Chapter 16

293 14 0
                                    

Phoenix POV

Buwan na ang lumipas simula ng umalis si Kelly, nagising na lang ako ng wala na siya, sinubukan ko siyang hanapin pero walang bakas kung nasaan siya kahit mga kaibigan niya ay walang alam. Ilang beses na din ako nagpunta sa kanilang restaurant pero ang sabi sa akin ng empleyado nila ay matagal na 'tong hindi nagpapakita. Kung alam ko lang na mawawala siya sa akin ng gabing 'yon ay sana hindi na lang ako natulog.

Simula ng mawala siya sa buhay ko ay malimit na din akong pumasok sa kompanya, pakiramdam ko ay nawalan ako ng buhay dahil wala na siya sa tabi ko, sa tuwing nasa opisina ako ay hindi nawawaglit sa isip ko si Kelly, ni kahit sa airport ay sinubukan ni David itanong pero walang 'tong record na umalis.

Katatapos lang ng board meeting kaya agad akong dumiretso sa opisina ko. Hindi ko maiwasan magbukas ng social media para tingnan ang mga litrato namin ni Kelly ng mga panahon na magkasama pakami, sobrang na mimiss ko na siya.

Narinig kung bumukas ang pinto pero hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin.

"What's wrong wit you, Phoenix? Bakit mo pinull out ang investment?" balewalang tiningnan ko ang nagsabi no'n.

"Ano ngayon? That's my money, that's my share, so I can do whatever I want," seryosong anas ko.

"You're being unprofessional here, huwag mong idamay ang trabaho sa pansarili mong interest!"

Napangisi naman ako. "Coming from you, Ellyse? Hindi ka ba kinikilabutan sa sinabi mo? Professional ba ang tawag mo sa ginamit mo ang pagiging magkasosyo namin ng mga magulang mo para lang manira ng relasyon? Do you think your professional with that?"

Nakita ko naman ang sunod sunod na paglunok nito. "H-hindi mo dapat idamay ang mga magulang ko dito,"

"I am not, nagbago lang talaga ang isip ko at ayaw ko ng mag invest sa inyo. Ni ayaw ko na nga magkaroon pa ng koneksyon sa inyo," madiin na wika ko.

"You can't do this Phoenix! Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko! Is it because of what happened? Ginusto mo din naman mangyari ang bagay na 'yon!"

Nahampas ko naman ang mesa na nasa harap ko dahil sa sinabi niya, pilit kung kinakalma ang sarili ko pero pinaalala niya na naman ang nangyari. "Sa tingin mo may pakialam ako sa iisipin nila? Wala! Hindi ko sila ka ano ano kaya wala akong obligasyon sa kanila. Kahit anong sabihin mo ay walang magbabago sa desisyon ko. At anong nangyari ang sinasabi mo? Nahihibang ka na ba?" natatawang sambit ko.

"Ang dali mo naman yata makalimot? We had sex Phoenix! Huwag mo akong sisihin dahil hindi lang naman ako ang may gusto sa nangyari dahil wala naman gano'n kung hindi mo din gusto!"

"Oh really? Akala mo ba maloloko mo ako? Mukhang nakakalimutan mo kung sino ako, Elysse? " panunuya ko sa kanya.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Paano kung mabuntis ako? You didn't use protection!"

Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. "Paano ka mabubuntis kung wala naman may nangyari sa atin? Maniniwala pa akong mabubuntis ka kung sa iba ka nagpagalaw o baka naman gawin mo talaga 'yon at ipaako sa akin ang bata, ganyan ka naman ka desperada diba?" bulong ko sa kanya.

Tinulak niya naman ako ng malakas."How could you!" duro  nito sa akin.

"Sa tingin mo ba kapag nabuntis ka eh mamahalin kita? Stop assuming things, baka naman kailangan mo ng magpatingin sa doctor? Don't try me, Elysse, hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin sa mga taong sinungaling at mahilig gumawa ng kwento. " anas ko.

"W-what are you saying?"

"Hindi ako tanga kung inaakala mong mabibilog mo ang utak ko, walang may nangyari sa atin Elysse, you framed up me! Alam kung may nilagay kang gamot sa juice na pinainom mo sa akin at ikaw din ang tumawag kay Kelly para pumunta sa condo mo," pilit kung kinokontrol ang sarili ko na hindi siya masaktan.

Bigla naman siyang tumawa. "Paano mo nasabi ang bagay na 'yan kung wala ka naman malay? Com'on Phoenix tanggapin mo na lang ang totoo na hindi ka talaga naging loyal kay Kelly kahit na mahal mo pa siya."

"Papanindigan mo talaga 'yang kasinungalingan mo 'no? Kagaya ng sabi ko sayo huwag ako ang kalabanin mo, kung gusto mo magkita pa tayo sa korte para malaman kung sino ang sinungaling sa ating dalawa. Kung si Kelly nga hindi ko nabubuntis na nakakasama ko palagi ikaw pa kaya?" naglakad pa ako palapit sa kanya at kita ko ang paglunok niya. "Kung sa tingin mo ay hahayaan ko na lang ang ginawa mo ay nagkakamali ka. Hindi pa ako tapos at sisiguraduhin kung pagsisisihan mo ang pagsira mo sa relasyon namin ni Kelly." galit na wika ko.

"Hindi na siya babalik sayo Phoenix, pagkatapos ng nakita niya sa tingin mo ba maniniwala pa siya sayo?"

"I can do everything to win her back at all cost Elysse, kahit pa lumuhod at magmakaawa ako sa kanya ay gagawin ko. How about you? Kaya mo bang mamuhay ng mahirap?" at dahil sa sinabi kung 'yon ay napaawang ang kanyang bibig, mukhang naintindihan niya ang sinasabi ko kaya mabilis siyang nagmartsa palabas ng opisina ko.

Nang makaalis si Elysse ay siya namang pagpasok ni David. "Buti hindi mo siya sinaktan," saad nito.

"Kung pwede lang ay ginawa ko na, nagtitimpi lang talaga ako sa babaeng 'yon dahil ayaw kung manakit," sagot ko naman sa kanya.

"Mukhang hindi pa alam ng mga magulang ni Elysse ang ginawa niya."

"How cam you say that?" tanong ko.

"Tumawag sa akin ang ama niya kanina at nagtatanong sa naging desisyon mo, sinabi ko na lang sa kanila na tanungin nila ang anak nila."

"Kahit anong gawin nila ay hindi ko babawiin ang desisyon ko, siguraduhin mong wala silang makukuhang investors. Kasalanan ng anak nila kaya kasama sila sa magdusa." seryosong sambit ko.

"Ang hirap mo talagang galitin. Maiba ako, may balita ka na ba kay Kelly?"

Umiling naman ako. "I already hired a private investigator to do the job," saad ko.

"Ang hirap talagang hanapin ng taong ayaw magpakita, ilang beses ko na din tinanong ang fiance ko pero mukhang wala talaga siyang alam. Nagulat nga daw siya ng magtanong ka sa kanya,"

"I know that, siguro ay hindi siya nagsabi kanila Kylline at Maria dahil alam niyang magtatanong ako sa dalawang 'yon." anas ko at saka umupo ulit.

"Masyado kasing patay na patay sayo si Elysse kaya gano'n na lang ka desperada, akala niya makukuha ka niya kapag nawala si Kelly. Gago ka din kasi at nagpapaniwala ka do'n,"

"Hindi ko naman kasi alam na kaya niyang gawin ang bagay na 'yon, mabuti na lang at walang nangyari sa amin. Mas malaki ang pag asa ko na magkaayos kami ni Kelly kapag nasabi ko na sa kanya lahat," napasandal na lang ako sa aking inuupuan, kung sana hinintay lang niya ako magpaliwanag ay sana hindi kami aabot sa ganito.

"Ang dami mong kasalanan sa kanya, una hindi mo sinabi na kasama mo si Elysse, pangalawa hindi mo siya nasundo at pangatlo 'yong nakita niya sa condo kaya alam kung hindi madali ang usapan na ganyan."

"I know at handa ako sa bagay na 'yan. Hindi ako papayag na mawala siya sa akin." saad ko.

"Iba talaga nagagawa ng pag ibig, akalain mo 'yon naka one night stand mo lang siya pero minahal mo."

Binatukan ko naman siya. "Puro kamanyakan ang nasa isip mo!" singhal ko sa kanya.

"Kung makapagsalita ka akala mo naman hindi totoo, eh inaraw araw mo na nga yang pag exercise ng alaga mo kay Kelly."

Umiling na lang ako dahil sa sinabi niya, hindi ko alam kung kailan nangyari na minahal ko si Kelly dahil wala sa isip ko ang magseryoso ng babae, pero ng makilala ko siya daig pang nagayuma ako. Ibang iba siya sa mga babaeng naikama ko at hindi ko inakala na mamahali ko siya ng ganito.

One Hot NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon