48 Walang iwanan

33 6 0
                                    

''Stin siguro alam ninyo na ang pwedeng maganap sa oras magsimula ang digmaan '' sambit ni Jerome kasam ang buong Council pati rin ang bawat head master ng bawat Clan.

''Alam namin ang panganib na pwede naming suongin, handa ang buong Santesia sa pangyayaring ito'' giit ni Stin.

''Makulit ka rin noh? Di ba nga kami na ang bahala kasama ang tinipon naming mga kasamahan'' sambit ni Jerome.

''Ano? Iilan lang kayo ang apat na Bantay at Gabay pati na rin ang dalawang 4th Descendant kasama ang Bearer of Fate, hindi ba't kakaunti lang kayo'' paggiit ulit ni Stin.

''May nadaragdag na kasamahan sa amin , kaya wag kayong mag-alala'' nakangising wika ni Jerome.

''Sino naman yun? Dark Range? Hindi natin sila kakampi '' sambit ni Stin.

Nagsang-ayunan naman ang lahat ng Head Masters pati narin ang Council members.

''Ilang araw bago mangyari to, nakipag-unayan kami sa Dark Range at na resolba na ang siganot namin kaya kakampi nanatin sila'' paliwanag ni Jerome.

''Paano mo naman nasabi? Wala ka namang ebidesya na kakampi natin sila , diba ng hindi sila makatapak sa Santesia dahil sa Lion Seal '' seryosong sambit ni Stin.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Jerome.

''Matagal na silang nakalabas pasok dito sa Santesia, hindi naman ninyo alam yun diba?'' Seryoso nitong Sambit.

''Mukha nga pero hindi sila makakapagkatiwalaan'' sambit ni Stin.

Bumugtong hininga si Jerome.

''Maski ang Gabay ng Oras at Balanse ay may tiwala sa kanya, humahanap din siya ng tiyempo kung saan at ano ang gagawin niyang paraan'' mahinang sambit ni Jerome.

Nagkatinginan lahat ng Head Master at Council Members. Ilang sandali ay nagtanguan.

''Alam mo kung gaano namin pinapahalagahan ang Santesia ang Lupain natin kaya sa ngayon ipagkakatiwala namin sayo Jerome ang desisyon'' sambit ni Stin.

''Gusto ko rin na huwag na kayong lumaban, kami na lang ang bahala dahil ayaw naming may masawi sa bawat Clan kagustuhan din ito ng pinuno ng Dark Range para mapakita sa inyo na kakampi natin sila'' sambit ni Jerome.

(Note: Head master sila ang namumuno sa Clan nila , sila ang sinusunod dahil minsan sila ang nakakatanda sa buong Clan at mas marami silang nalalaman bukod pa dito bihasa na rin sila sa mga Seal at Skill ng lahi nila. Council Members- sila ang representante ng bawat uri, sila rin ang namumuno sa buong uri nila at sila ay Mga Head Master din matagal ng patakaran na kung sino pa ang unang lahing kasama sa unang Council at siya ring lahing magtutuloy nito.)

''Kung iyan ng desisyon mo, pumapayag kami'' sambit ni Stin.

''Salamat, maari na ba akong umalis ?'' Tanong ni Jerome.

Tumango naman bilang tugon si Stin. Agad din namang tumayo si Jerome at umalis. Bigla namang may pumasok na tauhan ng Council.

''Head Masters nagkakaroon ng pag-atake sa mga lupain ng Halcyon at Tranquil'' sambit ng mensahero.

Biglang napatayo si Stin.

''Meron na bang unang lumaban sa mga iyon?'' Tanong ni Stin.

''Meron na po Head Master, Parang Dark Range po ang lumalaban sa mga iyon.'' Tugon ng Mensahero.

''Kailangan nating protektahan ang Lugar ang Clan namin'' sambit ng Head Master ng Halcyon.

''Pero hindi ba sumang-ayon tayo kay Jerome Ast kaya kailangan nating tuparin ang pinagkasunduan natin'' sambit ni Stin.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon