13 Revelation

77 10 0
                                    

''Mukhang mahihirapan tayo '' bulong ni Jerome na nagliliwanag pa rin ...

''Hindi totoo yan bantay ng liwanag ... nandito ang Lion seal na promoprotekta sa atin '' sabi ni Calcus.

''Kailangan na natin ibigay sa kanila ang natatanging sandata ng simbulo'' sabi ni Tyron

''Magaling, pero patay na ang mga bantay bago ninyo maibigay yan '' sabi ni Stratus.

''Light seal... laser blades'' dugtong ni Stratus. Agad may mga liwanag na pumukol sa direksyon nila Fergus.

''Bwisit matatagalan bago ako makagawa ng Light Barrier'' sabi ni Jerome.

''Akala mo lang'' sabi ng boses at may biglang sumangga ng pag atake ni Stratus.

''Ken'' bulong ni Calcus. Ng biglang may lumabas na liwanag mula madilim na bahagi ng Library. Isang nilalang na nababalutan ng green na apoy .

''Hi Vera at sayo Fergus'' nakangiting sabi ng nilalang.

''Papa'' bulong ni Fergus.

''Di ba sabi ko babalik ako'' nakangiting sabi ng lalaki na ama ni Fergus na si Ken.

''Calcus ang sword of balance akin na '' dugtong nito.

Agad na naglabas si Calcus ng napakalakas ng Green  na liwanag at nag-anyong espada.

''Ken akala ko patay ka na sa mundo ng mga mortal'' sabi ni Stratus.

''Akala mo lang , FLAME OF THE HEAVEN'S LIGHT'' sigaw ni Ken .

Nabalot ng  Green na apoy ang espada at lumakas. Mabilis na sumugod si Ken kay Stratus. Nanatiling nakatingin sila Vera rito.
Naglabas din ng sandata si Stratus. Na sumangga sa pwersa na binigay ni Ken.

''Tsk, di ka talaga matamaan ng isang tira lang'' sabi ni Ken.

''Haha , Ganoon ka pa rin bantay ang hilig mong sa suprise pero tandaan mo mas malakas ako sayo'' sabi ni  Stratus.

''Talaga, TIP OF THE VANISHING SHADOW'' sigaw ni Ken .

Agad ulit na umatake si Ken pero sa pagakakataong ito ay bigla siyang nawala. Mga ilang sandali ay lumitaw sa likuran ni Stratus akmang sasaksakin sa likod. Pero naramdaman ito ni Stratus at na sangga ang pag-atake ni Ken. Sandaling napaurong si Ken ng ilang hakbang.

''Haha magaling pero kulang pa bantay tuluyan ka na talagang napag iwanan ng panahon , pero tatapusin na kita ... INFERNO'S LUST.'' Sigaw ni Stratus.

At ipinukol ang espada niyang balot ng itim na liwanag kay Ken .

Elemento ng kalikasan,
Dinggin mo ang tinig ko...
Sa bawat pagkakataon ..
Pagtibayin ng bawat panahon...
Ikulong sa pawasalang hanggang kulungan...
Para balanse ay mapanatili.
Ako ang iyong bantay sa nakaraan...
Ikulong kasama nito..
Liwanag sa dilim ...
Pag-asa at kaguluhan ..
Sealed!!!

Nabalot ng napalakas na liwanag si Ken at nahulog ang hawak niyang espada maski si Stratus ay di na magawa ang atake niya dahil sa malakas na pwersa na humihigop sa kanya. Mga ilang sandali pa ay lubusang nawala ang liwanag kasama nito ay si Ken at Stratus. Naiwan na lang ang isang bilog na may nakasulat na marka sa gitna habang nakatusok dito ang espada ni Ken.

''Papa!!! '' sigaw ni Fergus.

'' kasamang kinuha ng Seal ang papa mo at si Stratus'' mahinang sabi ni Jerome.

''Mukhang naramdaman ito ng Council kaya kailangan na nating umalis, bilisan mo Fergus kuhanin mo ang espada '' sigaw ni Vera.

Agad din namang sinunod ni Fergus ang sinabi ni Vera . Nag seal na rin si Vera ng lagusan at nagsipasok sila doon .

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon