Kabanata 40

14.2K 362 268
                                    

I need to tell you something." Pareho kaming nakaupo dito sa labas ng kuwarto ni Stella habang hinihintay na lumabas ang mga nurse at doktor.

May problema ba kaya nahihirapan siyang sabihin sa akin? Dapat kanina pa ako umuwi pero nag-aalala ako kay Stella. Kapag nalaman kong okay na siya ay uuwi na talaga ako.

"Ano 'yun?" Ani ko at hinihintay ang sasabihin niya. Pumikit siya sandali, bubuka na sana ang bibig niya nang may babaeng tumawag sa kaniya.


"Venezio!" Si Miss Wilson. Sabay kaming tumayo ni Venezio, tapos na rin ang eksena ko. 

"Anong nangyari?" Nagaalala niyang tanong at mukhang hindi siya mapakali.

"Mataas ang lagnat ni Stella. Hinihintay lang namin ang paglabas ng doctor."  Napasapo siya sa nuo.

"It's my fault, hindi ko naaalagaan nang mabuti ang bata."

Pinapanood ko lang silang dalawa, paano ako magpapaalam sa kanila na aalis na ako? Baka magtaka pa si Miss Wilson kung bakit ako ang kasama ng tatay ng anak niya.

“It’s not your fault, Athena." Ani ni Venezio. Natigil ang paguusap nila nang lumabas ang doktor. Nabaling sa kaniya ang tingin namin.

"Bumaba na rin ang lagnat ng anak mo, Mr. Graves. Kailangan niya lang mag stay dito ng ilang araw for further observation. By the way, sinong nanay ng bata?" Palipat lipat ang tingin ng doktor sa amin.

"Me," sagot agad ni Athena.

Ano pa ba aasahan ko? Na hindi anak ni Athena si Stella? Nababaliw ka na, Blare, kung ‘yan na ang pinag iisip mo.

Nagpaalam na rin umalis ang dokto at nauna nang pumasok si Athena sa loob.

Hindi na dapat ako pumasok dahil wala naman akong karapatan. Hinatid ko lang naman sila rito kaya tumalikod na ako para makaalis. Maglalakad na sana ako paalis ng may kamay na pumigil sa akin. Napatingin ako sa kamay kong hawak ni Venezio.

"What do you want?" Kinalas ko ang kamay niya sa kamay ko.

"Stay with me."

"W-What?" Para akong nabingi sa sinabi niya. 

"Stay with me, Blare." Ilang beses akong napapikit dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Pero ilang sandali lang ay hindi ko mapigilang matawa.

Bakit niya ako inuutasang mag-stay sa kaniya habang andiyan ang nanay ng anak niya?

"Nababaliw ka na ba?" Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa kaniya. Napapansin kong mabuti naman ang pakikitungo nila sa isa't isa kaya hindi ko ma-gets kung bakit gusto niya pa akong samahan siya rito.

Napatigil ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Para akong kinukuryente sa init ng kamay niya.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon