Kelly POV
Hanggang sa natapos ang meeting ay wala akong masyadong naiintindihan sa pinag uusapan dahil kanina pa ako hindi mapakali, halos gusto na akong sakmalin ni Phoenix gamit lang ang titig niya, hindi dapat ako makaramdam ng ganito dahil apat na taon na ang lumipas.
"Are you listening Ms. Villegas?" nagulat ako ng bigla niya akong tanungin.
"Mukhang may iniisip si Kelly kaya wala sa meeting niya ang focus." natatawang saad ni David, tangina! Kung hindi lang ito asawa ng kaibigan ko ay masasapak ko ito.
"Next time if hindi ka interesado sa meeting ay huwag kang aattend kaysa naman may representative nga ang mga magulang mo still it's useless kung hindi ka naman nakikinig." anas nito.
"Nakikinig ako Phoenix!" singhal ko sa kanya pero ngumisi lang ito.
"Kalmahan mo lang bro, mukhang pagod lang yata si Devon." singit naman ni Zion kaya kinurot ko ito sa nagiliran.
"That's all for today, meeting adjourned!" wika ni Phoenix kaya agad ko naman inayos ang mga gamit ko habang ang ibang kasama namin ay nauna ng lumabas at si David naman ay mabilis na hinila si Zion.
Akmang lalabas na ako ng harangan ni Phoenix ang pinto. "W-what do you want?" tanong ko sa kanya.
"We need to talk."
"Tapos na ang meeting right? At wala akong natatandaan na may dapat pa tayong pag usapan." sambit ko.
"Really? Hindi ka man lang mag eexplain sa akin sa biglaang pag alis mo ng walang pasabi?"
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Why would I do that? I don't need to explain myself to a cheater like you!" matapang na untag ko.
Mabilis niya naman ako hinila at sinandal sa pader. "Hanggang ngayon 'yan pa rin talaga ang iniisip mo? I never cheated on you!"
"Kwento mo sa pagong!" pamimilosopo ko sa kanya.
"Kinakausap kita ng maayos, Kelly."
"Sa tingin ko gusto kitang makausap? Hindi! Kaya pwede ba paalisin mo na ako dahil marami pa akong gagawin. At kahit anong sabihin mo sa akin ay hinding hindi na ako maniniwala sayo, tapos na akong magpakatanga at hindi na mauulit 'yon!" madiin na wika ko.
"You've changed a lot,"
"People change, you know." saad ko.
"Halata nga, pero sa tingin mo ba hahayaan kita."
"Anong sinasabi mo?" tanong ko, bakit kasi ang lapit niya sa akin. Bwisit!
"Babawiin ko lang kung ano ang pagmamay ari ko Kelly at ikaw 'yon."
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "At sinong may sabi sayo na gusto ko pang bumalik? Matagal na tayong tapos Phoenix simula pa ng niloko mo ako. Oh ano bang nangyari sa babaeng pinalit mo sa akin? Nagsawa ka din sa kanya kaya ngayon gumaganyan ka sa akin?"
"Shut up! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong babae!" bakas sa kanyang boses na naiinis na siya.
"And you think I will believe in you? Dream on! Hindi na ako magpapaloko pa, nakita ko na ang dapat kung makita." anas ko.
"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo! Hindi ka kasi marunong makinig! Hindi mo ako hinayaan na magpaliwanag!"
"So kasalanan ko pa ngayon? Anong gusto mong isipan ko na naglaro lang kayo ng jack en poy ng nakahubad? Ang galing naman kung gano'n!" panunuya ko.
"Stop being bitchy Kelly!"
"Ang leave me alone Mr. Anderson!" balik sigaw ko sa kanya.
"I will never do that!"
"It's up to you! Wala naman din akong pakialam, papagurin mo lang ang sarili mo dahil kahit anong gawin mo ay hindi na ako babalik sayo." itinulak ko siya at tuluyan ng lumabas ng pinto.
David POV
Nang matapos ang meeting ay agad kung hinila si Zion para makapag usap ang dalawa, mukhang wala itong alam kung anong meron base na din sa mga kilos niya kanina.
"Bitawan mo nga ako! Bakit ka ba nanghihila ha! Hihintayin ko pa si Devon!" singhal niya sa akin.
At dahil sa inis ko at kinaltukan ko naman siya sa ulo. "Hindi ka ba talaga makaintindi o sadyang tanga ka lang! Hindi ka ba nakakaramdam ng tensyon man lang kanina?"
Kumunot naman ang noo niya. "Gago ka ba? Alam mong matagal akong nasa ibang bansa tapos tatanungin mo ako niyan?"
"Paano kayo nagkakilala ni Kelly?" tanong ko sa kanya.
"Sa ibang bansa, sa isang Cafe kami unang nagkakilala hanggang sa naging magkaibigan kami. Bakit?"
"Kung maglalandi ka lang ay maghanap ka na lang ng iba at huwag si Kelly." madiin na wika ko.
"At bakit naman?"
"Pagmamay ari na 'yan ni Phoenix. Tanga!" saad ko.
Nanlaki naman ang kanyang mga mata. "Totoo ba? You mean siya ang Kelly na tinutukoy ng kaibigan natin?"
Tumango naman ako. "Oo kaya huwag ka ng pumagitna sa dalawa."
"Eh matagal na silang wala, 'yan ang pagkakaalam ko. Naikwento kasi sa akin ni Devon ang tungkol sa lalaking minahal niya pero hindi niya binanggit sa akin ang pangalan. Hindi ko naman alam na kaibigan pala natin ang nanakit sa kanya.
"Walang kasalanan si Phoenix, it was all a misunderstanding. Ilang taon 'yan pinahanap ng kaibigan natin pero hindi niya makita 'yon pala na sa ibang bansa." anas ko.
"Ang lawak ng koneksyon ni Phoenix tapos hindi niya nakita?"
"Walang records si Kelly sa airport kaya ang akala namin ay nandito lang siya. Kung sinasabi mong sa ibang bansa kayo nagkakilala that means she use a private plane." bulalas ko at umupo.
"This is so interesting."
Tiningnan ko naman siya ng masama. "Huwag mo sabihin na may gusto ka kay Kelly?" tanong ko sa kanya at ang gago ay tumawa lang.
"Wala akong gusto kay Devon, kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya."
"Eh ano 'yang binubulong bulong mo?" pagtatanong ko pa.
Nakita ko naman ang pag ngisi niya. "Si Phoenix na lang ang dapat gumawa ng paraan para malaman niya.
"Ang gulo mo gago! Lumayas ka na nga at nandidilim paningin ko sayo." sigaw ko.
"Aalis talaga ako dahil may pupuntahan pa ako." napailing na lang ako dahil sa kanya, mabuti na lang at hindi siya nagkagusto kay Kelly.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Phoenix. "Nakasalubong mo ba si Zion?" tanong ko sa kanya.
"Yeah, may pupuntahan pa daw siya." sagot nito.
"Kumusta? Nakapag usap ba kayo?" tanong ko.
"Masyadong matigas si Kelly ngayon." nakita ko pa siyang napailing.
"Nasaktan kasi kaya ganyan, ilang taon din siyang wala kaya may chance talaga na may magbabago sa kanya." saad ko.
"Yeah, but I won't give up. Nakausap mo ba si Zion?"
Tumango naman ako. "Nakilala niya si Kelly sa ibang bansa kaya naging magkaibigan sila. Hindi niya alam na may nakaraan kayong dalawa kung hindi ko sinabi sa kanya but you don't have to worry kasi wala naman daw siyang gusto sa kanya." sagot ko sa kanya.
"Kaya pala hindi ko siya mahanap dahil wala naman siya dito."
"Mukhang private plane ang gamit niya kaya wala siyang record sa pag alis sa airport." segunda ko naman at tumayo na.
BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomansaSi Kelly ay namamahala sa restaurant na pag mamay ari nila. She has everything in life, mayroon siyang mapagmahal at supportive na mga magulang. Halos matatawag na isang perpekto ang kanyang buhay, walang inaalalang problema hanggang sa makilala niy...