42 Ang Pagpili

28 7 0
                                    

''Fergus sumama ka na sa amin'' sabi ng isang boses.

''Hindi hindi hindi ka sasama Fergus, I won't let you'' sigaw naman ni Vera.

Biglang may isang palasong tumama sa bandang tiyan ni Vera.

''Fergus anak, halika na '' sabing isang malambing sa bises.

''Fer-Fergus wa-wag ka-kang sa-sasama'' nauutal na sabi ni Vera na natamaan ng pana uli sa may bandang tiyan.

''Fergus!''

''Fergus!''

''Fergus'' sigaw ni Vera habang ginigising si Fergus.

''Ti-tita?'' Naiikayk na sabi ni Fergus.

''Shhhhh, nandito lang ako palagi sa tabi mo , Feefus'' malambing na sabi ni Vera.

''Tita, wag na wag kayo aalis '' sambit ni Fergus.

Napakunot ang noo ni Vera at kalaunan ay napangiti.

''Fergus, ikaw ang pipili niyan.'' Mahinang sabi ni Vera sabay yakap kay Fergus.

-flashback-

Pinapagaling ni Fergus ang mga sugat na natamo niya sa pagsasanay. Mabilis namang hinila ni Jerome si Vera na medyo malayo kay Fergus.

''Vera'' mahinang sabi nito.

''Ba-bakit?'' Nauutal na sabi ni Vera.

''Huwag mong pababayaan si Fergus.'' Mahinang sabi ni Jerome.

''Fergus? Wag mong sabihing...''

Napatango na lang si Jerome.

''Oo, ang nakatakda ay bukas na mangyayari. Sinasabing muling pagbangong ng Kadiliman sa Lupain ng Santesia.'' Mahinang sabi ni Jerome

''Pero wala di ba tayong kakayahang pigilan yun?'' Tanong ni Vera na puno ng pighati sa mukha.

''Sana dumating si Ken dahil magagawa niyang panatilihin si Fergus sa liwanag.'' Mahinang sambit ni Jerome at umupo sa may puno.

''Hindi ko sigurado na mangyayari yan dahil gusto ni kuya magkaroon ng Freewill ang bawat isa'' mahinang sambit ni Vera at umupo sa tabi ni Jerome.

Iginalaw ni Vera ang kamay niya. Nagsumulang mamulaklak ang mga puno .

''Kahit may kakayahan niyang impluwesyahan ang mga tao sa paligid natin, mas pinili niyang panatilhin ang kalayaan sa lahat ng bagay'' mahinang sambit ni Vera sabay isinandal ang ulo sa puno.

''Anong?....''

''May mga bagay na kayang buoin at wasakin ang kapangyarihan ng Buhay.'' Mahinang sambit ni Vera sabay pumikit.

Napabugtong hininga si Jerome.

''Alam ko Vera, marami siyang ginawa para panatalihing balanse ang mga bagay-bagay'' mahinang sambit ni Jerome.

Napatango na lang si Vera.

''Pero mangyayari kinatatakutan ko'' mahinang sabi ni Vera.

Hinawakan ni Jerome ang kamay ni Vera.

''Haharapin natin yan ng magkasama'' mahinang sabi ni Jerome.

Biglang namula si Vera. Agad na napatingin si Jerome kay Vera.

''May problema ba?'' Takang tanong ni Jerome.

Umiling na lang si Vera bilang tugon.

-end of flashback-

''Anong ibig mong sabihin tita?'' Tanong ni Fergus na nakaupo.

Napangiti na lang si Vera.

''Maghanda ka na para mamaya, yung bilin ko ha'' sabi ni Vera na nakangiti.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon