Kabanata 37

14.2K 356 269
                                    

Fuck! Hindi ko na alam kung paano ko pa kakayaning mabuhay araw-araw, wala na ang anak ko pati ba naman si Venezio ay iniwan na rin ako.

Nasaan na ang mga pangako niya na handa siyang mamatay para sa akin? Sa amin ng anak niya?

Wala lang ba talaga 'yun sa kaniya? Buong araw ako nagkulong dito sa kuwarto ko sa bahay. Ayokong makakita o makausap ng kahit na sino, even my family.

Sunod-sunod naman ang binibigay sa akin na blessing, hindi ko na matanggap.

Naging masama na ba talaga akong tao para maranasan ko lahat ng 'to? Gusto ko lang naman maging masaya, pero bakit ang hirap?

Simpleng sagot lang naman ang hinihingi ko sa kaniya pero hirap na hirap siya ibigay sa akin. Hindi niya man lang sinabi sa akin kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay. Napatingin ako sa singsing na nasa kamay ko.

How to move on? Kung nahulog ka na rin ng sobra sa lalaki.

"Blare," rinig kong tawag ni Dad sa akin sa labas. Hindi ako nagsalita, gusto kong mapag-isa.

"Nasa labas lang ako. Tumawag ka lang ng maid kung kailangan mo kami ng mommy mo," hindi ko siya sinagot.

Nakatakip lang ng kamay ko ang bibig habang yakap-yakap ang sarili. Bakit ko ba nararanasan 'to? Masama ba talaga ng ugali ko?

Hinayaan ko ang sarili magmukmok. Balang araw magiging okay rin ako, pangako ko sa sarili. Lahat gagawin ko maging masaya lang ako at makalimutan ang mga taong nanakit sa akin.

Pagod na rin ang katawan ko. Ilang araw na akong walang maayos na tulog at kulang pa ang kinakain ko araw-araw.

Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. Pero hindi ako puwedeng mawalan lang ng malay at maging talunan palagi.


Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta ng living room, kung saan palagi nakatambay sila dad para hintayin ang paglabas ko.

"Dad"tawag ko sa kanya ng makitang nagbabasa sya ng jaryo.

Agad nyang binaba ang hawak, mukhang gulat pa sya ng makita ako.

Tumayo sya at akmang lalapit ng tuluyan ng madilim ang paningin ko.

"Oniria"huling narinig kong tawag ni dad sa'kin.

-

I want to recover my eyes dahil sa nakakasilaw na liwanag, liningon ko si Mom sa tabi ko at mahimbing na natutulog

"Mom"pag gising ko sa kanya.

Dahan dahan syang bumangon at kinusot ang mata.

"Gising ka na pala, gutom ka na ba? paghahandaan kita"tumayo sya at akmang aalis na ng pigilan ko na agad.

"Hindi pa ako gutom, ako na ang bahala sa sarili ko, Mom!"i smiled.

Umupo sya sa tabi ko at hinaplos ang pisngi ko.

"Maaayos nyo rin ang away nyong dalawa, everything will be okay, Darling"

Tumango ako, sana nga.

Kung may balak pa syang bawiin lahat ng sinabi nya tatanggapin ko pa rin, pero hindi.....

Ilan araw akong naghintay at hintayin bumalik sya sa'kin pero hindi nya man lang ako pinuntahan.

Wala na ba talaga? Pumikit ako at sinandal ang sarili.

I was holding my phone ng biglang magvibrate, pagtingin ko may bagong message pero hindi ko alam kung kaninong number.

Lumakas ang pagkakahawak ko sa cellphone ng makitang may kasama si Venezio na babae, nakakapit ang kamay nya sa bewang ng babae.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon