Damn!
I want to kill someone. Gigil na gigil pa rin ako sa babaeng dahilan kung bakit bibili ako ngayon ng damit para lang magpalit.
"Hindi ba 'yan makati?" Tanong ko at nag aalinlangan pang kunin ang nilahad ni Venezio na T-shirt.
"Uuwi na rin tayo. Magpalit ka na lang, kung ayaw mo naman sa damit na 'yan. Gamitin mo na lang ang t-shirt ko. You choose." He smirked.
Kinuha ko sa kanya ang t-shirt. Wala akong choice kung hindi pumasok sa maliit na fitting room.
Pagkatapos ng nangyari kanina agad ng umalis ang lalaki kasama ang jologs nyang girlfriend.
Hindi lang talaga isda ang isasampal ko sa pisngi nya kapag napuno na talaga ako.
Lumabas na rin ako matapos kong isuot ang damit, sinalubong na rin ako ni Venezio.
"You look good! wag ka ng magsungit jan, baka mapakasalan pa kita ng wala sa oras." Inakbayan nya ako.
Inis ko syang siniko.
"F*ck you!"
"Let me f*ck you, Blare!" Bulong nya
Lumayo ako. Ang init ng pisngi ko.
Nauna akong maglakad at hindi sya pinansin. Lumapit sa 'min si manang.
"Umuwi na rin tayo, nakakapagod ang araw na to," ani nya at sumakay sa bangka.
I feel bad sa nangyari kay manang, pakiramdam ko kasalanan ko, kung bakit nasaktan sya kanina.
Sumakay na rin ako. Tumabi ako kay manang at hinawakan ang kamay nya.
Hindi ako nagsalita.
"Wala kang kasalanan, Blare. Kilala ang mga taong 'yong bilang basagolero sa palengki." Hinaplos nya ang kamay ko.
"Kung hindi ko sana sila pinatulan, manang. Hindi ka masasakta-" pinutol nya ako.
"Mas mabuti na rin iyon, dahil hindi sa lahat ng oras, wala ng lalaban sa kanila."
Tumigil na rin ako sa pagsasalita.
-
Ilan araw na rin ang lumipas, nasasanay na talaga ako dito. Bihira lang kami magtabi matulog.
Minsan naman pumapasok sya sa kwarto ko, para makitulog.
Napapansin ko rin na pinipili ko na lang ang pagkain gusto ko.
Ilan beses na rin may nangyari sa 'min.
Nagmulat ako ng mata. Agad na bumungad sa 'kin si Venezio.
Nginitian nya ako.
"Palagi mo na lang ako tinutulugan, Blare. Nakakapagod ba?" pang aasar nya.
Umagang umaga iniinis nya talaga ako.
Sinapak ko sya sa dibdib.
"Maligo ka nga, ang baho mo," sabi ko at lumayo sa kanya.
Inamoy nya ang sarili.
"Sabay na tayo, gustong kong maranasan maligo na kasabay ka." Tinulungan nya akong bumangon.
Tinatamad pa talaga ako.
Wala akong magawa kundi tumayo dahil mapilit na lalaki si Venezio. Akala ko sa shower kami maliligo pero sa dagat pala nya akong inaya.
Maganda naman ang tanawin ngayon.
Naglakad kami papuntang dagat. Na sa likod ko si Venezio.
Hanggan balikat ko ang lalim ng tubig.
Pinagtama nya ang tingin namin at hinalikan ng mabilis ang labi ko.
BINABASA MO ANG
The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)
RomanceObsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. After the tragic loss of his entire family at the hands of Mr. Villarreal, Venezio embarks on a mission to exact retribution. However, as he...