Elena's POV (May)
Nagising ako ng marinig kong tumutunog ang phone ko. Tiningnan ko at eksaktong ala singko ng umaga na. Agad ko itong sinagot a
"Good morning, love. Did you have a good sleep?"
Araw-araw eksaktong 5 A.M ay laging tumatawag si Luke. Magtatanong kung kamusta ang tulog ko, sasabihin kung gaano niya kamahal si Elena at ipapaalala na kumain ako bago magtrabaho. Napaka sweet at caring ni Luke, hindi siya nagsasawang ipaalala at ipakita kung gaano niya kamahal si Elena na ngayon ay ako. Muli kong naalala ang eksena na naabutan ko kahapon. Parang piniga ang puso ko at isang butil ng luha na naman ang pumatak sa aking mga mata.
"Pwede ba tayo magkita mamayang tanghali Luke?" Tanong ko
Naging tahimik ang kabilang linya. Siguro'y nagulat sya sa aking tanong dahil sa tuwing tumatawag sya ay lagi kong sinasagot ang mga tanong niya.
"Did I do something wrong?"
"Hindi, wala naman, gusto lang talaga kitang makita at makausap," simpleng sagot ko
Gusto kong pag-usapan namin ang sitwasyon na ito. Ayokong gabi-gabi siyang umiiyak at sa tuwing kasama nya ako ay parati syang nakangiti na parang walang problema. Mas masakit para sa akin na makita syang nagkakaganito. Alam kong napaka gulo ko. Isang minuto gusto kong ipagpatuloy ang pagiging Elena ko pero sa susunod na minuto naman ay nakokonsensya ako at gusto kong mabalik sa dati ang lahat.
Pero masisisi mo ba ako kung tuwing magkasama tayo ay iba ang kislap ng iyong mga mata sa tuwing nakikita mo si May noon. You look at her the way I want you to look at me. Masakit para sa akin yun. Gusto kong lumaban pero simula pa lang ay talo na ako. Napabuntong hininga na lamang ako bago napagdesisyonan na magbihis para magtrabaho.
"Miss Elena, tumawag ang mga Lee at nagtatanong tungkol sa mga equipment na inorder natin" salubong sa akin ng sekretarya ko
Tumango na lamang ako at umupo sa aking lamesa. Nagsimula na akong magtrabaho, ilang oras na ako pero dj pa rin ako tapos sa mga papeles na pinipirmahan ko, halos malula na ako sa dami ng mga pipirmahan ko. Nakarinig ako ng katok at bumungad sa akin si Luke na may dalang bulaklak at take out na pagkain galing sa paborito kong restaurant
"I've figured that you lost track of time again, it's already 1:30 love," nakangiti nyang bungad.
"Kumain muna tayo," sagot ko.
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa amin pagkatapos naming kumain.
"Luke." "Elena." sabay naming sambit.
"Mauna ka na." "You go first," sabay na nama naming wika
Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Hindi ito gagana, Luke."
"What do you mean by that, Love?" Nagtatakang tanong nya
Namumuo muli ang mga luha sa aking mga mata pero pinigilan ko ito. Pagod na akong maging mahina. Gusto kong panindigan ag desisyon ko ano mang sabihin ni Elena o ni Luke. Gusto kong ayusin ang gulong pinasok ko
"Kahit anong pilit natin ay di natin matuturuan ang puso kung sino ang mamahalin. Naiintindihan ko na, na kahit anong gawin ko ay di mo kayang suklian ang pagmamahal ko sayo"
Mahigpit na hinawakan ni Luke ang kamay ko. Nakikita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.
"Gusto kong itama ang lahat. Gusto kong masuklian ang lahat ng nagawa ni Elena para sa akin." Pagpapatuloy ko
Umiwas ng tingin si Luke. Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay nya. Ito na ata ang huling pagkakataon na mramdaman ko ang pagmamahal ng isang Luke Javier, dahil sa susunod na mga araw ay magiging totoo na ako sa sarili ko. Hindi ko na ipipilit ang bagay na kailanman ay di mapapasaakin
"There's no use, I have already promised her that I would love you. I would try loving you since in reality, in people's eyes, you are Elena. The Elena Perez that I love so much."
"Importante pa ba ang opinyon ng iba? Taposin na natin ang pagpapanggap. Pareho lang tayong nasasaktan" pagsusumamo ko
Hindi siya tumingin sa akin at biglang tumayo
"You don't have to worry, I know that I will soon learn to love the new Elena in front of me, the present Elena. This pretense will become real. Not now but I know it will happen"
"Paano ka nakakasiguro Luke? Alam kong gabi-gabi kang umiiyak dahil sa akin, dahil sa sitwasyon natin, dahil alam kong sya talaga ang gusto mong makasama"
Napaka sakit isipin ang mga katagang lumabas sa aking bibig. Gusto kong bawiin, gusto kong akin lang si Luke, gusto kong umasa na balang araw ay mamahalin nya ako. Isang malungkot na ngiti ang ibinigay nya sa akin
"You know, you're not difficult to love. You're a sweet, gentle woman who deserves to be protected. That is why I want to believe that one day I will come to love you, probably not as much as I love the Elena I fell in love with, but I will learn to love you."
"Bakit sumusuko ka na? Ayaw mo na bang ipaglaban ang babaeng mahal mo? Paano kung pwede pala? Talaga bang masaya ka sa sitwasyon na to? At Luke, mali ka. Hindi ako madaling mahalin. Kung totoo ang sinasabi mo sana di ako iniwan ng mga lalaking minsan ko na rin mahalin"
Kasi ako, masaya ako. Masaya ako dahil kapiling kita pero hindi maikukumpara ang kaligayahan na nararamdaman ko sa sakit na makita kang nasasaktan at umiiyak. Sa dinami rami ng lalaki sa mundong ito. Ikaw lang ang nagpakita sa akin na pwede din akong mahalin pero mali pala ako, hindi ako ang mahal mo kundi ang totoong nagmamay-ari ng katawang ito. Nang-agaw lang ako
"It's difficult to believe that someone loves you if you don't love yourself. But believe me, you might not be aware of it but someone loves you. And I'm willing to show you that you are lovable, I'm willing to be by your side until you learn to love yourself"
Napaluha ako sa sagot ni Luke. Kung sana hindi tayo sa ganitong sitwasyon, kung sana walang nagmamay-ari sa puso mo, kung sana lang, pwede pa sana tayo. Napaka swerte talaga ni Elena sa'yo, kaya mong isakripisyo ang sarili mo para lang matupad ang hiling ng mahal mo. Buong buhay ko lagi ako naghahanap ng magmamahal sa akin, siguro ay tama si Luke.
Siguro minahal naman talaga ako ng mga naging nobyo ko pero baka napagod lang silang paulit ulit na sabihin na mahal nila ako at sa paulit ulit na pagakuquestion ko sa pagmamahal nila. Paano ako mamahalin ng ibang tao kung di ko naman kayang mahalin ang sarili ko?
"Bakit kailangan sayo pa manggaling ang mga katagang matagal ko ng gusto marinig Luke? Lalo mo ako pinapahirapang pakawalan ka. Lalong nahuhulog ang loob ko sa iyo."
Lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa iyo. At alam kong hindi mo naman ako kayang salohin. Mahal kita pero kailangan kitang pakawalan
BINABASA MO ANG
Crossover | ✓
ChickLitFollowing a traffic accident, two women find themselves deeply entwined in each other's polar opposite lives. May Gonzales, fed up with her endless string of failed relationships, wakes up convinced she's someone else. Meanwhile, Elena Perez, younge...