Zion POV
Nandito kami ngayon ni Kelly sa Anderson Company dahil may mga inayos kami, kanina ko pa napapansin na parang wala siya sa kanyang sarili. Dalawa pa lang kami ang nandito ngayon dahil wala pa si Phoenix at David, mukhang napaaga kami sa pagpunta.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin. "Okay lang ako, medyo kulang lang sa tulog. Bakit?"
"Kanina ka pa kasi tulala, mukhang malalim ang iniisip mo. Hindi ko tuloy alam kung dahil ba kay Phoenix o sa anak niyo." saad ko.
"Huwag mo nga banggitin ang bagay na 'yan dito baka may makarinig sayo." suway niya sa akin at tumawa na lang ako.
"At para sa tanong mo oo 'yon ang iniisip ko at hindi 'yang kaibigan mo."
"Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya.
Ikwenento niya naman sa akin ang naging usapan nila ni Matt, hindi na ako nagtaka sa bagay na 'yon dahil inaasahan ko na na mangyayari din naman 'yan dahil walang anak ang hindi maghahanap sa kanyang ama.
"So you mean gusto niyang makilala ang ama niya?"
Tumango naman siya. "Kahit hindi niya daw malapitan o makausap ay ayos lang sa kanya. Gusto niya lang daw makita ito kahit sa malayo."
Nakaramdam naman ako ng awa para sa anak nila, alam kung hindi niya deserve ang bagay na 'yon pero ayaw ko naman na panghimasukan ang desisyon ni Kelly.
"So anong plano mo?" tanong ko sa kanya.
"Gusto ko siyang pagbigyan kahit sa malayo lang ay masilayan niya ang kanyang ama, kahit man lang 'yon ay maibigay ko sa anak ko. Alam kung selfish ako dahil sa hindi pagsabi kay Phoenix ng totoo pero hindi ko pa talaga kaya."
Hinawakan ko naman ang braso niya. "Don't think that way Devone, alam ko naman na kapakanan lang ni Matt ang iniisip mo. No one can question your decisions dahil ina ka at ayaw mo lang masaktan ang anak mo. Hindi naman minamadali ang lahat ng bagay at alam ko na darating din ang araw na magiging handa ka." saad ko.
"Sana nga, ayaw ko naman na ipagkait kay Matt ang kanyang ama. Kami ni Phoenix ang may problema at ayaw kung idamay ang anak ko."
"Kung ano man ang desisyon mo ay lagi mong tatandaan na nandito lang ako nakasuporta sa inyong dalawa. Alam kung malaki ang pagkukulang ng kaibigan ko sa inyong mag ina at sigurado ako na matutuwa siya kapag nalaman niya ang totoo." wika ko.
Ngumiti naman siya. "Hindi naman na ako nag eexpect na maging maayos pa kami ng kaibigan mo, kilalanin niya lang si Matt bilang anak niya ay ayos na ako do'n at wala na akong hihilingin pa na iba."
"Pero paano kung mahal ka pa rin niya?" tanong ko.
Hindi agad siya nakasagott at wari'y nag iisip pa. "Sa ngayon ay wala sa isip ko ang bagay na 'yan siguro dahil nandito pa din ang sakit kahit na ilang taon na ang lumipas."
Lumapit pa ako sa kanya konti at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ko. "You're a brave woman Kelly at alam kung makakaya mong lampasan ang pagsubok na ito. Nakaya mo nga na buhayin si Matt ng ikaw lang eh." anas ko.
"Salamat Zi."
"Saan naman?" tanong ko.
"Sa hindi pagsabi sa kanya ng totoo, alam kung hindi madali sayo 'yon dahil matalik mo siyang kaibigan."
"Hindi mo kailangan mag thank you sa akin, ginawa ko to para tulungan ka at isa pa para naman magdusa din si Phoenix. Atlis maranasan niyang mataguan ng anak." natatawang saad ko kaya hinampas niya naman ako. Nasa gano'n na pwesto kami ng bumukas ang pinto at pumasok si Phoenix kasunod nito si David.
"Baka nakakalimutan niyong opisina ito." malamig na saad ni Phoenix kaya napaayos ako ng upo at gano'n din ang ginawa ni Kelly.
"Ang aga aga sobrang sweet niyo naman, wala ba talagang namamagitan sa inyo?" tanong ni David ng nakangisi.
"Gago ka ba? Manahimik ka diyan." singhal ko sa kanya.
"Nagtatanong lang naman ako ah, single naman si Kelly at ikaw din." saad pa nito.
"Shut the fuck up David at umupo ka na!" malakas na sigaw ni Phoenix na nagpatahimik sa amin.
"Kalma dude, selos ka naman agad." pang aalaska pa ni David.
Nagsimula na kaming pag usapan ang tungkol sa business pero masama pa din ang tingin sa akin ng kaibigan ko, sigurado akong pinapatay na ako nito sa kanyang isipan. Wala naman akong balak na agawin sa kanya si Kelly, mahal ko pa ang buhay ko at ayaw ko pang mamatay, pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya na may anak sila.
Halos dalawang oras din bago natapos ang meeting. Inayos ko na ang mga papeles na kailangan pirmahan.
"Kelly sabay na tayo?" tanong ko sa katabi ko.
"Maiiwan siya dito." singit ni Phoenix.
"What? Tapos naman na ang meeting ah!" agarang wika ni Kelly.
"May kailangan pa akong idiscuss sayo." sagot naman nito kaya hindi ko mapigilan ang hindi matawa.
"Ano naman 'yon? Pwede naman sabihin mo na ngayon! Ang dami mo pang arte." Kelly said pero hindi pinansin ng kaibigan ko ang sinabi niya.
"Pwede na kayong lumabas na dalawa." saad nito sa amin.
"Gusto lang naman pala masolo ang dami pang sinasabi." pang aasar ni David.
"Ano ka ba pre, may ididiscuss nga kasi." segunda ko naman.
"Pwede ba lumayas na kayo na harap ko!" sigaw ni Phoenix kaya mabilis kaming napapunta sa pinto.
"Dapat pure business ang pag usapan ha at hindi iba." saad ko.
"Ipapaalala ko lang din na ilock ang pinto baka kasi may biglang pumasok, alam mo na pre mahirap ang mabitin." gatong naman ni David kaya binato kami ni Phoenix ng ballpen.
"Sa tingin mo ano kaya ang pag uusapan ng dalawang 'yon?" tanong ko kay David ng makalabas kami.
"Kailan ka pa naging chismoso? Hayaan mo sila, parang hindi mo naman kilala ang kaibigan natin. Gusto lang no'n makausap si Kelly." sagot naman nito.
"Ano ba plano ni Phoenix?" tanong ko.
"Edi ano pa? Ang manuyo. Mahal na mahal no'n si Kelly simula noon hanggang ngayon, kaya gagawin niya ang lahat para bumalik lang ito sa kanya."
"Sigurado ba siyang mahal pa siya ni Kelly, baka nga ayaw na no'n bumalik sa kanya." saad ko.
"Alam mo ang nega mo! Kaibigan tayo ni Phoenix kaya dapat suportahan natin siya hindi 'yong parang ayaw mo silang magkaayos. Siguro may gusto ka kay Kelly 'no?"
"Ulol! Never akong nagkagusto sa kanya, kaibigan lang talaga ang turing ko kay Kelly at hanggang do'n na lang 'yon. Masyado ko pang mahal ang buhay ko." wika ko.
"Mabuti naman alam mo."
Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa opisina ni Phoenix, wala naman talaga akong plano mang agaw lalo na kung alam kung pag mamay ari na ng kaibigan ko lalo na't may anak pa. Inaamin ko maganda at mabait si Kelly pero hindi ako ngkagusto sa kanya kahit ng hindi ko pa alam na may koneksyon sila ni Phoenix, parang kapatid ko lang talaga siya.

BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomansaSi Kelly ay namamahala sa restaurant na pag mamay ari nila. She has everything in life, mayroon siyang mapagmahal at supportive na mga magulang. Halos matatawag na isang perpekto ang kanyang buhay, walang inaalalang problema hanggang sa makilala niy...