Kumunot ang nuo ko ng mapatingin sa trycicle na nasa harap namin.
Liningon ko si Venezio.
"Nasaan ang kotse? bakit ganito ang sasakyan natin." Tinuro ko ang maliit na trycicle.
"Pinapagawa ko pa nagkaroon ng sira," sagot nya.
"Baka mas lalong masira ang kotse, Venezio. Bakit mo hinayaan hawakan lang ng kahit sino 'yun?" Ang mahal ng mga sasakyan ko.
Pangalawang buhay ko ang sasakyan ko kaya inaalagaan ko ng mabuti tapos malalamang kong hinahawakan lang ng kahit sino lang.
"Sasakay pa kayo Zio?" tanong ni manong driver.
Imbes na si Venezio ang magsalita ako ang sumagot.
"Teka lang, Manong," sabat ko.
Nauna akong pumasok. Pwedeng bang magreklamo na ang liit ng trycicle?.
Umusog ako ng pumasok si Venezio, ang init init talaga.
Pinaypayan ko ang sarili habang si Venezio nasa daan lang ang tingin.
Pinaandar ni manong ang Trycicle nya. Maganda naman sasakyan pero tuwing may bato sumasakit pwet ko.
Napansin ni Venezio ang pag galaw ko.
"Mang Lonito!" tawag ni Venezio kay Manong.
"Ano 'yong, Zio?" tanong ni Manong pabalik.
"Magpapalit lang ako ng pwesto."
Tinigil ni manong ang trcycile. Nagtaka ako ng lumabas si Venezio.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Lilipat lang ako, Young lady," sabi nya. Lumibot sya at pumunta sa tabi ni manong sumakay sya doon.
Malaking tao naman talaga si Venezio kaya hindi rin sya kasya, yumuko lang sya para magkasya ang ulo nya.
Pinatakbo ulit ni manong ang sasakyan. Maluwag nasa pwesto ko.
Baka mangalay si Venezio kung magtatagal sya doon. I'm still worried dahil tao pa rin sya.
Pagdating namin agad akong bumaba hinintay ko lang syang magbayad. Ako ang amo pero si Venezio naman lahat nagbabayad.
Sasabihin ko lang kay Dad na dagdagan lang ang sweldo nya.
Kung hindi man gawin ni Dad ako na lang gagawa ng paraan para makabayad.
Tumabi si Venezio sa 'kin.
Linibot ko ang tingin.
Ang daming taong nagbebenta ng mga pagkain pang pilipino. Ang dami rin mga taong namimili.
"Bili tayo ng food," parang batang sabi ko.
Pero nawala ang excited ko ng magsalita sya.
"Mamaya na lang maglilibit mo na tayo, baka mabusog ka agad at mag-aya ka ng umuwi," sabi nya.
Tama naman sya, mabilis akong makatulog kapag busog na ako.
Ang ganda dito.
Mga maliliit na pwesto lang ang tindahan nila pero iba't ibang klaseng pagkain naman, takam na takam na rin talaga ako.
Ramdam ko ang pagsunod nya sa likod ko.
Hindi ko mapigilan mamangha.
Napansin ko ang titig ng ibang tao sa amin ni Venezio. I don't care about them.
Ang ganda ng mga ilaw na gamit nila, hindi nakakasilaw ng mata.
"Venezio, tingnan mo!" Tuwang tuwang sabi ko habang nakatingin sa mga taong nagsasayaw.
BINABASA MO ANG
The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)
RomanceObsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. After the tragic loss of his entire family at the hands of Mr. Villarreal, Venezio embarks on a mission to exact retribution. However, as he...