1 SANTESIA

545 22 6
                                    

"Tita bakit pa tayo lilipat, ayos naman ang trabaho nyo ah ??" tanong ng lalaki sa babaeng nag- iimpake ..

"Wala lang may nahanap kasi akong trabaho antaas ng sahod hihi " masayang tugon ng babae.

"What do you mean tita? may mas tataas pa na sahod sa pinapasukan mo " tanong muli ng lalaki na tila naguguluhan.

"Tama ka Fergus , mas malaki ang sahod , libre ang bahay pati bills sa tubig at kuryente, ako nga lang ang inalok nun e kaya di ko na tinanggihan" pagmamalaking tugon ng babae habang nag-iimpake.

"Sige na lang, basta may trabaho ka tit. makakapag adjust din ako" mahinang sambit ng lalaki na tila nalulungkot.

Napangiti na lang ang babae.

"Kung ganon bilisan na natin para matapos tayo agad, damit lang naman ang dadalhin natin siguro naman may gamit tayo dun " masayang sambit ni Vera na pangalan ng babae.

Napatango na lang ang lalaki.

"Ok " dagdag ni Fergus na pangalan ng lalaking kausap ni Vera.

Matapos ng pag uusap na iyon ay agad din inayos ni Fergus ang mga gamit niya. Isa - isa niya itong inilagay sa maleta niya. Matapos ang ilang minuto ay nataos rin siya.

"Tita okay na ako , handa na ang gamit ko" sigaw ni Fergus.

Tumago lang si Vera kung nasaan siya.

" Ilabas mo na ng maipasok na natin dito sa kotse " utos ni Vera.

Tumango na lang si Fergus mula sa kinatatayuan niya at kinuha ang maleta. Sa sandaling makuha at mailabas na niya ang maleta niya. Mga ilang sandal ay tiningnan siya ng kanyang Tita na tila naguguluhan.

"Bakit ganyan lang ang dala mo ... masyadong maliit yan ... sigurado ka na ba na nandyan lahat ng gamit mo ?" tanong ng tita niya .

" Tita nakakalimutan ninyo kakaunti lang ang gamit ko " dismayadong tugon ni Fergus .

"Hahahaha , oo nga pala hahahaha" tumatawang sabi ng tita niya. Agad namang ipinasok ni Fegus sa compartment ng kotse ang maleta niya at kalaunan ay pumasok na rin sa kotse.

Habang nasa byahe ... napansin ni Fergus ang pagiging kakaiba ng mga bagay bagay sa daan nila

"Tita saan ba ang punta natin parang kakaiba na itong lugar na ito andaming puno medyo creepy na ang itsura, yung mga halaman naglalabas ng kakaibang ilaw " komento niya habang nakatingin sa mga halaman sa nadadaanan nila.

"Ganyan talaga yan. Wag mo ng pansinin, nga pala alam mo ba ang Purgatory gate? " tanong ng tita niya

"Hmmm, Oo tita marami na akong nabasang mga libro tungkol dun" tugon ni Fergus habang nakatuon ang paningin sa dinadaanan nila.

Bigla naman si Fergus ng maisip ang ibig sabihin ni Vera.

"Tita wag mong sabihing dun tayo pupunta, baka pagtapak palang natindun tostado na tayo"medyo takot na sambit ni Fergus.

" Oo, totoo doon ang punta natin .Totoo din na nangyayari yung sinabi mo pero sa may mga masasamang balak lang. Enchanted place yun kaya ganun pero mabubuhay kung di mo natatanong ay try ko na nakatapak na ako sa loob. Pumasok ako diyan nung mga nakaraang araw." Pagpapaliwanag ni Vera na tila nagmamayabang.

"Hay tita alam ko na yan. Sige ikaw na ang magaling?" sa pagkakataong ito ay sobrang dismayado na ang tono ni Fergus.

"*hahahah!" tugon ni Vera kay Fergus.

Napabugtong hininga na lang si Fergus .

Fergus Xealion, 16 na taong gulang . Bata palang siya mga 7 year old ng mamatay ang kanyang magulang sa isang car accident at sa kadahilanang iyon ay tuluyang napunta siya sa pangangalaga ng kanyang tiyahin na si Vera Xealion. Medyo mas pagkamahinahon sa lahat ng pagkakataon at may pagkamasayahin lang kung minsan kaya lang di mo magugustuhan kung magalit.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon