Kabanata 11

19.8K 399 20
                                    

Nakababad ang paa ko habang nagbabasa dito sa pool.

Ang lamig lang ng tubig sa paa. Hindi ko pinapalabas ang maid namin para lang bigyan ako ng tubig or meryenda.

Nasa stage na ako ng diet, minsan kailangan ko rin tumanggi sa cookies nilang hindi ko alam kung anong flavor ang dinagdag.

Ayoko talagang naiistorbo ako kapag nagbabasa ako baka may mawalan ng trabaho kapag nagkataon.

Narinig ko ang yakap ng paa.

Huminga ako ng malalim at binaba ang binasa ko.

"Di 'ba sabi kong walang papasok? ilan beses ko bang sasabihin para-" natigil ako ng makita si Venezio sa harap ko.

Nilapag nya ang cupcake sa tabi ko.

"Kanina ka pa walang kain, Young lady." Napaka seryoso ng boses nya.

"Hindi ako kakain ngayon, Venezio. Ilayo mo sa 'kin 'yan." Pero imbes na makinig mas lalo nyang nilapag sa kandungan ko.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Hindi ka ba talaga nakakain-" pinutol nya ang sasabihin ko.

"Hahalikan kita kapag hindi mo kainin 'yan dala ko." He smirked.

Tumahimik ako. Palinga linga ako sa paligid. Walang tao.

Bakit ba ako natatakot sa kanya? Servant ko lang sya at hindi nya dapat ako kontrolin tyaka katawan ko 'to hind nya katawan.

"Ayo-" nanlaki ang mata ko ng bigla nyang sakupin ang labi ko.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko ang malambot nyang labi na dumadapo sa labi ko.

Nang makarecover agad ko syang tinulak.

"F*ck you, Venezio!" binagsak ko ang cupcake.

Inis ko syang tinalikuran.

Pero mas naiinis ako sa sarili dahil hindi ko kayang magalit sa kanya ng lubusan.

Palagi kong naiisip ang halik nya sa labi ko.

Dapat magalit ako dahil hinahalikan nya ako ng walang pahintulot at tyaka malayong malayo ang agwat namin dalawa. His my Servant at amo nya ako.

Pero anong nangyayari sa 'kin? Hindi na rin dapat ako maki alam sa nakaraan nya, pero anong ginagawa ko tinutulunga ko pa sya.

Mali na talaga 'to, Blare. Ayoko man aminin pero unti unti na akong nahuhulog sa kanya. mali 'to.

Gusto kong isipin na guni guni ko lang ang lahat. Tama, blare! 'yong lang ang isipin mo, mawawala din lahat ng ito.

Naawala lang ako sa kanya. 'yun lang, period.

Magdamag akong hindi lumabas ng kwarto ko.  Pumupunta lang si Manang para dalhan ako ng pagkain or kunin ang plato sa loob ng kwarto ko.

Sinabihan ko rin sila na hindi dapat papasukin si Venezio dito dahil marami akong ginagawa.

Wala akong magawa talaga. Binababad ko lang ang sarili sa social media.

I don't like posting my picture in social media, na sa phone ko lang lahat ng picture ko.

Nauuhaw na ako. Kailangan ko pang lumabas para kumuha ng tubig.

Wala na akong pake alam kung makita ko sya. Tyaka His my Servant obligasyon nyang bantayan ako.

Pumunta ako ng Kitchen. Narinig ko ang boses ni Venezio.

"Ako na ang magdadala ng pagkain sa kanya," narinig kong boses nya.

"Sir, bilin po kasi ni Ma'am, wag daw po kayong pupunta ng kwarto nya," ani ng maid namin.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon