46 Crystal

19 5 0
                                    

''Nasaan ba ako!'' Sigaw ni Fergus.

''Hindi ba ito nakwekwento ni Vera?'' Sambit ng babae.

''Anong ibig mong sabihin?'' Takang sambit ni Fergus.

''Sumpa! Sumpang nilikha ng... arrrgh!!'' Sambit ng babae.

''Alam mong hindi yan totoo Joyce'' nanghihinang sambit ng babaeng nakahiga naunti-unti natayo na si Minerva.

''Sa tingin mo Minerva, bakit ba tayo nandito?'' Galit na sambit ng babae na si Joyce.

''Tayo ang may gawa nito'' nanghihinang tugon ni Minerva.

''Alam mo ang totoong nangyari Joyce, wala siyang kasalanan dito! '' giit ni Minerva.

Nanatiling nakatingin sa dalawa na takang-taka si Fergus.

''Iiwan ko muna dito si Fergus, maghanda ka gagawin namin iyon sa ayaw at gusto ninyong dalawa'' mabilis na sambit ni Joyce at lumabas sa lugar na iyon.

Mabagal na naglakad si Minerva papunta kay Fergus at naglabas ng patalim. Agad na kinabahan si Fergus sa maaring gawin ng ina niya sa kanya. Alam ni Minerva na natatakot ang anak niya kaya't napangiti siya ng malaki. Ilang sandali ay naglabas ng nakakamatay na aura si Minerva.

''Ma-ma?'' Natatakot na sambit ni Fergus.

''Nakikilala mo pa pala ako'' sambit ni Vera na may kasamang nakakamatay na aura.

Napatango na lang sa takot si Fergus.

''Hahaha'' tawa ni Minerva at mabilis na pumunta sa likuran ni Fergus at pinutol ang tali.

''Okay ka lang'' nag-aalalang ni Minerva at mabilis ding nawala ang nakakamatay na aura nito.

Napatango na lang si Fergus.

''Alam kong dapat wala ka dito'' mahinang sambit ni Minerva habang kinakalas ang tali ni Fergus.

Napatingin naman si Fergus kay Minerva.

''Ma anong ibig mong sabihin?'' Takang tanong ni Fergus.

''Nakikipaglaro ako laban sa tadhana alam kong alam ito ng iyong ama pero wala siyang kibo'' paliwanag ni Minerva.

''Ano gusto ninyong gawin?'' Tanong ni Fergus.

Ngumiti lang si Minerva.

''Hindi pa ito ang tamang pagkakataon, makikipaglaro pa muna ako'' tugon ni Minerva na may mapait na ngiti sa labi.

''Kailan po yun?'' Takang tanong ni Fergus.

''Basta, may gusto ka bang bisitahin bago natin gawin ang pakikipaglaro?'' Tanong ni Fergus.

Tumango lang si Fergus.

''Halika'' sambit ni Vera sabay hila kay Fergus papunta sa gitna ng kwarto.

''Alam mo bang lalabag ako sa batas ng oras?'' Sambit ni Minerva.

Takang napatingin si Fergus kay Minerva.

''Nilalabag ko ang batas na dapat huwag guluhin ang pagkakaayos ng pangyayari, pero dahil alam kong hindi ito inaasahan lalabagin'' malambing na paliwanag ni Minerva.

''Environmental seal... Time warp'' mahinang sambit ni Minerva at pumikit.

''Anak, may isang oras ka'' mahina nitong dugtong at napalibutan ng itim at luntian na liwanag si Fergus.

Samantala namamahinga si Vera sa bahay nila habang nakabantay si Hail sa kanya ng may pumasok na lalaki.

''Master?'' Gulat na sambit ni Hail.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon