CHAPTER 65

199 32 25
                                    

Elena's POV (May)

Lumingon ako kay Luke para kumuha ng lakas na loob para simulan ang misyon ko. Nginitian niya ako at hinawakan ang balikat ko.

"I'll be here for you," pagpapalakas ng loob ni Luke sa akin.

Nasa harap kami ngayon ng mansyon ng mga Perez. Napagdesisyonan kong kausapin si Ma'am Diane. Bago ko masimulan ang plano ko ay dapat ko munang makausap ang simula't ulo ng gusot na ito. Ang rason kung bakit umalis ang ina ni Elena. Pumasok ako sa loob at pumunta patungo sa opisina niya.

"What are you doing?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Winter hawak ang paborito nitong manika.

Lumapit ako sa kanya at nginitian siya. Alam ko na, kahit magpanggap pa siya alam kong hinihintay niya rin si Tita Titania.

"Ang manika na 'yan, galing 'yan sa mom mo yan 'di ba?"

Maliit palang si Winter nang iwan sila ni Tita Titania. Ang mga kwento na ibinahagi sa amin ni Tita Titania ay ang kwento ng buhay niya. Sinabi na ni Yummie sa akin ang lahat.

"What are you saying?!" Pasigaw na sambit ni Winter.

"Makikilala mo na siya pero dapat ko munang kausapin ang Lola niyo," sambit ko na nakangiti.

Itatama ko ang lahat. Oras na ako naman ang gumawa ng paraan para maging masaya ang pamilyang Perez tulad ng kaligayahan na ibinigay nila sa akin. Maglalakad na sana ako palayo ng hawakan ni Winter ang laylayan ng damit ko.

"Not even Elena was able to break free from Granny. You will just end up hurting like Daddy," mahinang sambit ni Winter. "I saw it... Daddy tried to search for Mommy but Granny was always in the way until one day Granny showed Daddy some pictures and he ended up crying. Elena doesn't want to see daddy in pain that's why she did everything to get granny's attention even if we came to hate her. I regret everything, I regret hating Elena."

"Salamat at pinaniwalaan mo ako kahit na kinamuhian mo pa ako sa una. Sa pangalawang pagkakataon ay sana magtiwala ka ulit sa akin. Itatama ko ang lahat. At sa pagbalik ng totoong Elena at magiging masaya na kayo," paliwanag ko saka hinawakan ang kamay nya upang tanggalin ang pagkakahawak sa dulo ng aking damit.

Kumatok ako sa pinto ng opisina ni ma'am Diane. At isang envelope ang inabot niya sa akin. Hindi mo man nagawa Miss Elena ay susubukan ko pa rin gawin para kahit man lang pambawi sa lahat.

"I was expecting you to come," salubong niya sa akin sabay tanggal ng suot niyang salamin. "You took your sweet time Elena."

Agad kong binuksan ang envelope na ibinigay niya sa akin at nakita ang litrato ni Tita Titania kasama ang ama ni Yummie. Muli kong naalala ang kwento ni Winter sa akin. Buo na ang aking desisyon. Kailangan ko lang ipaliwanag ang lahat kay ma'am Diane. Alam kong maiintindihan niya. Ang sabi ni Lolo noon ay ang simula ng magandang relasyon ay ang komunikasyon.

"Ito ba ang litrato na ipinakita mo kay sir Elandro?" tanong ko habang tinitingnan ang mga litrato. "Ito ba ang mga litrato na ginamit mo para kamuhian ni sir Elandro si Tita Titania?"

"What are you talking about? I don't care who that Titania is. Weren't you looking for your good for nothing of a mother?" Bakas sa salubong na kilay at madilim na mata ni Ma'am Diane ang poot. "That's her. She left you for another man."

Hindi ako nag-salita at tinitigan ang mga litrato. Makikita mo ang saya sa mga ngiti ni Tita Titania kasama si Tito. Sigurado akong lubos na nasaktan si sir Elandro ng makita ang mga larawang ito. Ngunit hindi ko ito mababago, kailangan ko lamang linawin ang hindi nila pagkakaunawaan baka sakaling mabago ko pa ang lahat.

"Hindi ba't ikaw ang rason kung bakit napilitang umalis si Tita Titania? Hindi kasalanan ang magmahal ma'am Diane."

"You are too young to know what love is Elena. She's Sunny, not Titania or whatever," ani niya. "Your mother... she was a stupid woman who believes in fairy tales and I despised her for that. Life is not always a fairy tale and she is a living proof of that. I know at some point she will leave my son and I will not wait for that to happen. So I just made it earlier, she is too weak to stay as a Perez, she doesn't belong to our world." Mahabang paliwanag ni ma'am Diane. Hindi ko man lubos maunawaan ang ibig niyang sabihin ay mali pa rin ang ginawa niya at tulad ko ay may panahon pa siyang itama ang mali niya.

Napansin ko ang malungkot na mga mata ni Ma'am Diane. "I have invested deep feelings for a man that I should've just cursed at. I don't want my son to experience that kind of pain."

Hindi ko mapigilang yakapin si ma'am Diane. Hindi man tama ang paraan niya pero ginawa niya lang ang mga desisyong iyon para protektahan ang anak niya. She was just misunderstood, ang gusto niya lang ay 'di maranasan ng anak niya ang napagdaanan niya.

"Nasaktan ka man ng magmahal ka. Minahal mo man ang maling tao ay hindi ibig sabihin noon ay ganoon rin ang mangyayari kay sir Elandro at Elena," malambing kong tugon. Ilang beses akong nabigo sa pag-ibig ngunit kailan man ay hindi ko sinukoan ito. "Parte ng pagmamahal ang sakit dapat mo lang siguradohin na kahit masaktan ka man sa huli, kahit na magkalayo man kayo, kahit na hindi pa kayo ang para sa isa't isa ay wala kang pagsisisihan."

Sinalubong ako ng mga mata na puno ng emosyon ni ma'am Diane. Isang eksena na kailanman ay 'di ko naisip na mangyayari.

”It's the first time you hugged me my dear grand daugther. But I want you to understand why I did this. I made a mistake, that's why I'm facing the consequences of loving the wrong person. If I just knew that loving someone will hurt this much, I wouldn't have risk my heart for it. That's why I won't risk Elandro or you or your sisters to be in pain just because of that so called love."

Umiling ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni ma'am Diane. Gusto kong maiintindihan nya ang nararamdamn ni Elena.

"As a child, you reminded me so much of my stupid hopeless self from the past. You might not be aware of it Elena but you are weak. And I don't want you to end up like me," mahina niyang tinapik ang ulo ko. "That's why I trained you to be my perfect creation. I made you as someone I wanted to be."

Hindi dapat ako ang nakakarinig ito. Dapat kay Elena niya ito sabihin pero naiintindihan kita Ma'am Diane.

"Pero ma'am Diane, alam kong hindi pinagsisihan ni Elena ang mahalin si Luke. Dahil tulad ko, kahit pa hindi kayang suklian ni Luke ang pag-ibig ko ay masasabi kong sa lahat ng desisyon niya ay si Luke ang pinaka maganda at tamang nangyari sa buhay niya."

Ipinikit ni ma'am Diane any kanyang mga mata bago muling nagsalita.

"I understand why Luke fell in love with you, Elena. Just like how I used to before that asshole broke my heart, your love is intense, even if you try to hide it, you care so much about the people you love and that's your greatest downfall."

"Ang magmahal ay hindi kahinaan ma'am Diane. Panahon na para matuto kayong magpatawad. Kung ipagpapatuloy mong kamuhian sya ay di mo sya mapapalaya, huwag mong hayaang maging alipin ka ng iyong nakaraan," sagot ko

"He saw something in you but unlike me it didn't scare him at all. I'm sorry that I cause you pain. I'm sorry that I could only use underhanded tactics to control you," niyakap niya ako ng mahigpit. "I'm sorry that I have forgotten that you are your own you and you should've lived your life, you want it to be. Thank you for opening up to me and I'm sorry to only realize it now"

"Huwag niyo po sabihin ang mga katagang iyan sa akin. Sa totoong Elena mo iyan sabihin at gagawin ko ang lahat para maitama ang lahat ng ito at dito ang simula ng lahat," sambit ko.

----

Crossover | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon