11 Mga Bahaging Magbubukas..

83 12 1
                                    

Sa pagkakataong ito ay nakatayo sila Fergus at Carl kakatapos lang nilang kumain .

''Sa ngayon ay haharapin ninyo ang takot ninyo para lubusang mapakita ang seal ng apoy'' sabi ni Vera.

''Paano ninyo gagawin yun '' tanong ni Carl.

''Paglalaruan ko ang ala-ala ninyo'' sabi ni Vera.

''Huh , ....''

''Isa yun sa kakayahan ng Xealion''  sabi ni Vera at nagsuot ng salamin .

''Bakit ka nagsuot ng salamin'' tanong ni Fergus.

''Malalaman mo rin '' nakangiting sabi ni Vera. At hinawakan niya ang noo ng dalawa .

Napaupo kalaunan ang dalawa sa di malamang dahilan . Parang magkahalong takot at galit ang mababakas sa mukha niya.

''Sa tingin mo makakalabas sila doon '' tanong ni Jerome sabay upo sa damuhan.

''Sa tingin ko rin , pero baka bukas na sila makabalik kasi parang panaginip ang ginawa kong pagmamanipula sa ala-ala nila.'' Sabi ni Vera sabay nag ayos ng tent.

''Anu po ba talaga ang tunay na kakayahan ng isang Nature sealer'' tanong ni Charles kay Vera na nag-aayos ng tent.

''Paki buhat nalang muna yang dalawa saka ko na ipaliliwanag ang tungkol sa mga nature sealers at disaster sealers sa ngayon matulog na muna tayo masyado ng gabi'' sabi ni Vera.

Tumango na lang bilang tugon si Charles at binuhat ang dalawa papasok ng tent na ginawa ni Vera.

Kinabukasan.....

Nakatingin mula sa malayo si Charles habang nakaupo sa isang puno di kalayuan  sa tent nila.

''Anu kaya ang pwedeng mangyari '' sabi ni Charles.

''Ikaw mismo ang tutuklas niyan , Charles'' sabi ng boses sa ibaba na si Vera.

Agad namang tumalon pababa ng puno si Charles.

''Alam ko ang iniisip mo , sino ba talaga  ako... tama ba ako Charles Valor?'' Sabi ni Vera.

Tumango lang si Charles.

''Pwes magpapakilala ako'' sabi ni Vera.

''Ako si Vera Xealion isa sa mga kinakapatid ni Ken Xealion. Na inatasang mag-alaga sa anak niya sa nakaraang 13 taon. Itinakas lang kami ni kuya mula sa papatapos na digmaan ng Santesia mga isang daang taon na ang nakakalipas para maprotektahan ang anak niya at ni Xhase na bantay ng delubyo. ''Dugtong ni Vera.

''Pero bakit kailangan pang itakas silang dalawa'' tanong ni Charles.

''Dahil sila ang nakatakda'' mahinang tugon ni Vera.

''Huh? Anong tinakda'' sabi ni Charles.

''Hindi pa handa ang sinuman para malaman ang dapat mangyari, pagkat wala talagang handa sa mangyayari'' umiiyak na sabi ni Vera.

''Kamatayan ba ? '' sabi ni Charles.

Umiling lang si Vera.

''Pwes ano ?? '' sigaw ni Charles.

''Hindi ko rin alam , si kuya lang ang nakakaalam '' sabi ni Vera.

Napabugtong hininga na lang si Charles.

''Kailangan ko munang alisin sayo ang tungkol sa pag uusap na ito'' mahinang sabi ni Vera.

''Kung iyan ang makakabuti'' sabi ni Charles.

Nilapit ni Vera ang kamay niya kay Charles.

''Elemental skill... memory manipulation'' bulong ni Vera.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon