39 Talagang malapit ng mangyari

23 5 1
                                    

Pumasok si Ms. Joy sa classroom ng 1-Pacem.

''What with that Face guys?'' Nagtatakang tanong ng ni Ms. Joy pagpasok niya at maglagay ng hamit sa table.

Halos nakanga-nga ang buong klase.

''Mam nawala..'' wala sa sariling sabi ni Gem.

Napataas naman ang kilay ni Ms. Joy.

''Anong nawala?'' Naguguluhan na tanong ni Joy.

''Mam nawala'' sabi naman ni Carl.

Pinalo na ni Ms. Joy ang lamesa.

''Ano ngang nawala?'' Sigaw nito.

Agad na narinig ni Jerome ang pagpalo sa lamesa ni Ms Joy.

''Ehem, may problema ba?''tanong ni Jerome pagkapasok nito at agad na tiningnan ang mga estudyante.

Napabugtong hininga si Jerome.

''Hail pwede ba kitang makausap?'' Tanong ni Jerome.

Tumayo agad si Hail ng mabalik sa katinuan. Agad din siyang naglakad papunta sa direksyon ni Jerome.

''Nga pala kayong dalawa pumasok na kayo dito'' sabi ni Jerome sa may bandang pintuan.

Nagtaka ang ilan sa mga kababalik lang katinuan dahil sa mga sinabi ni Jerome.

''Sir... wow ang cute'' sigaw ni Gem ng makita si Mond at Rigel.

''Master '' cute na sabi ni Rigel papunta kay Carl.

Napakunot ang noo ni Carl.

''Fer-ghost'' masayang cute na sabi ni Mond papunta kay Fergus.

Napakunot ang noo ni Fergus. At tiningnan ng masama si Mond at nagsalita ng walang boses.

''Lagot ka mamaya sa akin'' sabi nito na walang boses.

Tuloy tuloy ang pagpunta ni Mond kay Fergus na parang walang banta. Agad din itong yumakap sa binti ni Fergus. Napailing na lang si Fergus at kinuha si Mond at nilagay sa table niya.

''Hiramin ko muna si Hail may sasabihin lang ako'' seryosong sabi ni Jerome.

Tumango lang si Ms. Joy bilang pagsang-ayon agad ding lumabas si Jerome pagkatango ni Ms. Joy.

''*clap**clap* Okay class siguro alam na ninyo ang tungkol kay Fergus at Carl kaya hinahunting silang dalawa'' masayang sabi ni Ms. Joy.

''Walang pwedeng kumuha sa Boyfriend ko'' sabi ni Crystal at tumayo.

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Ms. Joy.

''Kailan pa?'' Sabi ni Ms. Joy.

''Kanina lang'' matigas na sabi ni Crystal.

''Okay you may sit Ms. Spirit , wag mo ng uulitin yun rumespeto ka sa nakakatanda alam mo namang ang title ng clan ninyo ay Leader hindi ba?'' Sabi ni Ms. Joy.

Napatango na lang si Crystal at umupo.

''Okay continue, kailangan nating galingan sa gaganapin Battles of Seals. At dahil mayroon ng Nature at Disaster sealer at Guards pa sila ay mas lamang ang sinong grupo ang maglalaban diba? '' sabi ni Ms. Joy.

''Mam edi bukas po yun di ba?'' Sabi ni Jiro.

Napangiti uli si Ms. Joy.

''Nagsalita ka uli'' masayang sabi nito.

''Mam si Joshua yun!'' Sigaw ni Gem.

''Aray naman sakit kaya'' malakas na sabi ni Gem habang hinihimas niya ang braso.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon