33 Patawad

35 7 0
                                    

''Magandang araw Facade'' sabi ni Stratus.

Nabigla ang lalaking nakaupo .

''Stratus?'' Sabi ni Facade.

''Ako nga to'' nakangiti nitong sagot.

''Mukhang light na ang aura mo Stratus'' sabi ni Facade.

''Oo naman Facade, nalaman na ng Gabay ng Oras at Balanse ang totoong misyon natin '' masayang sabi ni Stratus.

Tumango tango naman si Facade.

''Sino naman ang Gabay ng Oras at Balanse?'' Tanong ni Facade.

''Ang unang Bantay ng Kalikasan'' maikling sagot ni Stratus at umupo siya sa upuan.

''Masyado yatang madilim dito'' sabi ni Stratus.

''Light seal... Light Rays'' dugtong ni Stratus.

Biglang nabalutan ng malakas liwanag ang buong lugar at mga ilang sandali ay bumalik na sa natural na liwanag pero medyo maliwanag.

''Saan naman galing ang malaka... Stratus?'' Sabi ng isang lalaki na si Rey.

''Musta'' nakangiti sabi ni Stratus.

''Nandyan ka na pala Rey'' sabi ni Facade.

Tumango naman si Rey at umupo sa tapat ng upuan ni Stratus.

''Ano bang ibig mong sabihin ? Anong kailangan ng Gabay ng Oras at Balanse'' sabi ni Facade.

''Humingi siya ng tulong tungkol sa malapit na mangyari sa Santesia sa pagbabalik ng hindi inaasahang kalaban'' sabi ni Stratus.

''Alam na niya ang tungkol sa mithiin noon?'' Sabi ni Facade.

Tumango si Stratus.

''Humingi siya ng tawad dahil sa nangyari , Misunderstanding lang daw pala yun'' sabi ni Stratus.

Biglang nag-init ang ulo ni Rey sa mga katagang iyon.

''Hindi na niya mababago ang nakaraan !'' sigaw ni Rey.

''Kung ganoon ako mismo ang lalapit sa inyo'' sabi ng isang tinig na nakatayo sa pinto ng kwarto.

''Ken?'' Sabi ni Rey.

''Tama ka, ipagpaumanhin ninyo ang maling desisyon ko noon... naghihintay lang ako tamang panahon para makausap kayo at himingi ng tawad'' mahinang sabi ni Ken .

''Hinding hindi mo na maibabalik ang nakaraan!'' Sigaw ni Rey at mga ilang sandali ay tumayo at sinuntok si Ken.

Natumba si Ken sa pagsuntok na iyon.

''Tanggap ko , ang suntok na yan dahil ako rin ang may kasalanan''mahinang sabi ni Ken na dahan dahan na tumatayo.

''Tsk, alam mo ba ang nagawa mo Ken!!'' sigaw ni Rey.

Nanatili kung saan naroon ni Facade at Stratus. Susuntok pa si Rey ng biglang may humawak sa kamay niya.

''Gabriel?'' Sabi ni Rey.

''Pagkakamali ay maaring maitama Rey, at kung lingid sa pagkakaalam mo Rey palagi akong nandito para bantayan kayo at sa mga gagawin ninyo'' matigas na sabi ng isang tinig.

''Hayaan mo muna sila Gab, alam mo namang gusto kong makitang nabubugbog si Ken '' nakangising sabi ni Facade.

''Itigil mo na nga rin yan Gab, alam ko pa dati pang nakamasid saamin at tanggalin mo yang pagkakahawak mo kay Rey, kukuryentihin mo nanaman yan'' sabi ni Stratus.

''Haaay gusto panamang patamaan o di kaya ay daplisan ng kidlat si Rey, matagal tagal ko na ring hindi nagagawa yun alam mo namang palipas na rin ang panahon ko'' sabi ni Gabriel at nagpout.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon