6 Environmental Sealer

134 14 4
                                    

''Nasaan tayo? Tanong ko kay tita.

'' secret  basta dito muna tayo hanggang matraining mo ang mga seal ng lahi natin '' sabi ni Vera kay Fergus.

'' Masyado po tung matagal .. baka hinahanap na ako '' sabi ni Fergus.

'' maniwala ka lang na magkarugtong ang lahat ng bagay.. yan ang dapat mong matutunan . At ang pagkakataon ay may posibilidad na mabago ang hinaharap pero kung sisikapin mong gawin ang nararapat aayon ang lahat sa nakatakda''  nakangiting sabi ni Vera.

'' it means tita may kapangyarihan tayo na baguhin ang oras '' sabi ni Fergus.

Umiling si Vera.

'' tayong mga nature sealers ay nagpapanatili ng kaayusan ng panahon at balanse sa bawat isa. At yang apoy ng buhay ay nagbibigay sayo ng kapangyarihang  makapagseal ng lahat ng elemento ng Santesia.'' Sabi ni Vera.

''Okay, Magsimula na po tayo '' nakangiting sabi ni Fergus.

Lumipas ang araw , linggo at buwan mag iisang taon ba sila sa pagsasanay.

''Tita anong araw po ba ngayon '' tanong ni Fergus kay Vera.

'' June 2, 4234 A.D. '' sagot ni Vera .

''Paanong...''

''Yan ay isa sa mga natatanging kapangyarihan ng Nature Sealer. May kakayahan silang bumalik sa nakaraan pero mahirap maglakbay sa hinaharap '' sabi ni Calcus na naka upo sa puno .

'' bumalik na tayo '' sabi ni Vera.

Tumango lang si Fergus

''Environmental seal... time hole '' sabi ni Vera.

Nagkaroon uli ng lagusan . Tumawid sila . Sa ngayon nasa kwarto na ulit sila ni Fergus.

''Tita parang ito yung ayos ng kwarto nung umalis tayo '' komento ni Fergus.

'' tama ka , magaling akong magcalculate ng oras kaya nabalik tayo sa eksaktong oras ng umalis tayo . '' sabi ni Vera.

''Okay tita pwede tumulog muna ako '' sabi ni Fergus.

Ngumiti lang si Vera.

Kinabukasan

June 3, 4234 A.D.

Sa pagkakataon namang ito nakain si Fergus ng umagahan niya . Lumapit si Vera kay Fergus.

''Nga pala sasama sayo si Calcus pero invisible siya sa lahat except kung may iba pang guard doon .. try not to use our powers ha para hindi mapahamak .. nanadyan naman si Calcus para protektahan ka .'' Paalala ni Vera.

''Wag mo rin sasabihin na ikaw ang bantay ng kalikasan kasi mapapahamak ka'' babala ni Calcus.

''Bakit naman ? '' tanong ni Feegus.

''May mga Sealers o Santesian na gustong makuha at mapasunod ang isa sa mga guard para masira ang lion seal'' sabi ni Vera.

''Ahhh'' at napatango nalang si Fergus.

'' Fergus naalala mo yung isa sa mga technique na tinuro ko sayo para hindi ka mabasa ng mga Spirit'' sabi ni Vera.

''Oo tita naalala ko '' sagot nk Fergus.

''Kailangan mong gawin yun para hindi nila malaman na ikaw ang bantay ha'' palala ni Vera

Tumago lang uli si Fergus at pinagpatuloy ang pagkain . Kalaunan ay sumakay na siya sa kotse .

Sa panahong ito ay naglalakad na siya papasok ng school. Napansin niyang parang may kung ano ngayong araw.

''All first year students go to the field''  sabi ng isang boses.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon