Kabanata 36

14.9K 337 247
                                    

Ang hirap paniwalaan ang lahat, pakiramdam ko ay dala-dala ko parin ang anak ko sa sinapupunan ko.

Ano kaya ang pakiramdam kapag karga-karga mo ang sarili mong anak? Yung makikita mo siyang nakangiti o umiiyak? Gusto kong maranasan lahat ng iyon, pero ipinagkait sa akin 'yon ng hayop na babaeng 'yon.

"Blare," tawag ni Chantel nang makita ako. Binigyan ko siya ng tingin kaya tumakbo siya papalapit sa akin at agad akong niyakap. Ayoko na talagang umiyak pero hindi ko talaga kayang pigilan.

"Shh... Cry all the pain out, Blare. Nandito lang ako para sa'yo." Hinahaplos niya ang likod ko.

Umupo kami sa sofa at inabutan niya ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko.

"Tumutulong na rin kami sa paghahanap, Blare, pero hindi namin talaga alam kung saan iniwan ng babaeng 'yun ang anak niyo." Ani niya.

Kahit nga si Venezio ay hindi alam kung saan hahanapin ang anak namin, paano pa kaya sila? Siguro sapat na ang tatlong buwan na paghahanap. Titigil na ako at aasa na lang sa kapalaran para sa amin. Labag man sa loob ko pero iisa lang palagi ang nakukuha kong balita.

Diretso kong tiningnan si Chantel sa mata. "Itigil na natin ang paghahanap," matigas na wika ko. Kita ko naman ang gulat sa mga mata niya.

"Blare-,"

"Tatanggapin ko na lang ang lahat na hindi talaga kami magkikita ng anak ko. Tatlong buwan na ang lumipas gano'n pa rin ang sitwasyon namin." Pumaos ang boses ko. Hinaplos niya ang kamay ko.

"Blare, kahit anong mangyari ay, tawagan mo lang ako. Handa akong puntahan ka kahit anong oras," nginitian niya ako. Ngumiti naman ako pabalik.

Pagkaalis ni Chantel ay nilibang ko mo na ang sarili ko. Hindi ko na alam kung ano ang pumapasok sa utak ko. Gusto kong magpinta pero nanginginig lang ang kamay ko.

Wala pa rin si Venezio kaya nagsuot ako ng isang fitted dress. Maglilibang lang naman ako, walang masama sa gagawin ko.

Inayos ko ang heels ko at inalis ang singsing sa daliri ko at iniwan 'yun sa loob ng drawer. Pagkatapos ko mag-ayos ay ginamit ko ang sasakyan ni Venezio. Uuwi rin naman ako mamaya.

Baka kahit papaano at makalimutan ko man lang ang nangyari kapag nalasing ako.

Pumasok ako ng bar at umupo bar counter kung saan ay may isang bartender na gumagawa ng drinks sa mismong harap mo. Nag order lang ako ng tequila pero parang nag iba ang lasa sa akin.

Sabagay, mahigit isang taon din akong hindi uminom ng alak. Hindi na yata sanay ang dila ko sa lasa.

"Hinay-hinay lang, miss," sabi ng lalaking umupo sa tabi ko. Hindi ako nagaksaya ng oras na bigyan siya ng pansin.

"Leave me alone. Ayoko sa lalaking malangsa." Hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko. Mukhang napikon yata ang lalaki pero nagkibit balikat lang ako.

Kapag lasing ako ay hindi ko talaga alam kung ano ang lumalabas sa bibig ko.

Mukhang malakas ang tama sa akin ng alak kaya tumayo na ako at naglakad sa lugar kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Pagewang-gewang ako habang naglalakad papunta sa dance floor.

I'm enjoying myself na walang iniisip ng ibang bagay. Sumasayaw ako sa paraang gusto ko.

"Do you want to dance with me?" Bulong ng isang lalaki sa tainga ko. Tumigil ako sa pagsasayaw at nilingon siya. Hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dahil malabo na ang paningin ko.

Mas lalong lumakas ang tugtog.

Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla niyang hinapit ang beywang ko at muntik na akong mapasubsob sa dibdib niya.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon