CHAPTER 27

350 98 95
                                    

Elena's POV (May)

Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang lamig ng simoy ng hangin. Nang buksan ko ang aking mga mata ay 'di ko maiwasang tumulo muli ang masaganang luha kahit pa na pinipilit ko itong marahas na punasan upang tumila. Muling nagbalik sa aking isipan ang kaganapang aking nadatnan na nagbigay sakit sa aking puso...

"Miss Elena, buti naman ho at dumating na kayo," balisang salubong ng aking sekretarya sa akin.

"Bakit? May nangyari ba? Bakit parang balisa ang mga employado ngayon? May anomaly bang hinaharap ang kompanya?" nagtatakang tanong ko, hindi maiguhit ang ekspresyong sa kanyang mga mukha. Pinaglahong takot at kaba ang kanyang pinapakita. Naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. Ako ay nababahala sa kakaibang ikinikilos niya ngayo.

"Kasi po Miss Elena. Dumating po ang mga kapatid mo," sagot naman niya sa akin. Hindi ba dapat masaya itong okasyon? Naririto ang kapatid ni Elena na balita kong ilang taon ng hindi umuuwi sa Pilipinas. "Si Miss Misty at Miss Winter po ay nagsesesante ng mga tauhan base sa itsura."

Napasalubong naman ang kilay ko. Nabahala ako sa sinabi ng aking sekretarya

"Nasaan sila?" nag-aalalang tanong ko, agad kong sinundan ang aking sekretarya na nagmamadaling gabayan ako patungo sa aking mga kapatid.

Anong kagulohan ang sinasabi nila? At bakit mangugulo ang aking mga kapatid? Palaging napanatili ng Perez ang kanilang malinis na imahe, lubos akong nagdududa na gagawa ang sino man sa kanila ng isang bagay na makakasira sa kanilang reputasyon. I wonder what they are after.

Nanginginig na binuksan ng aking sekretarya ang pinto ng aking opisina,"A-andito po sila." nauutal niyang sambit.

Sa pagbukas ng pintuan ay isang eksena na nag-padurog ng puso ko ang aking nadatnan... Mahigpit na nakayap si Luke kay May. Hindi ko naiwasang tumalikod at naglakad palabas ng aking opisina.

"Miss Elena!" rinig kong tawag ng aking sekretarya...

Malalim akong napahugot ng hininga ng mabalik ako sa reyalidad. Tumingala ako sa kalangutan nugnit hindi ko pa rin napigilan ang mga luha ko sa pag-agos. Napaka ganda at aliwalas ng mga ulap ngunit salungat nito ang aking nadarama. Ito na ba? Ito na ba ang aking karma, ang aking kaparusahan sa paglilihim ng katotohanan? Paglilihim ba talaga ang tawag sa ginagawa ko? Kahit naman sabihin ko may maniniwala ba?

Ngunit... masisi niyo ba ako kung inilihim ko? Kung kayo ang na sa sitwasyon ko mas gugustuhin niyong maging isang Elena Perez at hindi isang lampang May Gonzales. Masama ba talagang maging masaya ako?

"Gusto ko lang naman maging masaya," mahina kong bulong sa hangin. Ang kalungkutan sa pagkakamulat sa katotohanan ay unti-unting gumagapang patungo sa aking kaluluwa, dahan-dahang binasag ang aking pag-asa.

Kahit ba na sa katawan ako ng babaeng mahal ng mahal mo ay mas pipiliin niya pa rin ang totoong Elena? Akala ko naabot ko na. Akala ko magiging masaya na ako. Akala ko may kayang magmahal sa akin. Akala ko mamahalin ako ni Luke dahil na sa katawan ako ni Miss Elena. Akala ko lang pala lahat ng iyon. Dahil lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan at isasampal sa akin ang mapait kong kapalaran. Bakit napaka hindi patas ng mundo?

Buong buhay ko, hospital na aking pangalawang tirahan. Napaka lungkot at limitado ang mga bagay na pwede kong gawin. Kasi maraming bawal at hindi pwede. Ngayong nakamit ko na ang kalayaang inaasam-asam ko at ang buhay na sa panaginip ko lang nakikita ay bakit ba masakit pa rin? Nasa akin na ang perpektong buhay na pinapangarap ko pero bakit?

"Mahal na mahal kita Luke at hindi ko na yata kakayaning mawala ka sa akin," bulong ko ulit sa aking sarili

Luke, you're so near yet so far. Cliché man pakinggan na tila na sa isang pilikula ako ay ito ang reyalidad na hindi ko mababago. Na sa tabi ko lamang siya ngunit hinding hindi ko maaabot ang isang Luke Javier. Ang lahat ng ito ay hiram lamang. Ang lahat ng ito ay maaaring mawala sa isang iglap. Kung panaginip lamang ito ay ayoko ng magising.

"Ganoon mo ba kamahal si Miss Elena at kahit na sa katawan ko siya... ay siya pa rin ang pipiliin mo?" naiiyak kong wika sa sarili.

Hindi ba talaga pwede? Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Sana sa natitirang sandali ko sa mundong ito ay maranasan kong mahalin ng taong mahal ko. Iyong tipong hindi ako susukoan kahit anong mangyari... tulad ni Sebastian. Akala ko siya na talga pero... akala ko lang pala.

Hindi ba pwedeng mahalin ako ni Luke bilang a ko? Hindi bilang isang Elena Perez pero bilang ako, bilang si May Gonzales. Napangiti ako ng maalala ang una naming pagkikita ni Luke, ang oras na nahulog ako sa kanya pero hindi niya ako kayang saluhin kasi may mahal siyang iba...

"A-are you alright?" isang malalim at baaritonong tinig ang pumukaw sa aking atensyon.

Napatingala ako at nakakita ng isang anghel. Malalim na itim na bilogang mata, makinis na kayumangging balat at may katangkaran din siya na pasok na maging modelo. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang gwapong mukha.

"Why are you crying?" tanong niyang muli sa akin.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan at humagulgol ako sa kanyang harapan. Kailan ba ng huling may nagtanong na estranghero kung ayos lang ba ako

"W-wait. What did I do? Why are you crying?!" natataranta niyang tanong, inabutan niya ako ng panyo at hinagod ang aking likod.

"H-hindi po ba kayo nandidiri sa akin? Napaka panget ko at tinadtad ng pimples ang aking mukha, hindi mo rin ako kilala, at napaka dungis ko, hindi rin ak—" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla niya akong niyakap.

Bakit napaka bait ng taong ito sa akin? How can he be so kind to a stranger? Base sa kanyang suot ay halatang mayaman siya, most of the rich people I met are not this kind.

"I don't know what's your problem or why you're crying but you are not ugly nor disgusting," pag-aamo niya sa akin habang hinahagod ang aking ulo na tila pinapagaan ang aking loob.

"Sinasabi mo lang 'yan para gumaan ang loob ko," hikbi kong sagot sa kanya.

Hinawakan niya ang balikat ko at tiningnan ako sa mata. Para akong nahihipnotismo sa kanyang malalim na titig.

"Do I look like, like I'm a liar?" seryoso niyang tanong

Kaya naman mabilis akong napailing. Ngumiti naman siya ng pagkatamis tamis at ginulo ang aking buhok.

"Be more confident. You are beautiful," seryoso niyang sambit sa akin.

"Luke? What are you doing?" napatingin ako sa aming likuran.

Napatulala ako sa maganda at sopistikadang binibini sa aking harapan. Mukha siyang may halong lahi, napaka kinis din ng kanyang balat, maganda ni ang kanyang kulay kastanyo niyang mga mata at ang pinaka nakakaagaw pansin ay ang kanyang may arko na makapal na kilay na mukhang natural.

"I just found this girl trying to commit suicide. And I got a little worried," malambing na sagot ni Luke sa babaeng nasa harapan namin.

Tiningnan naman ako ng babae at tinaasan ng kilay. Nakaramdam ako ng pagkailang sa pasada ng kanyang titig sa akin.

"Pathetic," wika niya dahilan para yumuko ako.

"Elena! That was ru—" hindi natapos ni Luke ang pagtatanggol sa akin ng magsalita muli ang magandang babae.

"Instead of trying to kill yourself. Why don't you do something worthy and make your life less miserable? Hindi ka nakakaawa, you are weak and pathetic as hell," walang prenong sambit ni Elena.

"Babe, enough. You are not making her—" hindi ulit natapos ni Luke ang sasabihin niya dahil pintulo na naman siya ni Elena.

"Here's my card. Try working at my company instead of poorly ending your life," wika niya saka itinapon sa akin ang card niya at naglakad palayo na hinihila si Luke.

Nabalik ako sa reyalidad at ngayon ko lang naalala muli. Oo nga pala malaki ang utang na loob ko kay Miss Elena. Lalong lalo na kay Luke dahil siya ang nagligtas sa buhay ko ng mga oras na gusto ko ng mamatay at makawala sa mapait kong kapalaran.

"Elena?" napalingon sa tumawag sa aking pangalan.

Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata.

Crossover | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon