38 Bantayan?

23 6 0
                                    

June 15, 4234 A. D.

Tatlong araw na ang nakakalipas ng makaharap nila Vera si Joyce. At talong araw na rin ang nakakalipas ng mapagaling si Jazabel at sa loob din sa panahong iyon ay kalat na sa buong Santesia ang mga natitirang Nature at Disaster sealer at dahil doon mas lalong hinigpitan ni Jerome ang security ng buong university. Pero hindi alam ng mga Santesian ang tungkol sa mga nakakakulong sa Curse Forest. Sa pagkakataong ito ay nakaupo si Vera at nagkakape sa lamesa. Samantalang si Fergus ay nagkakape din katapat ni Vera. Sa oras sa pagkakataong ito ay alas quatro ng umaga.

''Tita sino-sino ang pwedeng mahalin ng Santesian?'' Tanong ni Fergus.

Napatingin naman si Vera kay Fergus at kalaunan ay napangiti.

''May nagugustuhan ka na no?'' Sabi ni Vera na nakangisi.

''Ti-tita wala'' nauutal at namumulang sabi ni Fergus.

''Hahaha halata Fergus, pero ang sagot lahat'' sabi ni Vera.

Biglang naguluhan si Fergus.

''Ha? Lahat?'' Naguguluhang sabi ni Fergus.

''Uhm, lahat. Wala namang exception sa pagmamahal Fergus para sa uri natin. Magmahal ka man ng tao, kapwa Santesia/sealers, o anumang nilalang na itsurang tao ay pwede basta mahal mo'' seryosong paliwanag si Vera.

''Tita paano yun kung tao kalahating Santesian may kakayahan o seal silang dala?'' Curious na tanong ni Fergus.

''Sa pagkakaalam ko mawawala na ang seal nilang dala kung 4 na henerasyon na anak na silang na anak ng ikatlong walang napapangasawang Santesian mula sa nag asawa ng hindi Santesian ''paliwanag muli ni Vera.

''Kung ganoon may kalayaan pala tayo sa pagmamahal, pero pano kung ang nagmamahalan ay magkaibang seal ang dala paano naman yun?'' Tanong ni Fergus.

Napabugtong hininga si Vera.

''Wala ganoon lang katulad ng iba ay enerhiya ng buhay ang pipili kung ang seal ang dadalhin nila, pero batay din yun sa mga magulang malapit lapit yun sa mga magulang nila ang seal at skill na dala nila. Katulad ng magkakapatid na Equinox'' sabi ni Vera.

''Equinox eh sa pagkaka-alam ko ay si Carl na lang ang natitirang Equinox ?'' Naguguluhan muling tanong ni Fergus.

''Si Facade, Stratus, Rey at Cera ay magkakapatid na Disaster-Nature sealers '' sabi ni Vera at humigop ng kape niya.

''Cera? Di ba po yun yung nag-alaga kay Carl'' sabi ni Fergus.

''Oo kaya lang palagi kong kasama si Cera kasi palagi siyang binubully ng tatlo'' sabi ni Vera.

''Bakit?'' Nagtatakang tanong ni Fergus.

''Bunso daw kasi, baliw yung tatlo no?'' Sabi ni Vera.

Napatango na lang si Fergus.

''Ano po ba talaga ang Dark Range at Bakit po ito nabuo?'' Tanong ni Fergus.

Napangiti na lang si Vera at tumayo at lumapit kay Fergus at tinapik ang balikat.

''Sa tamang panahon'' sabi ni Vera at lumabas ng kusina.

Nanatiling nag-iisip si Fergus.

Parang katulad to ng sinabi niya noon? Tanong niya sa Isip niya.

''Fergus sabi ni Ms. Vera maligo ka na daw'' maangas na sabi ni Charles.

''Sige'' tugon ni Fergus at tumayo.

Mga ilang minuto ang lumipas ay nandoon na sa tapat ng School ang kotse kung nasaan si Fergus.

''Bumaba na kayo, ingat ha'' bilin ni Vera at bumaba sina Fergus at Charles.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon