45 Tagumpay

28 5 0
                                    

''Kailangan na nating umalis'' mabilis na sambit ni Kenneth ng nagsimulang magsigalaw sa dating ayos ang oras.

Tumango lang si Ken at nabalutan ng liwanag ganoon din si Kenneth at pareho silang nawala. Ilang sandali ay maayos na ulit na gumagalaw ang oras.

''Miss Vera?'' Sambit ni Hail.

''Mukhang nagtagumpay sila'' sambit ni Vera.

''Sa tingin ko... hindi yata'' pagpapagaan ng loob ni Hail.

Napangiti si Vera, isang mapait na ngiti. Ilang sandali ay mabilis na lumapit si Jerome sa pwesto nila.

''Vera?'' Sambit ni Jerome na nasa tabi na niya.

''Nagawa na nila ang dapat nilang gawin'' sambit ni Vera habang akay siya ni Hail.

''Huh?'' Naguguluhang sambit ni Jerome.

''Sir slow?'' Sambit ni Hail.

Bigla siyang tumingin sa maglalaban mukhang magsisimula uli ito.

''Sa susunod na buwan na lang natin ituloy ang labanang ito''malakas pero seryosong sambit ni Jerome.

''Pero sir...''

''May nangyaring hindi maganda kaya kailangan muna itong itigil'' sambit ni Jerome at tumalikod.

''Anong problema ni Master?'' Sambit ni Charles habang nakataas ang kilay.

''Parang alam ko'' sambit ni Kristine na papalapit .

''Nasan si Fergus''' sabi ng papalapit na si Carl.

Luminga linga naman si Kristine para hanapin si Fergus.

''Mukhang siya yata ang sinasabi ni Sir na nangyaring hindi maganda'' sambit ni Cris.

''Punta na lang tayo sa office ni Master'' sambit ni Charles.

Nagtanguan na lang ang tatlo bilang pagsang-ayon. Samantala sa isang lugar.

''Mukhang kompleto tayo'' sambit ni Tyron habang nakaupo.

''Halata ngang kompleto duh'' sambit ni Claire.

''Tumigil nga kayo'' pagsaway ni Lucy.

''Pano masyado ng matanda'' sambit ni Rin.

''Paki ulit nga ang sinabi mo'' galit na wika ni Lucy.

''Wa-la'' sambit ni Lucy.

''Pwede magtigil na kayo?'' Sambit ni Mond.

''Opo'' sambit ni Rin.

''Sino pa ba ang hinihintay natin?'' Tanong naman ni Rigel.

''Si Alger, Jade at Ralph'' tugon ni Cross.

''Nakalaya na pala sila?'' Sambit ni Zed.

''Hindi sila nakalaya nakakulong sila, nakakulong sila.. halata naman diba'' sambit ni Claire.

''Edi wow'' plain na sambit ni Zed.

''Pwede ba?'' seryosong sambit ni Mond.

''Eto nga tatahimik na '' sambit ni Claire.

''Ang tahimik mo yata Calcus'' puna ni Tyron.

''Wala, naiisip ko lang na biglang nawala ang pwersa ni Fergus'' sambit ni Calcus.

''Nawala ang pwersa ni Fergus?'' Takang tanong ni Cross.

''Tsk, nangyari na ang inaasahan'' sambit ni Lucy.

''Anong....''

''Magandang araw'' masayang sambit ng aso na kasama ang penguin at isang puting kalapati.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon