CHAPTER 50

254 55 14
                                    

Elena's POV (May)

Alam kong pag may makakaalam ng estoryang ito ay magagalit at kakamuhian ako kahit pa sabihin kong nagsisi ako. Naging makasarili ako at niloko hindi lang ang mga tao sa paligid ko, kung hindi pati sarili ko. Sana simula ng mapagtanto ko ang katotohanan ay ginawa ko na ito. Kamusta na kaya si Miss Elena, ilang beses kong naramdaman ang kirot sa dibdib ko tulad noong nahospital siya. At doon ko napatunayan na konektado pa rin kaming dalawa kahit papaano. Sinubukan kong tawagan si Luke pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nakarinig ako ng katok na nagpaputol sa aking iniisip.

"Miss Elena, andiyan na po ang sundo niyo," anunsyo ng aming kasambahay.

Sumakay na ako sa sasakyan. Please Luke, pumunta ka. Ikaw lang ang pag-asa ko. Nang makarating kami sa destinasyon ay agad akong bumaba. Ang pinaka ayaw ni ma'am Diane ay ang paghintayin siya. Nagkasalubong kami ni Chase sa entrance. Siya ba ang sinasabi ni Ma'am Diane? Salubong ang kilay niya at halata mong galit siya pero ganoon pa man ay makikita mo ang kagwapohan sa kanyang mukha, mas nagbibigay pa nga ng maangas na awra. Bad boy kumbaga.

"Walking together side by side, this must be fate!" aliw na sambit ni Ma'am Diane.

"Spare me those bullcrap, just so you know I went here to turn your offer down," walang paligoy ligoy na sambit ni Chase.

"Where are your manners boy? Sit first and take an order, after then we'll talk about that," pormal na utos ni Ma'am Diane.

"I'm going to say this now, I have no plans in associating with your company," walang takot na sagot ni Chase.

Naglakad na palayo si Chase ng mapatigil siya dahil sa sinabi ni Ma'am Diane. Napansin kong ni hindi man lang nag effort mag suot ng pormal si Chase sapagkat isang simpleng v-neck shirt at jeans lamang ang kanyang suot. Hindi nababagay sa restaurant na ito na sumisigaw ng elegante at yaman.

Napansin koa ng pag-ukit ng ngiti sa labi ni Ma'am Diane, "May Gonzales, wasn't it?"

Lumingon si Chase na puno ng pagkamuhi ang mukha.

"Now, do as I told you and I won't do some unnecessary works..." Bakas sa boses ni Ma'am Diane ang pananakot. Ano ang ibig niyang sabihin? Ngunit 'di naman nagpatinag si Chase. "You know what I mean by work."

"Do not lump me in the same category as Elena, I am not afraid of you," puno ng diin na sambit ni Chase.

Muling tumalikod si Chase pero hinarangan siya ng personal na gwardiya ni Ma'am Diane. Wala talagang sinasanto si Ma'am Diane, makakaya talaga kayang suwayin ni Chase si Ma'am Diane?

"I have many men in Tagaytay. I believe you are smart enough to understand, Chase," pagdagdag ni Ma'am Diane. Anong ibig niyang sabihin?

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Chase. Pansin ko rin ang pagtiim baga at pagtalim ng tingin ng mga ito sa akin. Bakas naman sa kanyang mukha na napipilitan lamang siya. Ano kaya ang hawak ni Ma'am Diane sa kanya at napasunod siya nito?

"As expected of my granddaughter's ex-fiancé," magiliw na wika ni Ma'am Diane. Kinuha niya ang menu at binasa ito. "Eight years ago I let you escape on purpose. Do you really think that you can escape from my clutches? Every move I make Chase is calculated... I realized Elena was too young to be involved with men and I needed time for her to nurture but this time is different Chase."

"Then I'll just have to run away from you again and I'll make sure you won't catch me," sagot ni Chase.

"Chase Rodriguez, like your name, you are only good in chasing people away and chasing one good for nothing girl..." Ibinaba ni Ma'am Diane ang hawak na menu at sinalubong ang mga galit na mata ni Chase. "Just one phone call Chase and I could ruin that girl's life."

Crossover | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon