*Special Chapter: Time Unison (Part 1)

54 8 0
                                    

Taong 2014 , Isang babae at lalaki ang naguusap sa isang eskinita.

''Nakakatuwa naman at nakasama mo ang mga mahal mo sa buhay pero bilang na lang araw mo dito sa lupa'' malungkot na sabi ni Charles sa kaharap niyang si Rose.

Hinawakan ni Rose ang kwintas niyang gold at pumikit. Mga ilang sandali pa ay mumulat din ito.

''Alam ko Charles, kaya nga sinasagad ko na '' nakangiti nitong sabi kahit sa mga mata niya gusto na niyang umiyak.

Tinapik lang ni Charles ang balikat ni Rose.

''Alam ko'' nakangiti ding sabi ni Charles kahit sa loob nalulungkot siya.

Biglang humangin ng malakas at may napuntang papel sa kamay ni Rose. Binasa nila ito.

Be ready..

Napakunot ang noo ni Rose sa nakasulat.

''Parang katulad to nung binigyan ang ng babala sa araw na magkikita tayo'' nagdududang sabi ni Charles.

''Wow trip mo namang maging imbestigador'' sabi ni Rose at biglang binatukan ni Charles si Rose.

''Aray ha'' sabi ni Rose habang hinahagod ang parteng binatukan ni Charles.

Ilang sandali pa ay nagliwanag ang paligid nila at unti - unting nabalutan ng gintong apoy o liwanag . Na para bang dinadala sila sa isang lugar na hindi nila alam . Mga ilang sandali ay nawala ang liwanag/ apoy na pumalibot sa kanila . Wala na sila sa kinatatayuan nial kanina. Isang kakaibang lugar na hindi nila alam kung saan ngayon.

''Charles , Rose nandyan lang pala kayo'' nakangiting sabi ni Ruby.

''Huh? Sino ka'' sabi ni Rose.

''Bakit ke porket naging magkaibigan na kayo ni Charles, nakalimutan mo na ako'' sabi ni Ruby.

''Ahh miss pwedeng malaman kung nasaan kami? '' tanong ni Rose kay Ruby.

''Santesia, nakalimutan mo na ba kung saan ka nakatira'' sabi ni Ruby.

''Rose nagteleport yata tayo'' bulong ni Charles.

''Miss gaano po ba kalayo ang Pilipinas dito?'' Tanong ni Charles.

Nanlaki ang mata ni Ruby.

''Pwedeng paki uli yung sinabi mo'' manghang sabi ni Ruby.

''Ah.. Miss gaano po ba kalayo ang Pilipinas dito'' sabi uli ni Charles.

''Hala , Rose ano bang ginawa mo kay Charles hindi na masungit'' sabi ni Ruby.

''Huh? Miss hindi ka namin maintindihan e nadala lang kami dito , 2014 pa ba?'' Sabi ni Charles.

''Wow ha ikaw na si Rose .. edi ako na si Charles haha... Aray naman'' sabi ni Rose matapos ay binatukan siya habang nagsasalita.

''Pwera biro, Miss Year 2014 pa ba to?'' Sabi ni Charles.

'' Talaga galing kayo sa 2014? '' sabi ni Ruby.

''Eh 4234 A.D. na ngayon'' sabi ni Ruby.

''Talaga oras yata ang tinalunan natin, pero bakit pati lugar ... ito na ba ang Pilipinas sa makabagong panahon'' sabi ni Rose.

''I'm sorry pero hindi ito ang Pilipinas , Lumitaw kasi itong isla ayon sa pagkakaalam ko mga taong 4000A.D.'' sabi ni Ruby.

''Ahh, okay'' malungkot na sabi ng dalawa .

'' mahahanapan din natin yan ng paraan kung paano kayo makakabalik sa panahon ninyo'' sabi ni Ruby.

Tumango naman ang dalawa na tila nawawalan ng pag-asa.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon