Phoenix POV
Parang ang bilis lang ng mga araw, halos hindi ko na namalayan na apat na taon na simula ng umalis si Kelly, hindi ko na din alam ang iisipin ko kung magaling lang ba talaga siya magtago o kaya ay may tumutulong sa kanya para hindi ko siya makita.
Nang araw ng kasal nina David at Kylline ay umaasa ako na darating siya pero kahit anino niya ay hindi ko nakita, inaasahan ko pa naman na nando'n siya dahil isa 'yon sa mahalagang pangyayari sa buhay ng isa sa matalik niyang kaibigan.
At tungkol naman sa pamilya nila ni Elysse ay muntik na silang ma bankrupt, ilang beses nagmakaawa ang mga magulang niya sa akin na tulungan sila at huwag ituloy ang mga plano ko, lumuhod pa sila sa harapan ko at humingi ng tawad sa ginawa ng anak nila at dahil naaawa naman ako at alam ko na kung nandito si Kelly ay tutulungan niya din ito.
Hindi ko na tinuloy ang plano ko sa kanila pero hindi na din ako a invest sa kompanya nila, binigyan ko sila ng pagkakataon na makabangon, hindi ko hinarang ang ibang mga investment nila sa isang kondisyon 'yon ay hindi na pwedeng lumapit pa sa akin o sa kahit kaninong malapit sa akin si Elysse at pumayag naman sila agad. Ang alam ko ay dinala nila ito sa ibang bansa, humingi din ng tawad si Elysse sa akin ng ipakulong ko siya, halos isang taon din siyang nasa kulungan at inurong ko lang ang kaso.
"Alam mo pre uso kasi ang magpahinga." biglang saad ni David na kakapasok lang dito sa opisina ko.
"Magpapahinga lang ako kapag bumalik na si Kelly." saad ko.
"Apat na taon na ang lumipas pero hindi ka pa di sumusuko? Ang tindi mo din, paano kung ayaw niya na talaga sayo?"
"Gagawin ko ang lahat para magustuhan niya ako ulit, para bumalik ang pagmamahal niya." sagot ko.
"Ang tanong pre, paano ka nakakasiguro na single pa rin siya hanggang ngayon? Matagal na din ang lumipas."
"Hanggang hindi siya ang nagsasabi sa akin na kasal na siya at wala akong nakikitang suot niyang singsing ay hindi ako mawawalan ng pag asa." anas ko.
Nakita ko naman siyang umupo. "Napapaisip talaga ako kung nasaan siya, ang mahal mahal ng binabayad mo sa mga investigator pero wala man lang silang maayos na naibabalita sayo. Wala din naman siyang record na umalis ng ibang bansa diba? Kaya nakakapagtaka na inabot na ng apat na taon pero hindi mo pa din siya nakikita, hindi kaya ay may tumutulong sa kanya?"
Ilang beses ko na din iniisip ang bagay na 'yan dahil kung is Kelly lang ay alam kung makikita ko siya agad at malalaman ko kung nasaan siya, hindi siya magaling magtago kapag mag isa lang siya kaya sigurado ako na may sumasabotahe sa akin lalo na sa mga binabayaran ko para hanapin siya.
"Matagal ko na din iniisip ang bagay na 'yan kaya pinahinto ko na ang pagpapahanap sa kanya, kung totoong may tumutulong nga sa kaya ay useless lang ang mga binabayaran ko." anas ko.
"Sigurado akong magkikita din ulit ang landas niyong dalawa, hindi naman habang buhay ay magtatago na lang sayo si Kelly, kung sa wattpad at teleserye nga kahit ilang taon pa ang nakalipas ay nagkikita pa din sa totong buhay pa kaya." natawa pa ito.
Binato ko naman siya ng ballpen. "Nahahawa ka na sa asawa mo, alam kung mahilig 'yon magbasa pero hindi ko alam na pati ikaw ay magiging hobby mo na din ang bagay na 'yan." saad ko.
"Maganda naman kasi talaga magbasa, ang dami dami na naman nga binili ng asawa ko na mag libro pero hinahayaan ko na lang kasi 'yon lang naman ang pinagkakaabalahan niya."
Napailing na lang ako sa kanya, simula pa kasi noon ay mahilig na talaga magbasa si Kylline lalo na ng mga wattpad books, hindi ko alam kung anong meron sa mga libro na 'yon eh puro lang din naman mga kwento tapos 'yong iba ay hindi naman makatotohanan at galing lang sa isip ng mga writer pero ang sabi naman ni David 'yong ibang mga kwento o scene naman daw do'n ay galing sa mga experience ng author o kaya nangyayari talaga sa totoong buhay kaya makakarelate ka din.
Sa mga taon na lumipas ay masasabi ko na mas lumago pa ang kompanya, bumili din ako ng iba't iba pang mga ari-arian pati bahay para magamit sa future. Nag invest din ako sa iba pa. Mayroon pa akong resort na binili. Kapag bumalik na si Kelly ay sigurado na akong mabubuo na ako ng tuluyan. Sana lang ay mali ang sinabi ni David, sana ay hindi pa huli ang lahat sa aming dalawa.
Napadpad naman ang tingin ko sa picture ni Kelly na nandito sa opisina ko, sa tuwing namimiss ko siya ay tinitingnan ko lang ito. Hindi ko alam kung ano ang gayuma na ginamit sa akin ng babaeng 'yon kung bakit minahal ko siya ng ganito. Simula ng may mangyari sa amin ay hindi na siya nawala sa isipan ko, kahit alam ko na hindi naman ako gano'n na tao. I can fuck any woman I want at pagkatapos ay iiwan na lang sila. I hate commitments pero ng makilala ko si Kelly ay nag iba ang pananaw ko, pinangako sa sarili ko na siya lang ang babaeng mamahalin ko.
Inayos ko na lang ang mga natitira pang papeles na kailangan kung pirmahan para mayamaya ay makauwi na din ako, sa susunod na araw ay magkakaroon ng conference meeting at sinabi sa akin ng mga magulang ni Kelly na may apat ipapadala silang tao para umattend dahil hindi sila makakauwi, hindi ko lang alam kung sino dahil hindi naman nila nabanggit.
"Yow fucker!" napatingin naman ako sa pinto ng makita ko si Zion, isa siya sa mga kaibigan ko at pinsan ko din.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Binibisita lang kita para malaman ko kung ayos ka pa ba, baka kasi nababaliw ka na naman dahil sa babaeng matagal mo ng hinihintay." nakangising turan niya, alam niya ang tungkol kay Kelly pero hindi siya sila nagkikita dahil ng mga panahon na magkasama kami ay wala ang gagong ito dito at nasa ibang bansa.
"Mas mauuna ka pang mamatay kaysa sa akin kung 'yan ang iniisip mo." saad ko.
"Hindi pwede! Maraming iiyak na babae kaya mas mauna ka lang."
"Puro pambababae inaatupag mo simula ng makauwi ka dito, hindi ka pa ba nagsasawa? Nang nasa ibang bansa ka ganyan din hobby mo." saad ko.
"Hoy Phoenix tigilan mo ako ha, isa ka din naman sa babae sa atin na taon lang na nainlove ka kaso iniwan ka." pang aasar nito.
"Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi ka pa nakakakita ng katapat mo. Ulol! Tingnan mo si David, maayos na ang buhay niya." wika ko.
"Kayo lang 'yon! Hindi pa ako handang magpatali ng maaga. Sakit lang sa ulo ang mga babae, binigay mo na nga ang gusto nila pero gusto pa ng commitment."
"Sakit sa ulo, kagaya ni Maria?" nakangising turan ko.
Naalala ko kasi ng magkakilala sila ng kaibigan ni Kelly sa bar, akala yata nitong kaibigan ko ay easy to get si Maria pero nireject siya nito kaya hindi niya 'yon matanggap.
"Ano naman kinalaman ng babaeng 'yon sa pinag uusapan natin?"
"Siya lang kasi ang nakasakit ng ego mo tol, kaya ka nga inis na inis sa kanya kasi nireject ka." hindi ko mapigilan ang hindi matawa sa tuwing naalala ko ang gabing 'yon.
"Hindi naman siya kawalan sa akin kaya wala akong pakialam sa kanya."
"Hindi nga halata na wala kang pakialam." pang aasar ko pa.
"Alam mo tol ang babae sa una lang naman 'yan mag pakipot pero kapag tumagal ay bibigay din."
"Pero hindi lahat ng babae gano'n at nakita mo lang talaga ang katapat mo. Sa pagkakatanda ko maraming fling 'yang si Maria kahit noon pa, kagaya mo ay ayaw niya din magseryoso o magkaroon ng commitment, malay mo kayo pala ang itinadhana sa isa't isa." saad ko.
"Oh shut up dude! Kung siya lang naman ay huwag na, maraming babae diyan."
Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. Kilala ko si Zion at hindi siya sanay na mareject ng babae kaya alam kung hindi siya papayag na pinahiya siya ni Maria, mukhang may aabangan na naman ako na mga kaganapan sa mga susunod na araw.
"Anong iniisip mo? Para kang tanga diyan." singhal niya sa akin.
"Kalma! Binanggit ko lang si Maria uminit na agad ang ulo mo, saang ulo kaya sa baba o sa taas." pang alaska ko pa lalo sa kanya na mas ikinainis niya.
"Just shut up!"
Nag usap pa kami ng ilang minuto at sabay na din kami umalis sa opisina, pupunta din kasi siya sa bahay dahil may family dinner kami.
BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomanceSi Kelly ay namamahala sa restaurant na pag mamay ari nila. She has everything in life, mayroon siyang mapagmahal at supportive na mga magulang. Halos matatawag na isang perpekto ang kanyang buhay, walang inaalalang problema hanggang sa makilala niy...