ani nya.
Nagsalin sya ng tubig sa baso.
"Para mga bayo or magbayo?" Naibuga nya ang iniinom tubig, buti na lang malayo ako sa kanya dahil baka sa 'kin mapunta ang tubig galing sa bibig nya.
BINABASA MO ANG
The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)
RomanceObsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. After the tragic loss of his entire family at the hands of Mr. Villarreal, Venezio embarks on a mission to exact retribution. However, as he...