Ang dami nilang ipinangako sa anak ko. Kapag walang totoo sa mga ‘yon at umasa lang ang anak ko, parehas ko talaga silang sasapakin.
Mayaman naman silang lahat, maniningil na lang ako.
Huminga ako nang malamin ng nasa tapat na ako ng bahay namin. Maraming tawag ang natanggap ko galing kay Dad pero hindi ko sinasagot ang mga ’yon.
I’ve decided to face him alone. I don’t have any reason to be afraid of him after all the things he did to me. Things that caused me pain. Things that made me suffer for the past few years, and I’m done with him. Binuksan ko ang pintuan ng bahay at pumasok sa loob. Naglakad ako papunta sa living room kung saan palagi nakatambay si Dad kapag wala siyang trabaho.
"Saan ka galing, Oniria? Ilang beses akong tumawag sa’yo pero hindi ka sumasagot." Agad siyang tumayo at lumapit sa akin.
Pinanatili ko ang matapang na titig ko sa kaniya. Halos hindi ako kumukurap.
"Bakit ganiyan ang tingin mo sa'kin, Oniria?" Kumunot ang nuo niya. Umatras ako para mapalayo sa kaniya.
"Stop the act, Dad. Do you think I wouldn’t know what you did to my daughter?” Kita ko ang pagkalito sa mata niya.
“What are you talking about, Oniria?” I harshly scoffed at his answer. The fucking audacity of this man?!
“Ano? Wala ka nang naaalala? You don’t know now what you did to your own granddaughter?” Ang kaninang pagkalito sa mga mata niya ay napalitan ng isang malamig na ekspresyon. It finally hit him.“I don’t know what you’re talking about, Oniria.” Namulsa siya sa harap ko at seryoso akong tinitigan.
Napapikit ako sa inis nang pagmamaang maangan niya. I can’t believe that this man is my father. That his blood runs through mine and his granddaughter—that he abandoned. "Paano mo nagawa sa'kin lahat ng ‘to, Dad?! Buong buhay ko, binigay ko ang tiwala ko sa'yo dahil akala ko magiging sandalan kita sa lahat," hinintay niya ang susunod kong sasabihin. "Pero nagkamali ako ng pagkakakilala sa'yo."
"Alam mo na rin ang lahat?" He’s fucking sick. Paano niya nagagwang umasta na parang wala lang sa kaniya ang lahat ng ginawa niya sa akin?
"Oo. Alam kong pinakulong mo si Venezio ng tatlong taon at inutusan siyang hiwalayan ako. Pero alam mo 'yung pinakamasakit, Dad? Sarili kong anak, ‘yung apo mo, nagawa mong ilayo sa'kin." Pinipigilan maluha sa harap niya. A man like him doesn’t deserve any tears from me. Tama na ang mga luhang naiyak ko dahil sa sakit ng mga nagawa niya.
"Ginawa ko lang 'yun para sa ikabubu—." agad ko siyang pinutol.
"Ikabubuti?" Pinipigilan kong ‘matawa sa sagot niya. "Kailangan pa naging mabuti lahat ng desisyon mo sa'kin? All this time, tanging sarili mo lang ang iniisip mo!"
Nagsimula nangmagbago ang aura niya. Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya.
"Ikaw ang iniisip ko, Oniria. Kaya ko nilayo ang anak niyo dahil hindi makakabuti para sa'yo si Venezio."
Putangina?! Alam kong ayaw niya kay Venezio para sa akin pero hindi 'yun sapat na dahilan para ilayo niya ang anak ko.
"Hindi matutuwa ang anak niyo kapag nalaman niyang nakulong ang tatay niya." Dugtong niya pa.
Ginulo ko ang buhok sa sobrang inis ko. Naiiyak na ako sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon sa kaniya. But I won’t let him see me cry.
"That’s not true. Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko. Halos mabaliw ako nang mawala ang anak ko pero pinili mo pa rin siyang itago! Ang sama mo!" Hindi ko napigilan ang sariling duruin siya sa mukha niya. "Napaka sama ng ugali mo. Sana hindi na lang kita naging tata—," hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumama ang malakas na sampal ni Dad sa kanang pisngi ko na nagpasalampak sa akin sa sahig.
BINABASA MO ANG
The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)
RomantizmObsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. After the tragic loss of his entire family at the hands of Mr. Villarreal, Venezio embarks on a mission to exact retribution. However, as he...