19 Sino sa Dalawa?

52 8 0
                                    

''Kumusta naman yung lalaking sinasabi mo Geo'' sabi ng lalaki sa kaharap hiya habang nakaupo.

''Okay lang naman po siya Master Crane'' sabi ng lalaking si Geo.

''Hmmm, matyagan mo ng mabuti ang batang yun Geo... Hindi pa natin alam kung ano ang galaw nito pero sigurado ako hinahanda na siya ni Jerome.'' Sabi ng lalaking nagngalang si Crane.

''Jerome? Jerome Ast'' sabi ni Geo sa kausap.

Tumango lang ang si Crane.

''Oo tama ka Geo si Jerome nga sa pagkakaalam ko siya ang principal doon'' sabi ni Crane.

''Ahh master sino po si Sir Jerome? '' tanong ni Geo.

''Sa tamang pagkakataon mo malalaman Geo'' sabi ng isang tinig.

''Huh? , sino yan'' tanong ni Geo sa tinig.

Biglang lumitaw ang isang Jaguar sa tabi ni Crane.

''Mukhang nakalaya ka na Zed'' sabi ni Crane at hinimas ang ulo nito.

''Gayundin sina  Calcus, Tyron , Cross at Flaregio'' sabi ng Jaguar na si Zed.

''Hmmm, mukhang nahanap ng iba pang bantay ang kanilang susunod na henerasyon, pero hindi ko inaasahan ang paglabas ng Bantay ng Delubyo''nakangiting sabi ni Crane.

''Sa tingin ko hindi pa '' sabi ni Zed.

Bigla namang napakunot ang noo ni Crane at si Geo O.P. sa usapan ng dalawa at napakamot nalang ng Batok.

''Wala pa si Code hindi ko pa nararamdaman ang kanyang Pwersa , Crane'' sabi ni Zed.

''Hmmm, mukhang nakabantay muna si Flaregio hanggang magpakita si Code pero hindi ko alam kung kailan'' sabi ni Crane.

''At kailan mo naman siya ihahanda Crane'' sabi ni Zed sabay tingin kay Geo.

Napakunot naman ng noo si Geo sa sinabi ni Zed.

''Sa tamang panahon Zed ,' kung saan handa na ang una'' sabi ni Crane at tumayo naglakad papunta sa pinto at lumabas.

Napakunot lalo ang noo no Geo pagkat hindi niya alam ang nangyayari sa Master niya at sa nagsasalitang Jaguar. Na hindi naman natural. Sandaling napatingin si Geo sa bahagi ni Zed at bigla itong nawala . Lumabas nalang ng lugar na iyon si Geo . Pero nadatnan niya ang Master niyang si Crane na nakapamulsa at nakasandal sa dingding malapit sa pintuan.

''Marami kang dapat malaman pero hindi ito ang tamang panahon'' sabi nito at umalis.

Naguluhan si Geo sa sinabi ng kanyang master hindi niya alam kung bakit pero sa tingin niya konektado sa kanya iyon . Biglang nagring ang Cellphone niya. Nakita niya ang pangalan ng pinsan niya si Marxos.

(Info:  meron pong signal sa loob konek siya sa mundo ng mga tao pero takot lang pumasok baka mamatay ... haha baka may magtanong kung bakit mag signal .)

''Hello'' sabi niya.

''Pinsan bakit naman ako tinatawag ni master Crane wala naman akong ginagawa'' sabi ni Marxos sa telepono.

''Bakit ako ang tinatanong mo Mar, hindi naman ako si master di ba'' sabi ni Geo.

''Nagsasaya pa kasi ako dito , KJ naman si master'' sabi nito.

''Nasaan ka ba? '' tanong niya.

''Rotten Forest'' maikling sagot nito.

''Baka may mahalagang sasabihin'' sabi niya.

''Hmm, sana nga... Guys alis na muna ako pinanapauwi na ako'' rinig na sabi niya sa mga kaibgan niya.

''Sayang pupunta pa naman tayo sa Crystal Foundation dito '' rinig niyng sabi ng isang babae.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon