Kelly POV
Nakatingin lang ako sa anak ko na seryosong kumakain ng kanyang almusal, naiinis pa rin ako sa pagmumukha ni Phoenix kaya hindi ko siya magawang tingnan. Kung bakit kasi hindi ko inisip na pupunta siya ngayong araw, hindi ko man lang napaghandaan ang bagay na ito.
"How is it po? Hindi po ba at masarap?" rinig kung tanong ni Matt sa kanyang ama.
"Palagi naman masarap magluto ang mommy mo," sagot naman ni Phoenix.
"Hindi mo pa po nasasagot ang tinanong ko sayo kanina." saad nito.
"Ano naman 'yon?"
"Kung nanliligaw ka sa mommy ko, kasi wala naman po ang Daddy ko at hindi ko alam kung bibisita pa po siya sa akin dahil baka may family na din po siya," at dahil sa sinabi 'yong ng anak ko ay nakita kung mabilis na pagtingin sa akin ni Phoenix.
"Paano mo naman nasabi 'yon?"
"Eh kasi simula ng pregnant po si Mommy ay wala siya hanggang sa lumaki na po ako ay hindi ko pa din siya nakita. Pero ang sabi ko naman ay okay lang po kung hindi ko man siya makilala basta makita ko lang po siya kahit sa malayuan ay ayos na po ako. Sabi ni Mommy kamukha ko daw ang Daddy ko kaya po ng makita ko kayo sa mall ay akala ko kayo 'yon kasi sobrang magkahawig po tayo,"
Sunod sunod na paglunok naman ang ginawa ko dahil hindi ko kinakaya ang titig na iginagawad sa akin ni Phoenix, alam kung galit ito sa akin ngayon dahil sa narinig mula sa kanyang anak.
"Matt, t-tapusin mo muna 'yang kinakain mo at may sasabihin sayo si Mommy." saad ko at tumango naman ito.
Nang matapos ang anak ko sa pagkain ay sinabihan ko siyang do'n na muna siya sa kwarto at susunod ako pagkatapos kung magligpit dahil may importante akong sasabihin sa kanya at agad niya naman itong sinunod.
"Hindi ko alam na matagal na pala akong gustong makita ng anak ko pero wala ka talagang balak na ipakilala sa akin 'no? Hindi mo ba naririnig ang mga sinasabi niya kanina, Kelly? He is longing for a father, paano mo natitiis ang bagay na 'yon?" napatingin ako kay Phoenix ng sabihin niya 'yon sa akin, alam kung kanina niya pa ako gustong sumbatan, hindi niya lang magawa dahil nasa harap namin ang bata. "Ano ba talaga ang sinasabi mo sa kanya? Bakit niya nasasabi na meron akong pamilya?" dagdag pa nito.
"Bakit? Wala nga ba? Ilang taong na ang lumipas sa tingin mo hindi ko iisipin na may sarili ka ng pamilya? Kaya hindi ko magawang ipakilala si Matt dahil ayaw ko siyang umasa."
"Umasa saan? Talaga bang ikaw na lang lagi ang magdedesisyon? Ni hindi mo nga sigurado kung may pamilya ako o wala! Ang bilis mong mag conclude ng mga bagay na wala ka naman ebidensiya!"
"Iniisip ko lang ang mararamdaman ng anak ko! Selfish ng kung selfish wala akong pakialam! Pinoprotektahan ko lang ang anak ko, paano kung may pamilya ka na nga? Masasaktan lang siya." matapang na turan ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong pamilya! Ang hilig mo kasing tumakbo sa mga problema kaya ganito ang nangayari. Kung una pa lang ay nagtapat ka na sa akin na buntis ka edi sana buo na ang pamilya ng bata!"
Natawa naman ako ng pagak dahil sa sinabi niya. "Kung makapagsalita ka parang wala kang kasalanan na ginawa ah! Kung hindi ka gago, kung hindi ka nagloko sana hindi ganito ang kinahantungan natin! Ikaw ang may kasalanan ng lahat Phoenix, ikaw ang sumira sa atin at hindi ako! Kaya huwag mong isisi ang lahat sa akin."
"I never cheated on you Kelly!"
"Liar! Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa din aamin sa nagawa mo? May anak ka na nga pero patuloy ka pa rin sa pagsisinungaling!" sigaw ko sa kanya.
"Dahil 'yon ang totoo! Kung hinayaan mo sana ako na magpaliwanag ay hindi tayo aabot sa sitwasyon na 'to Kelly! You didn't trust me enough kasi kung may tiwala ka sa akin ay binigyan mo ako ng pagkakataon para depensahan ang sarili ko!"
"Sa tingin mo ba maiisip ko pa ang bagay na 'yan ng mga oras na 'yon? Kitang kita ng dalawang mata ko ang lahat tapos gusto mong pakinggan kita sa paliwanag mo? Kung ikaw ang nasa posisyon ko alam kung 'yon din ang gagawin mo!" inis na wika ko.
At dahil ayaw ko naman na maubos ang oras naming dalawa sa bagbabangayan ay pinuntahan ko na ang anak ko, siguro kailangan ko ng sabihin sa kanya ang totoo dahil wala naman akong ibang choice. Kilala ko si Phoenix at alam kung gagawin niya ang lahat para lang makuha ang gusto niya.
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang anak ko na nakaupo sa kanyang kama habang nagbabasa ng libro, nang mapansin niya ako ay ngumiti ito sa akin.
"Did I disturb you?" tanong ko sa kanya ay umupo sa tabi niya.
Mabilis naman siyang umiling. "Ang sabi mo po ay hintayin ko kayo dito kaya habang wala ka pa po ay nagbasa na muna ako," sagot niya naman.
Ngumiti naman ako sa kanya kahit na kinakabahan ako. "Baby, may sasabihin kasi sana si Mommy at sana huwag kang magagalit o magtatampo sa akin kung naglihim ako sayo." saad ko.
"Bakit naman po? Siguro naman po ay may reason kayo kung bakit na keep mo po 'yon at saka po hindi naman ako magagalit sayo kasi mommy po kita eh at love na love kita."
Pakiramdam ko ay may biglang humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ng anak ko, sobrang swerte ko dahil biniyayaan ako ng matalino at mabait na anak. Hindi naman na ako magtataka do'n dahil matalino ang ama niya, hindi ko naman sinabi na shunga ako pero mas mautak lang talaga sa akin si Phoenix, hindi naman siya magiging bilyonaryo at succesful na business man kung hindi.
"What is it po ba, mommy?" tanong sa akin ni Matt kaya nabalik ang tingin ko sa kanya.
"It's about your father," saad ko.
Seryoso naman siyang tumitig sa akin, nakikita ko talaga sa kanya si Phoenix. "Bakit po?"
"Gusto ka kasi niyang makilala." sagot ko sa kanya.
"P-po? G-gusto niya akong makilala? Paano po? Hindi po ba ay wala siya dito? At baka po magalit ang family niya," bakas sa kanyang boses ang lungkot.
Hinawakan ko naman ang kanyang kamay. "Wala siyang ibang pamilya anak, nandito siya kasi gusto niyang bumawi sayo. Kaya gustong mag sorry ni Mommy sayo kasi naging selfish ako para hindi sabihin sa kanya ang tungkol sayo, sana maintindihan mo ako." paliwanag ko sa kanya.
"Siguro po pag laki ko maiintindihan ko ang mga dahilan mo mommy, hindi ko po magagawang magalit sayo."
Niyakap ko naman siya at nakita ko naman si Phoenix na nakasandal lang sa may pintuan kaya senenyasan ko siya na lumapit sa amin.
"Anak, hindi ba at hinihiling mo na makita ang Daddy mo? Kahit na sa malayo?" anas ko at tumango naman siya. "Nandito siya ngayon," dagdag ko pa.
Mabilis naman na napatingin ito kay Phoenix na nakatayo lang sa harap namin.
"I-ikaw po? Ikaw po ba ang Daddy ko?" tanong nito sa kanya at mabilis naman siyang humakbang palapit dito at niyakap ng mahigpit ang kanyang anak. Bigla naman nagsilandasan ang luha sa aking mga mata dahil sa nakikita.

BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomantizmSi Kelly ay namamahala sa restaurant na pag mamay ari nila. She has everything in life, mayroon siyang mapagmahal at supportive na mga magulang. Halos matatawag na isang perpekto ang kanyang buhay, walang inaalalang problema hanggang sa makilala niy...