Napansin kong hindi mawala ang tingin ni Bryle sa cellphone niya. Kaya pasimple akong umapit sa kaniya at sinilip kung ano ang ginagawa niya.
Kumunot ang nuo ko nang makitang tinitingnan niya ang picture ni Chantel.
"What do you think you’re doing?" Gulat niyang tinago ang cellphone at nilingon ako na parang walang nangyari. I glared at him.
"Do you like Chantel?" Hinihintay ko ang sagot niya pero tinapik niya lang ang balikat ko.
"Mind your own business, Blare." Simpleng ani niya sa akin na mas lalong nagpakunot sa nuo ko.
Sa sobrang inis ko, sinipa ko ang tuhod niya. Napaluhod siya sa sobrang sakit at masamang tumingin sa akin.
"Fuck!" Pinilit niyang tumayo habang hawak-hawak ang tuhod niya.
Linampasan ko lang siya na para bang walang nangyari. Kaya nga hindi kami puwedeng magkatuluyan dahil baka araw-araw lang kaming mag aaway.
"Kung hindi ka lang anak ng—," pinutol niya ang sasabihin ng nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
"Anak ako ng?"
"Anak ni tito…," napakamot siya sa likod ng ulo niya at nagiwas ng tingin sa akin. We're not kids anymore, but he's still acting like a kid.
Nag-iinit ang dugo ko sa kaniya.
"Maghanap ka na nga ng girlfriend mo at ‘wag mo akong kulitin palagi," umupo ako sa sofa. Tumabi naman siya.
Nandito kami sa bahay niya, dito na ako dumiretso matapos kong ihatid ang painting kay Ms. Wilsons.
Kaya ba talaga nakipag hiwalay sa akin noon si Venezio ay dahil may nabuntis siyang ibang babae?
Umiling na lang na para bang mabubura no’n ang naisip ko.
Stop thinking, Blare! Matagal ng tapos ang lahat. May sarili na rin siyang pamilya.
Gagawa pa lang ako pero hindi ko lang alam kung kanino, what if bumalik ako sa China para maghanap ng lalaking mapapangasawa? Pero panget naman kung hindi ko mahal.
Saka makikita ko lang ang pamilya ko doon. Mas maganda pa rin dito sa Pilipinas kahit ang daming manloloko na lalaki.
Pinatong niya ang ulo sa balikat ko, hindi ako gumalaw nang makitang pinikit niya ang mga mata. Maybe he's tired, ang dami niya rin kasing trabaho.
Susuportahan ko pa rin siya kapag inamin niyang may gusto talaga siya kay Chantel, wala namang problema do’n. Ang magiging problema lang ay kapag hindi siya gusto ni Chantel.
Kawawang Bryle, sawi ulit sa pag-ibig.
Ilang araw na rin ang lumipas at nagkulong ulit ako sa bahay para matutong magluto ng iba pang putahe. Hindi ko na rin nakakalimutang uminom ng gamot.
BINABASA MO ANG
The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)
RomanceObsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. After the tragic loss of his entire family at the hands of Mr. Villarreal, Venezio embarks on a mission to exact retribution. However, as he...