29 Sana wag..

33 6 0
                                    

''Miss Minerva hanggang kailan tayo maghihintay sa loob nito?'' Sabi ng isang babae.

''Naghinhintay lang ako ng tamang pagkakataon'' sabi ng babaeng kausap.

Samantala magpunta tayo sa bahay nila Hail. Naroon sila sa bandang sala. Nagbubuklat si Fergus ng isang Photo album.

''Nakakatuwa naman ganito pala si papa'' nakangiting sabi ni Fergus.

''Siguro nga ... pero hindi kaba papagalitan kung gagabihin ka?'' sabi ni Haze.

''Hindi naman kasi hindi muna ako uuwi , alam naman ni Tita Vera kaya dito muna ako'' sabi ni Fergus.

Tumayo si Hail sa kinauupuan niya.

''Ikaw bahala '' sabi niya sabay naglakad papuntang kusina.

Mga ilang minuto ay may kumatok sa Pinto.

''Siguro si Kuya na yan'' sabi ni Haze.

Agad namang binuksan ni Haze ang pinto. At bumungad sa kanya ang mukha ni Carl.

''Bakit ka nandito?'' Plain na sabi ni Haze.

''Wow, ganyan ka ba mag-welcome ng bisita'' sabi ni Carl.

''Tsk, pumasok ka na'' sabi ni Haze at Lumayo sa pinto.

''Haze bakit parang sumungit ka yata kay Carl '' sabi ni Hail.

''Tumigil ka ng Hail'' sabi ni Haze.

Nagkibit-balikat na lang si Hail. At muling pumasok sa Kusina. At mga ilang minuto ay muling lumabas na may dalang cake.

''Anong meron?'' Tanong ni Fergus na sandaling napatingin kay Hail na may dalang Cake.

''Wala lang parang trip ko magluto ng Cake'' sabi ni Hail.

''Nga pala bakit ka nandito , Carl? '' Sabi ni Hail.

''Wala, pinapunta kasi ako ni Tita Vera'' sabi ni Carl at umupo sa tabi ni Fergus.

''Huh?, Diba si Papa to?'' Sabi ni Carl.

Biglang napalunok si Haze at napangisi naman si Hail. Mga ilang sandali ay naipatong na ni Hail ang Cake na hawak niya ay dali- dali niyang lumapit kay Fergus. At nakita niya ang sinasabi ni Carl.

''Ahh, yan si Ark ... matalik na kaibigan ni kuya pati ni Kuya Ken'' sabi ni Hail.

''Ahhh, kasi kamukha ng papa ko'' sabi ni Carl.

''Ano bang pangalan ng papa mo?'' Tanong ni Hail.

''Xhase Equinox'' sagot ni Carl.

Bumalik uli sa kusina si Hail.

''Pero bakit Kristobal ang apelyido mo kung Equinox ang apelyido ng tatay mo'' tanong ni Hail na nasa may kusina.

Parang nabunutan ng tinik si Haze na nasa itaas na bahagi ng bahay.

''Ahhh, ehhh''

''Ihhhh, ohhhh, uhhhh... alam kong may mga sikretong dapat panatilihing nakatago kaya kahit wag mo ng sabihin ang sagot sa mga katanungan ko'' nakangiting sabi ni Hail na papalabas na ng Kusina may dala nanaman ng pagkain.

''Parang ang dami mong niluto ?'' Tanong ni Haze na kakababa lang ng Hagdan.

''Ito may bisita daw tayo sabi ni Kuya kaya nagluto ako ng marami'' sabi ni Hail.

''Ahh dapat pagnagtapos na tayo pagdating natin ng 23 years old dapat culinary ang kuhanin mo'' sabi ni Haze.

''Siguro nga'' sabi na lang ni Hail napakibit-balikat habang inaayos ang kubyertos.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon