Brief History

457 26 8
                                    

Taong 4000 A.D. matapos ang ika-4 na digmaang pandaigdig.. lumitaw ang isang napakalaking isla sa hindi malamang lokasyon. Mula sa mga nakalap impormasyon mula sa mga hindi nasirang mga satellite sa naganap na digmaan ay nalaman nilang may kakaiba ang mga nilalang na naninirahan doon kaya't nagbadya ng pag-atake sa lugar na iyon mula sa himpapawid, kalupaan maski sa katubigan at bago pa man makarating ang mga sundalong susugod sa naturang isla. Nagawa na silang mayanig ng mga iba't ibang delubyo gaya ng bagyo, lindol at iba't ibang uri ng sakuna na maaring mangyari. Nangyari din ito sa iba't ibang bahagi ng daigdig, maraming nasawi halos malipol ang sangkatauhan dahil doon kaya napag pasyahan ng mga pinuno ng bansa na huwag na lang ituloy ang pag atake na sa tingin nila ay siyang mag papatigil ng mga nangyayaring kalamidad sa buong daigdig. Naisipan na lang na magpadala ng mensahero sa lugar na iyon para makipagkasundo sa kapayapaan ng magkabilang panig.

Makalipas ang ilang taon nagkaroon ng kasunduan ang mga bansa nakapalibot dito at ang isla iyon ang kasunduan na walang magaganap na pag atake sa isla mula sa ano mang dako ng daigdig. Sa kasalukuyang panahon maraming haka- haka tungkol sa islang iyon na sa isang tapak mo lang agad kang babawian ng buhay. Marami ng sumubok pero bigo at namatay bago sila tuluyang makapasok sa naturang isla dahil doon wala ng nangahas na sumubok pa.

SANTESIA

ang totoong pangalan ng islang lumitaw kung saan naninirahan ang mga hindi matukoy na nilalang ... bago paman makapasok sa bungad ng isla ay makakakita ng isang napakalaking gate na gawa sa kahoy at dahil doon tinawag ding Purgatory Gate lugar sa kadahilanang ang daw gate ay mukhang daan papunta sa kabilang buhay.


----

Hope you like...

-sunlightning16


SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon