40 Nagsimula na

32 5 0
                                    

Nakatayo ang lima sa initan habang nakatingin lang si Xhase sa kanila.

''Papa, bakit kami nasa initan?'' Tanong ni Carl.

''Hmmm hindi ko rin alam bakit ba kayo nandyan?'' Balik ng tanong ni Xhase.

Napapoker face na lang si Fergus sa sagot ni Xhase.

''Tito? Ganyan po ba talaga kayo?'' Takang tanong ni Fergus.

''Anong ganyan'' makaluhugang ngiting ibinigay ni Xhase.

Ganito ba talaga si Tito? Naguguluhang sabi ni Fergus.

''Okay dito tayo sa loob ng Hidden Library magtratraining'' sabi ni Xhase at pimitik.

Agad na bumukas ang pintuan ng Library.

''Pa ang galing nun ah'' manghang sabi ni Carl.

''Hindi na basta basta magbubukas ang pintuan nito kaya wala agad na makakapasok dito '' paliwanag ni Xhase at pumasok.

Sumunod naman sila kay Xhase. Naglakad sila hanggang makarating sila sa pinakasentro ng Library kung nasaan ang estatwa ng mga alaga ng mga Unang Bantay. Huminga ng malalim si Xhase.

Pintuang ikinubli sa kadiliman,
Muling magbubukas sa pagbabalik.
Simbulong iginawad,
Kasama ng natatanging enerhiya.
Napako ay mabubuo at lilitaw .
Saan mang dako tumingin ,
Liwanag ay sisilaw.
Liwanag at kabutihan.
Kadiliman at kasamaan.
Pagtitibayin ng kaguluhan.
Open.

Mahinang sabi ni Xhase habang kinukumpas ang kamay sa hilagang bahagi ng Library kung saan sila naroon. Biglang may liwanag na pumalibot at pumorma ng isang lagusan. Napangiti na lang si Xhase dahil sa matagal na panahon ay muli na siyang nakabalik.

''Maligayang pagdating sa Guard's training room'' nakangiting wika ni Xhase.

''Sealed'' maikling sabi nito at biglang nagsarado ang pintuan ng Library.

''Bakit ninyo sinara'' natatakot na sabi ni Kristine.

''Para hindi makapasok ang kalaban'' mahinang tugon ni Xhase at pumasok sa lagusan.

Sumunod naman agad sa kanya ang lima at nagpasukan na sa loob ng lagusan. Halos malaglag ang panga ni Carl at Fergus sa dami ng sandatang nakalagay sa lugar na iyon. Pero puro muno at halaman ang naroon parang nakasabit lang sa mga sanga ang mga sandata.

''Wala dito ang mga alaga ng bantay para ibigay sa inyo ang sandata ng simbulo kaya kailangan ninyo ng pwedeng ipanpalit dun , kaya tuturuan ko kayo ng natatanging seal of Guards'' paliwanag ni Chase.

Biglang kumumpas si Xhase at piglang naglutangan at nabalutan ng hangin ang mga lumutang na sandata.

''Iyan ang mga sandatang kaugnay ng Simbulo na kaugnay ng elemento '' Sabi ni Xhase.

''Hustisya ay ispada,Pagkadalisay ay pana, Pag-asa ay latigo, Katapangan ay Sibat, Kapayapaan ay karit, Karunungan ay Kalasag at Pagkakaisa ay Palakol'' dugtong ni Xhase.

''Ano naman po ang kaugnayan niyan sa akin hindi naman po ako Bantay?'' Nagtatakang tanong ni Kristine.

''Malalaman mo rin sa susunod''tugon ni Xhase.

Hindi na muling nagtanong si Kristine dahil alam niyang mas makaluhugang kataga na naman ang maririnig niya. Unti unit na ring bumaba sa lupa ang mga sandata.

''Papa ano po ba ang sandata ng Kaguluhan at Balanse?'' Tanong ni Carl.

''Espada'' maikling tugon ni Xhase.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon