Elena's POV (May)
Tumingala ako sa kalangitan habang nababasa ng malamig na tubig ng ulan. Mukha yatang nakikisabay ang langit sa aking dalamhati. Muling pumasok sa aking isipan ang mga huling salita ng aking dating nobyo bago si Sebastian.
"Ha! Sa tingin mo sinong lalaki ba ang magtiyatiyaga sayo? Kung wala kang mabibigay sa akin mas magandang maghiwalay nalang tayo!"
Pang-ilang lalaki na ba si June sa mga naging kasintahan ko na ginamit lang pala ako? Kailan ba ako matuto? Akala ko siya na talaga pero akala ko lang pala iyon. Palagi akong pulutan ng katatawanan sa office. Ngayon naman si Sebastian, akala ko... siya na talaga pero tama pala talaga ako. Hindi talaga kami magtatagal, alam ko simula palang na susuko din siya. Sa lahat ng lalaking akong minahal, siya lamang ang hindi ako ginamit pero mas masakit pa rin pala talaga.
Dalawamput apat na taong gulang na office lady sa Perez Estate Company ako. Walang pamilya o ni maraming kaibigan. Sigurado akong walang magluluksa sa pagkamatay ng isang tulad kong talunan at walang kwenta. Napagdesisyunan kong tapusin nalang ang buhay ko sa karagatan. Sa karagatan kung saan nagsimula ang lahat, doon ko rin tatapusin ang lahat ngunit...
"Gising ka na ba? How do you feel?"
Masyadong nakakasilaw! May... Nagligtas ba sa akin?
"Miss Perez?"
"Miss Elena Perez?"
Ano? Sinong tinatawag niyang Elena Perez? Ang pangalan ko ay May Gonzales!
"You can rest easy. There were no major injuries naman ayon sa tests mo. See? Magandang maganda pa rin ang mukha mo," magiliwing wika ng nurse sa aking tabi sabay abot ng salamin sa akin.
Napatitig ako sa salamin at saka nanlaki ang aking mga mata sa nasaksihan. Agad akong napabangon. Ano 'to? Sino 'to? Ako ba 'to? Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin.
"I'm so glad you're awake Elena! I almost thought that you would leave me! You scared the hell out of me!" Isang makisig at mabangong lalaki ang mahigpit na yumayakap sa akin ngayon.
"T-teka! Nagkakamali kayo! Ang pangalan ko ay May Gonzales. S-sa 'di malamang dahilan ay andito ako sa katawan ng isang estranghero!" Natataranta kong sambit.
Gusto kong mamatay pero hindi ako namatay. Napalingon ako sa bintana at napatitig sa mga ulap. Sinasabi niyo bang kailangan kong mabuhay kahit na sa katawan ng ibang tao? Ano ba talagang nais mong ipagawa sa akin?
"Your memory mix-up is probably an after effect of the accident. Rest comfortably and recover," nakangiting sambit ng isang lalaking nakaputing lab coat.
"I'll inform the family," sambit ng maginoong lalaki sa tabi ko. Bakit napaka pamilyar ng kanyang mukha?
Lumipas ang ilang minuto ay may dumating matandang lalaki at kausap ang maginoong lalaking biglang yumakap sa akin kanina.
"Iyong babaeng nabangga ako? Kamusta siya?" tanong ko
"She's—" naputol ang kung ano mang sasabihin nung binata sa akin dahil nagsalita yung matandang lalaking bagong dating na pumagitna sa amin.
"What are you talking about Anak? Nabangga mo ang poste dahil sa sobrang kalasingan. There were no casualties naman and you don't have to worry about anything kasi naayos ko na. All you have to do is rest and recover," malumanay na saad ng matandang lalaki.
Anak? Pero... hindi siya ang Tatay. Kahit na kinamumuhian ako ni Tatay ay siya lamang ang bukod tanging magiging ama ko sa mundong ito. Kahit na ayaw niya pa sa akin ay kung mabubuhay akong muli, siya pa rin ang gugustohin kong maging Tatay. Hindi hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino. Hindi ko siya susukoan hanggang sa mapatawad niya ako.
BINABASA MO ANG
Crossover | ✓
ChickLitFollowing a traffic accident, two women find themselves deeply entwined in each other's polar opposite lives. May Gonzales, fed up with her endless string of failed relationships, wakes up convinced she's someone else. Meanwhile, Elena Perez, younge...