22 Challenge

40 7 0
                                    

Nakapikit habang nakasandal si Charles sa isang puno sa Rotten Forest. Alam niyang nakauwi na sila Fergus pero mas pinili niyang manatili muna.

''Whoo hoo Charles pwedeng kang kausapin'' sabi ng isang tinig sa tabi niya.

''Bawal'' sagot ni Charles.

''Sungit naman nito '' sabi ng tinig .

Iminulat niya ang mga mata niya

''problema mo '' sabi nito sabay tingin sa gilid nito na si Rose.

'' sama ka sakin pasyal tayo '' masayang sabi nito kay Charles.

''Isip bata ... ayako'' sabi ni Charles.

''Sobra naman to '' sabi ni Rose sabay walk out.

Samantala sa lugar kung nasaan si Ken. Nakatingin ito sa isang napakalaking hiyas kung saan pinapakita ang ginagawa ni Charles.

''Parang masayang pagtagpuin ang nakaraan at hinaharap'' sabi nito.

''Ano na naman yang plano mo'' sabi ni Loraine na nasa tabi niya.

''Just watch Loraine, Im looking Forward to it. ''nakagiting sabi nito.

''Whoo nakakatakot yang plano mo Ken , pero bala ka basta wag mo silang papahirapan'' sabi ni Loraine at umalis.

''Para namang sinabihan niya akong Demonyo, sama nun ha'' sabi ni Ken.

''Oo nga Cap , masama ka alam mo bang ang sakit pa rin ng katawan ko dahil sa ginawa mo kanina'' sabi ni Xhase na nasa tabi naman niya.

''Hindi naman'' nakangiting sabi ni Ken.

''Bwisit'' sabi ni Xhase sabay batok kay Ken.

''Pero pwera biro Cap , pagtatagpuin mo talaga ang nakaraan at ang hinaharap '' sabi ni Xhase.

''Pwede rin '' sabi nito habang nakatingin sa Kristal.

''Pero baka masira mo ang dalawang panahon di ba labag yan sa batas ng oras'' sabi ni Xhase.

''Hindi naman yun labag kung sa hinaharap mo pagtatagpuin hindi sa nakaraan'' sabi ni Ken.

''Haaay naku Ken , ikaw ng bahalang kumausap sa Bantay ... Alam mo naman siguro na on the Mission sila '' sabi ni Xhase.

''Alam ko, kaya masayang pagtagpuin ang dalawang magkaibang panahon'' nakangiting sabi ni Ken.

Umiling na lang si Xhase . 

Kakaiba talaga tong si Cap ang hiling manggulo ng buhay sabi ni Xhase sa isip niya.

''Oy, Xhase baka nakakalimutan mo nababasa kita'' sabi ni Ken.

''Oo nalang'' sabi ni Xhase at lumabas ng lugar na iyon.

Ngumiti lang uli si Ken sa mga nakikita at naiisip niya.

Magbalik tayo kung nasaan Charles na nakasandal pa rin sa isang puno kung saan siya nakita ni Rose.

''Charles Valor pwede ka bang sumama sa akin'' nakangitng sabi ng isang lalaki kay Charles.

''Ayako''maikling sagot niya.

''Masyado ka naman Charles , siguro nakilala mo na ang nilalang na ito o di kaya'y nakita mo na'' sabi ng lalaki.

Biglang may lumitaw na Phoenix na may lilang apoy sa tabi ng lalaki. Napataas na lang ang kilay ni Charles.

''Di ba ikaw yung nakita ko sa may Library '' walang buhay na sabi ni Charles.

''Whahahaha nakikilala mo pa pala ako'' sabi ni Flaregio.

''Di kita kilala '' sabi ni Charles at pimikit ulit.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon