CHAPTER 52

258 53 19
                                    

Elena's POV (May)

Elena Perez is the type of person who doesn't waste time babbling nonsense and whose steps don't echo loudly as she moves. Syempre hindi siya tatakbo, tatawa ng malakas o isang lampang iyakin. Dapat siya maging elegante at matikas bawat segundo. Ang isang Elena Perez ay hindi dapat nagpapakita ng kahinaan. Ang isang Elena Perez ay ang kabaliktaran ng isang May Gonzales. Kailangan kong tandaan ito. Ganito ginawa ang isang Elena Perez at kailangan kong maging siya. Kailangan kong maitama ang pagkakamali ko.

"You, I know you won't be able to act like Elena Perez," napalingon naman ako sa nagsasalita. "You won't be able to act like my sister. Not even in your second life."

"W-Winter. A-anong ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong.

"I know it sounds absurd but... you aren't Elena. Aren't you? It's beyond scientific reasoning. I can't think of any logical reason behind all this but my instinct is telling me. Tell me the truth," tumigil siya at tiningnan ako sa mata "May Gonzales."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng banggitin niya ang pangalan ko.

"Wala naman akong balak itago 'to. Sa katunayan ay nasabi ko na pati kay Luke ang totoo," pag-amin ko.

Biglang nanlaki ang mata niya. Ano namang mali ang nasabi ko?

"You...You! Oh my gosh, I can't believe my deduction was right but how... how did you do it? What did you do?" manghang tanong niya, kumikinang nag kanyang mga mata na puno ng kyuryosidad.

Parang hindi naman ako ang kausap niya, parang kinakausap niya lang ang sarili niya.

"Is it plastic surgery? Where the hell would you get the money. From the looks of it, you are just some poor biatch who's drooling over my sister's boyfriend and enjoying her life now. Are you connected to some dark organization?"

Agad naman akong umiling. "Imposible ang sinasabi mo. Ang huli ko lamang alaala ay naaksidente ako. At galling pa mismo kay Dad—"

"Don't call my dad, Dad you stupid fraud," maarteng wika ni Winter sabay irap at pinasadahan ako ng tingin. "Oh, well, no matter what you do. You can't lie to Winter Perez. So don't you dare try lying to me now." Lumapit siya sa akin at maiging tinitigan ang mukha ko. "The surgery was beyond perfect, you look just the same as my sister, but your personality is far too way off the mark."

"Nang mapagtanto ko ang kalagayan ko ay agad kong kinopronta ang private doctor niyo na nag-alaga sa akin pero ang tanging sagot niya lamang ay baka raw naapektohan lamang ng aksidente ang memorya ko, sinubukan ko ding kausapin si sir Elandro pero ganun rin ang napala ko. Walang naniniwala sa akin. Hindi ko alam kung paano nagkapalit ang soul naming ni Miss Elena pero sinisiguro kong wala akong ginawa. Oo nga't pangarap ko—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong putulin ni Winter.

"Wait, did you just say your soul was switched or something?" hindi makapaniwalang tanong ni Winter. "Are you high?"

"Nasa sayo na kung maniniwala ka o hindi pero lahat ng sinasabi ko ngayon ay totoo. Ayoko ng magpanggap. Pagod na pagod na ako," malungkot kong sagot

"How did you know that, well, you switched bodies—oh it's not that I believe you or anything!" protesta naman agad ni Winter

"Hindi mangyayari 'to kung hindi din ginusto ni Miss Elena. Mahilig ako magbasa nung bata pa ako, at nabasa ko ang tungkol sa pagpapalit ng katawan sa isang lumang libro," ani ko.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Winter, "Excuse me? What are you trying to imply?"

"Hindi ko alam, tanging si Miss Elena lamang ang makakasagot sa katanungan mo ukol sa kanya," bigo kong sagot. Wala naman kasi talaga akong alam. Ano ba ang isasagot ko sa kanya?

"And, where is that book now?"

"Nasa dati kong tirahan pero hindi ko alam kung naroon pa iyon. Isa pa, hindi ko alam kung itinapon na ba ni Papa ang mga gamit ko noong pinalayas niya ako," sagot ko.

"How did you get that book?"

"Libro daw iyon na gawa ng aking Mama," sambit ko. Napansin ko ang panlalaki ng mata ni Winter na nagpakunot ng aking noo. Ano na naman kaya naiisip niya?

"Wait, don't tell me you are some kind of witch?!" bakas sa kanyang tinig ang poanghuhusga.

Agad-agad akong umiling. Sa pagkakaalam ko ay mahilig lamang magsulat si Mama ng mga kwento simula noong bata pa siya at ang librong iyon ay isa lamang kathang isip, nakakagulat at maaari palang mangyari 'yon.

"Where is your Mom?" sunod naman na tanong niya. Pakiramdam ko tuloy ay na sa isang interrogation ako.

"Namatay siya noong ipinanganak niya ako," malungkot kong saad. Ni hindi ko man lang siya nakita, sana man lang ay nakilala ko ang aking Mama.

Bigla namang natahimik si Winter. Magsasalita pa sana siya ng bigla nalang may pumasok sa kwarto.

"What's with the gloomy aura here? Why so serious? What's the meeting about?" Sunod-sunod na tanong ni Misty.

"MISTY! Where have you been? Grandma was searching for you!" agad naman niyang itinulak si Misty palabas. "We'll talk about this another time."

"Tungkol kay May... Sasabihin ko na sa kanya," pagpapaalam ko.

Napatigil naman si Winter sa paglalakad. At lumingon sa akin.

"What? What? What is the meaning of this?" magiliw na tanong ni Misty

"Do you think she will believe you?" tanong ni Winter.

Nagkibit balikat lamang ako, "Hindi ko alam pero gusto kong itama ang mga nagawa kong mali."

"I don't know about them but you're naïve. Don't get your hopes up thinking everyone is like me who believed I mean listened to your gibberish talks. In others eyes, I'm just a 12-year-old brat," ani ni Winter sabay yakap sa kanyang manika.

"Wooh. So you finally admitted that you are just a brat," manghang komento ni Misty.

"NO, I AM NOT! We better hurry, Grandma is certainly mad at you," namumulang sambit ni Winter.

Mapang-asar na inilabas ni Misty ang kanyang dila at napansin kong may bago na naman siyang piercing dito, "It just came out in your own mouth, brat."

"That was, ugh! Shut up!" Padabog na lumabas si Winter at sinundan naman siya ni Misty na tumatawa.

Hindi ko akalaing maniniwala sa akin si Winter at hindi ko akalaing nadiskobre niya iyon mag-isa. Kakaiba talaga ang mga Perez. Agad kong kinuha ang aking cellphone at denial ang number niya. Agad kong naibaba ang cellphone ko ng biglang pumasak si Ma'am Diane

"Be at my office within 30 minutes," matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin na nagpatindig sa aking balahibo.

Tumango na lamang ako bilang sagot. Kailangan ko ng lakas, kailangan kong gumalaw. At ngayon na ang simula noon. Takot man ako kay Ma'am Diane at hindi ko siya kayang kalabanin. Galit man si Luke sa akin ngayon. Gagawin ko ang makakaya ko para maging Elena Perez sa ngayon at aayusin ko ang gulong napasukan ko. Hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin Miss Elena pero gagawin ko ang tama.

Crossover | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon