*Special Chapter: Info's

33 4 0
                                    

Santesia- isang lugar na lumitaw sa bahagi ng karagatan sa hindi malamang lokasyon dito naninirahan ang mga inatasang magalaga ng mga elemento. Ang tawag sa kanila ay Santesian pero dahil nakatira sa islang iyon mas kilala silang Sealers.

Santesian/Sealers- wala namang kakaiba sa pangagatawan nila at itsura nagkakasakit din sila tulad ng mga ordinaryong tao ngunit meron silang kakaibang lakas na mahirap nahigitan ng mga mortal pero itinatago lang nila ito.

7 cities

Lux city- ito ang pinaka malaking bahagi ng buong lupain mga 20% ng Santesia. Ito ay napapagitnaan ng iba pang mga syudad . Ito rin ang nagsisilbing sentro ng buong Santesia. Narito rin ang nag-iisang paaralan sa buong Santesia. Ang Xeal Lion University . Nasa hilagang bahagi lang ng Lungsod ang punongbayan nito ang Balance Castle.

Ventus city- ito ay 10% lang ng kabuuang bahagi ng Santesia ito ay nasa hilagang silangan. Ito centro kung saan nakukuha ang mga hayop na makakain sa papawarin at nasa bahagi din nito ang Rotten Forest kung nasaan ang Amusement park ng mga Dragon sa buong Santesia. At nasa sentro naman nito ang Purifying Castle na siyang punong bayan nito.

Aqua City- ito ay 15% ng kabuuang bahagi ng Santesia. Dito nakukuha halos ang mga marine animals dahil 46% nito ay tubig malaking bahagi dito kumpara sa iba pang mga City. At nasa Centro naman nito ang Living Hope Castle na siyang punong bayan. Ito ay nasa timog silangan ng Santesia.

Ignis City- ito ay 10% ng kabuuang bahagi ng Santesia at nasa bandang timog nito. Dito naman nakukuha ang Poultry at Farm products pati na rin ang Dairy products . Dito din matatagpuan ang Phoenix Den kung saan matatagpuan ang napakaraming Breed ng mga Phoenix na may iba't ibang kulay. At sa sentro nito ang Swords Castle na siyang punong bayan nito.

Terra City- ito ay 15% ng kabuuang bahagi ng Santesia at nasa bandang timog Kanluran nito. Ito ang agricultural City ng Santesia dito matatagpuan ang lahat ng uri ng pagkain na prutas at gulay. Ito rin ang pinaka mapunong bahagi ng Santesia at may tinatawag sila ditong Curse Forest na ipinagbabawal sa hindi malamang dahilan noon pa man. At nasa gitna nito ang Peaceful Castle na siyang punong bayan nito.

Fulgur City- ito ay 10% ng kabuuang bahagi ng Santesia at nasa hilangang Kanluran nito. Ito ang City na telecommunication related at energy Related dito nanggagaling ang enerhiya o kuryente na dumadaloy sa buong isla. Relation Castle ang punong bayan nito at ang semtro nito.

Glaciem city- ito ay 10% ng kabuuang bahagi ng Santesia at na sa hilagang bahagi ng kapuluan. Ito ang weather control City dahil ito ang pinaka mataas na bahagi at mabundok na bahagi ng Santesia. May dalawang bundok na pinakamahirap akyatin ito ang Shower Mountain at Foundation Mountain na nasa magkabilang dulo ng City na pinaniniwalaan na naroon ang Guards at Guides Castle pero wala pang nakakapag patunay dahil wala pang nakaka-akyat sa bundok na iyon. Ang sentro din ng City ay ang Wisdom Castle na nasa pinaka mataas na bundok sa Buong isla.

Special places

Rotten Forest- Amusment park na nilikha ng mga dragon kasama ang mga Unang Bantay. Isa ito sa pinakapinupuntahan ng mga tao at mga Santesian sa Buong lupain. Nasa pamumuno ito ng Heaven Dragon na si Lucy.

Curse Forest- isang lugar sa Santesia na hindi o kailanman pinupuntahan ng kahit sinong nilalang sa labas nito sa kadahilanan na nababalot ng napakalakas na kadiliman ang paligid nito. Sinasabi nila na narito ang mga Mystical Creatures na sumalungat sa Divine at Dilute Clan nang unang panahon.

Divine Garden- ang lugar na mahirap pasukin dahil sa Gate na nasa bungad papasok dito. Sinasabi nilang dito raw nanirahan ang naubos na lahi ng Nature at Disaster sealers. Pero walang makapagsabi kung totoo iyon dahil kailanman walang ibang nakapasok na sealer sa loob nito.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon