49 Fergus

31 6 0
                                    

June 22, 4234 A.D.

Humigit kumulang na isang linggo ng makuha ng mga Nature Sealers pati na rin ang huling pagkikita nila ni Crystal. Halos kumpleto ang buong 1-Pacem except kay Fergus na kasalukuyang iniisip kung paano siya makuha. Kasalukuyan namang malalim na nag-iisip si Ms. Kate habang nakaupo sa lamesa.

''Mam ano nga pala yung lesson? '' sambit ni Haze.

Biglang naputol ang mahabang pag-iisip ni Ms. Kate at napatingin kay Haze.

''Ahh, about sa ikalawang digmaan ng mga Sealers'' mahinang sambit ng mga sealers.

''Mam?'' Sambit ni Kristine.

''Sa nakaraang isang daang taon, naganap ang hindi inaasahang pangyayari sa mga sealers. Alam namin na hindi dapat ninyo itong malaman na kung anong kasaysayan ng nakaraang isang daang taon, pero pinagutos ito ni Sir Jerome na ipaalam ang tungkol dito'' sambit ni Ms. Kate.

''Mam? Bakit? ''Hysterical na naguguluhang tanong ni Rowena.

''Nagsisimula na ang ikatlong digmaan ng Santesia at hindi ito gaanong malawak sa ngayon'' paliwanag ni Ms. Kate.

''Nagsimula? Kailan pa?'' Sambit naman ni Crystal.

''Ng namakuha nila si Fergus, yun ang simula'' seryosong sambit ni Ms. Kate.

Ilang sandali ay nagkaroon ng pagsabog sa labas ng building.

''Tsk! Nagsimula uli sila '' sambit ni Kate.

''Dali magtago kayo sa protective basement! Ako ang bahala sa mga sumasalakay'' nag-aatubiling sambit ni Ms. Kate.

''Lalaban kami Ms. Kate hindi namin pababayaan ang School '' matigas na sambit ni Charles.

''Kahit bantay ka, kailangan ka munang pumunta sa Protective basement para maprotektahan ninyo ang mga estudyateng nandoon. Walang handa sa pangyayaring ito. Sigurado ako na nakahanda din ang Council sa pangyayaring ito.'' Sambit ni Ms. Kate.

''Ms. Kate sumama ka sa mga estudyate kami ng bahala ng mga Bantay sa mga sumusugod na kalaban'' sambit ni Jerome.

''Pero sir'' pag-giit ni  Ms. Kate.

''Napag-usapan naman namin ang tungkol dito Kate. Kailangan nilang gawin ang kagustuhan ng council.'' Seryosong sambit ni Jerome.

Tumango na lang bilang tugon si Ms. Kate at sinamahan ang mga studyante papunta sa basement ng school.

(Note: Ang Hidden library at ang Basement ay magkaiba. Magkahiwalay po sila kumbaga magkabilang bahagi ng university.)

Agad na nagpunta sila Jerome papunta sa pinagmulan ng pagsabog.

''Sir nasan ang kalaban? Hindi natin sila makita'' mahinang sambit ni Kristine.

''Alam kong nandito lang sila at  pasunod na sila Xhase dito kailangan lang nating protektahan ang School.'' Seryosong sambit ni Jerome.

''Sir parang seryoso kayo tungkol sa School'' takang sambit ni Carl.

''Nandito ang pinaka mahalagang gamit dito sa Santesia dito namin tinago kaya yan ang kinatatakot ko'' sambit ni Jerome.

''Sir ibig sabihin yun mismo ang pakay nila?'' Seryosong sambit ni Cris.

''Sa tingin ko lang'' sambit ni Jerome.

Muling nagkaroon ng pagsabog na mula sa itaas.

''Sir sa taas'' sambit ni Charles.

SantesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon