Kelly POV
Ilang araw ko ng iniiwasan at hindi kinakausap si Phoenix, umiinit talaga ang ulo ko sa kanya dahil nakita ko silang magkasama ni Ellyse ng isang araw at wala man lang siyang binabanggit sa akin. Alam kung isa sa mga investors nila ang mga magulang nito pero ang hindi ko maintindihan kung bakit silang magkasama na dalawa at talaga tinago pa sa akin ng gagong 'yon.
Mayamaya pa ay pumasok sa opisina ko ang isa empleyado ko. "Ma'am nandito po si Sir Phoenix hinahanap kayo." saad niya sa akin.
"Sabihin mo wala ako dito at hindi pumasok." anas ko.
"Talaga?" nagulat ako ng biglang sumulpot sa kanyang harapan si Phoenix, Bwisit naman oh. Ayaw ko nga siyang makita eh,
"Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo." utos ko naman sa empleyado ko kaya umalis na ito. Inilock ni Phoenix sa ng pinto ng opisina ko at naglakad palapit sa akin.
"So why are you avoiding me?" seryosong tanong nito sa akin.
"I'm not." mabilis na sagot ko sa kanya.
"Really? Eh ano ang narinig kung inuutos mo sa empleyado mo?"
Napalunok naman ako dahil seryoso ang titig niya sa akin. "P-phoenix," pagtawag ko sa kanyang pangalan.
"Now tell me Kelly, bakit mo ako iniiwasan at bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" bakas sa kanyang boses ang galit.
Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa sinabi sa tanong niya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya o kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"Ano wala kang planong sagutin ang tanong ko?" pag ulit niya.
Tiningnan ko naman siya ng diretso. "Why were you with Ellyse last time?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko naman ang pag awang ng kanyang labi. "How did you know about it?"
"So kailangan bang hindi ko malaman na nagkikita kayo? Gano'n ba ang gusto mong iparating sa akin?" saad ko.
"No, hindi gano'n 'yon. Nagkita lang kami ng araw na 'yon at niyaya niya akong lumabas pero saglit lang 'yon."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit kailangan mong itago?" pagtatanong ko pa.
"Wala naman akong planong itago sayo ang bagay na 'yan, nawala na din kasi sa isip ko kasi hindi naman na importante 'yon."
"So okay lang na iba ang isipan ko sa nakita ko dahil hindi ka nagpaliwanag?" anas ko.
Mabilis niya naman hinawakan ang mga kamay ko. "Baby don't think negatively. Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko. Katatapos lang kasi ng meeting naman no'n at siya ang umattend kasi wala ang parents niya. I don't want to be rude towards her."
"Edi sana sinabi mo na lang sa akin!" inis na turan ko.
"I'm sorry, huwag ka ng magalit. Hindi ko naman sadya na itago sayo. At huwag kang mag alala dahil wala akong balak na patulan siya."
Bumuntong hininga naman ako. Kay Phoenix may tiwala ako pero sa babaeng 'yon ay wala dahil halata naman na may gusto siya sa lalaking 'to.
"Ikaw hindi papatol sa kanya pero siya halata naman na may gusto siya sayo. Baka naman kapag nilandi ka no'n ay bigla kang bumigay." wika ko.
Tumawa naman siya na ikinataas ng kilay ko. "Kung dati siguro oo pero simula ng makilala kita at naging tayo ay wala na akong pakialam sa ibang babae."
"Ewan ko sayo." sambit ko.
Hinalikan niya naman ako sa pisngi. "I'm sorry okay? Huwag ka ng magalit, hindi na mauulit."
At dahil mahal ko ang lalaking 'to ay pinatawad ko na. Ako naman kasi talaga ang may kasalanan dahil hindi ko siya kinausap man lang, mas pinili ko agad ang umiwas.
"So?"
"So, what?" pinandilan ko naman siya ng mata.
"Sorry na nga, promise magsasabi na ako sayo sa susunod.
"Siguraduhin mo lang Anderson, isusumbong talaga kita sa parents mo." pananakot.
Nanlaki naman ang kanyang mga mata. "What? Ako ang anak nila."
"Pero mas mahal nila ako kaysa sayo." saad ko.
"Whatever." natawa naman ako sa naging reaksyon niya.
Tinapos ko lang ang gawain ko at saka sabay na kaming umalis ni Phoenix sa restaurant dahil mag didinner pa kami sa labas.
Nang makasakay na kami sa kanyang kotse ay may inabot siya sa akin na bulaklak, tiningnan ko naman siya na animo'y nagtatanong. "Bili ko 'yan kanina bago ako magpunta dito." saad niya.
"Ah peace offering?" tanong ko.
"Sort of, alam ko naman na paborito mo 'yang bulaklak na 'yan at isa pa gusto talaga kitang makausap. Ilang araw na kayang malamig ang gabi ko.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi kasi ako pumunta sa condo niya simula ng iniiwasan ko siya at kapag pumunta naman siya sa bahay ay sinasabi ng katulong na wala ako do'n kahit pa nasa kwarto lang ako.
Nakarating kami sa isang restaurant, unang bumaba si Phoenix at saka pinagbuksan niya ako ng pinto. He's really a gentleman. Iniwan ko na lang sa kotse ang bulaklak na binigay niya para hindi na ako magbitbit pa. Nang makapasok kami sa loob ay nakasunod lang ako sa kasama ko at mukhang may reservation na siya dito.
"Ang ganda dito." hindi mapigilang bulalas ko.
"I'm happy that you like it."
"Hindi halatang pinaghandaan mo ah." natatawang sambit.
"Plano talaga kitang yayain pagtapos nating mag usap.
"Paano pala kung hindi tayo naging okay, edi sayang effort mo." anas ko.
Inirapan niya naman ako. "Sa tingin mo papayag akong takasan mo lang ako ng takasan?"
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya hanggang sa dumating na ang pagkain at nagsimula na kaming kumain, hindi ko maiwasan ang hindi mapatitig sa kanyang mukha. Hindi ko akalain na dahil lang sa one night stand ay mapupunta kami sa ganitong sitwasyon. Ni hindi nga ako naniniwala ng sinabi niyang manliligaw siya dahil alam ko naman na maraming babae ang nagkakagusto sa kanya at kilala ko din siya bilang womanizer, pero sa ilang buwan naman na pagiging magkarelasyon namin ay napatunayan kung seryoso siya.
"Tapos ka na bang titigan ako?" napabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses niya, hindi ko man lang napansin na nakatingin na pala ito sa akin.
"Ang hangin mo naman!" asik ko.
"Hindi ko alam na ako pala ang gusto mong pagkain, kung sana ayaw mo naman kumain sinabi mo na sa akin ng maaga pa para maiuwi na lang kita." pang aasar niya.
"Oh shut up Phoenix! Kumain ka na nga lang." saad ko.
Nakita ko naman ang pagtawa niya kaya mas lalo ko lang siyang inirapan. Nang bigla naman siyang tumayo at inilahad ang kanyang kamay sa akin. "Can I dance to a gorgeous woman in front of me?" tanong niya.
"Masyado ka naman bolero." saad ko ay tinanggap 'yon.
Sinabayan lang namin ang tugtog na animo'y kaming dalawa lang ang tao sa lugar na 'yon. I feel so safe kapag kasama ko ang lalaking 'to. I didn't expect na magiging masaya ako ng ganito.
"I love you, Kelly." mahing bulong niya sa akin.
"I love you too, Phoenix." sagot ko naman sa kanya at hinalikan siya sa labi.

BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomanceSi Kelly ay namamahala sa restaurant na pag mamay ari nila. She has everything in life, mayroon siyang mapagmahal at supportive na mga magulang. Halos matatawag na isang perpekto ang kanyang buhay, walang inaalalang problema hanggang sa makilala niy...